Kilala ang
imahen ng Sto. Nino bilang imahen ng Panginoong Jesus sa
kanyang anyong kabataan.
Ang
unang imahen ng Santo Nino sa Pilipinas ay binigay ni Ferdinand
Magellan kay Reyna Humaymay noong ika 14 ng Abil, 1521, sa Cebu na
siya ring araw ng unang pagbibinyag sa mga Pilipino. Si Papa Innocente XIII ang nag-utos na ipagdiwang ito tuwing ikatlong Linggo ng Enero
bilang pangkalahatang kapistahan ng Banal na Sanggol para sa Simbahan ng Pilipinas noong ika-18 siglo.
Simula
nuo’y kumalat at lumaganap ang debosyon sa Sto. Niño. Hanggang sa
makarating ito sa mga karatig bayan hanggang sa makarating sa Bayan
ng Hagunoy at nagkaroon ito ng isang munting bisita malapit sa
kabayanan ng Hagonoy, na kung tutuusi'y bahagi pa rin ng barrio na
ipinangalan sa Sto. Niño na siyang sentro ng bayan ng Hagonoy. Hindi
matatawaran ang debosyon ng mga Katolikong Pilipino, pati na rin
naman ng mga Hagonoeño
sa Sto. Niño.
Karamihan sa mga tahanan ng mga taga-rito, tulad din sa ibang mga
lugar ay may imahen ng Kristong Sanggol. Dito sa Parokya ni Sta.
Elena Emperatris, nagdiwang ng kapistahan para sa karangalan ng
Batang Manunubos tuwing araw ng Linggo, Enero 20,
2013 tulad ng naaayon sa kalendaryo ng mga pagdiriwang ng Simbahan sa
Pilipinas. Kasama ang mga magulang ng mga bata sa barrio ay
nagsipagsimba sila. Dalangin ng kanilang ama at ina na basbasan ang
kanilang mga anak, maging huwaran at maging modelo ng kanilang mga
anak ang Sto. Niño. Puno ang simbahan hanggang sa patio.
Pinangunahan
ang pagdiriwang ng Hermana Mayor, si Gng. Helena Marie Gabrielle Feliciano at ng
kanyang pamilya. Nuong bisperas nagkaurong ng dapit sa ganap na ika-5 ng hapon. Dinapit ng mag-asawang Jose at Maria ang batang Hesus
sa tahanan ng Hermano patungo sa Simbahan.
Nuong
umaga naman, araw ng kinapistahan, walang humpay ang pagpapasyo ng
banda ng musiko na sinalisihan pa ng isang mobile truck sa saliw ng
tugtog ng sinulog kaya’t damang dama ang saya ng pista. Sa ganap na
ika-9:30 ng umaga ay ginanap ang Banal na Misa para sa karangalan ng
Sto. Niño.
Sa pangunguna ng Kura Paroko ng Sta. Elena, si Fr. Efren G. Basco at
ng pamilya ng hermana. Sa dami ng mga batang nagsimba ay halos puno
na ang simbahan. Binasbasan ng Kura ang lahat ng mga batang naroroon.
Isinimba ng mga ina ang kanilang mga anak upang idalangin na sa bawat
araw na daraan ay bigyan ng mahabang buhay , ilayo sa ang mga bata sa
sakit at sakuna. Matapos ang Banal na misa ay sinundan ito ng isang
Maringal na Prusisyon kung saan ito ay pinangunahan ng isang
ati-atihan sinundan ng seryales, estandarte, mga abay, ang hermana at
ang imahen ng Sto. Niño at ang banda ng musiko. Masaya ang araw ng kapistahan. Matapos ng prusisyon, nagsalu-salo ang barrio sa tanghalian
na sinundan pa ng palaro para sa mga bata.
Tunay
ngang malalim ang pananampalataya at paniniwala ng mga taga-Marulao
sa batang manunubos at tagapagligtas. Matapos
nito, isang taon nanaman ang lilipas at isa pang bagong taon ang
darating. At sa bawat darating na taon ay muling ipagdiriwang naming
mga taga- Marulao ang pista at karangalan ng Señor
Sto.
Niño.
Viva
Sta. Elena de Hagonoy!!!
Viva
Sta. Ana de Hagonoy!!!
Viva
Señor
Sto. Niño de Hagonoy!!!
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang
Parish of St. Helena the Empress
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang
Parish of St. Helena the Empress
Page 1 of 5
Please press Older Posts for Page 2.
No comments:
Post a Comment