“Apostol
San Pablo… Haligi ng Simbahan… Huwaran ng Pananampalataya”
ang siyang naging tema ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng
Pagbabalik-loob ni San Pablo Apostol na ipinagdiwang sa Barangay San
Pablo, isa sa nga pinakabatang barangay ng Bayang Hagonoy na sakop
naman ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo. Ang dakilang okasyong
nabanggit at ipinagdiwang noong Enero 25 taong 2013.
Si
Apostol San Pablo bilang isa sa dalawang itinuturing na haligi ng Simbahan kahanay ni San Pedro ay isa sa iilang mga banal sa Simbahan
na may dalawang kapistahan . Ang isa ay ang kapistahan ng kanyang
pagiging martir na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 29 at ang paggunita sa
kanyang pagbabalik- loob na ipinagdiriwang nga tuwing ika-25 araw ng
Enero. Dito ginugunita ang pagtawag ng Panginoong Jesu-Kristo sa
kanya upang maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan.
Bagaman noong una , si San Pablo ay nakilala bilang taga-usig ng mga
unang Kristiyano, matapos ang pagtawag ng Panginoon sa daan ng
Damasco, siya ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng mga aral ni
Kristo. Kung saan nakilala siya sa pangangaral sa mga Gentil o yung
mga mananampalataya ng mga paganong kaugalian. Dito nakilala siya
bilang apostol sa mga Gentil. Sa turo na ito sumentro ang mga homilya
sa bawat nobenaryo bilang paghahanda sa kapistahan. Binigyan diin ni
Rdo. P. Norberto F. Ventura, Kura Paroko ng Parokya ng Ina ng Laging
Saklolo na bagaman huling nakilala ni Pablo si Jesus, kaakibat ang
bigat ng kanyang kasalanan sa pag-usig sa unang Simbahan, siya ang
pinakanagpagal sa alin mang alagad upang ipalaganap ang
pananampalatayang Kristyano. Ayon kay P. Ventura, ang gating mga
kahinaan ay napapalitan ng ating mga gawain at pagsusumikap na maging
banal at upang masunod ang mga kautusan.
Pinangunahan ni Rdo. P. Norberto F. Ventura, Kura Paroko ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo ang misa para sa Fiesta Mayor ng Visita ni San Pablo Apostol sa San Pablo, Hagonoy. |
Sinimulan
ang nobenaryo noong ika-16 ng Enero kung saan ang mga mananampalataya
sa Barangay San Pablo at nagpamalas ng suporta sa ginagawang parangal
sa patron ng lugar sa dami ng bilang ng tao dumadalo sa misa na
di-nagmamaliw kahit pa araw-araw ang pagdiriwang ng Eukaristiya. Ang
maalab na pakikiisa ng mga taga San Pablo ay sumasalamin ng
panimulang hakbang tungo sa pagbabalik sa mapagmahal na kanlungan ng
Diyos.
Nakiisa
rin ang koro ng Sub-Pastoral
Council ng
San Pablo sa pamamagitan ng paglikha ng awit na na alay sa pagbabalik
ng patron. Ang mga liriko ng awit ay tumutukoy sa kasaysayan ng
pagtawag kay San Pablo at kung paano siya nagpagal upang ipalaganap
ang mga aral ni Kristo,. Tinatalakay din ng awit kung paano
tinuturuan tayo si San Pablo kung paano magkaroon ng maalab na
pananampalataya sa Maykapal. Nasasaad din sa awit kung paano si San
Pablo ay naging huwaran at gabay sa wastong at tapat na
pananampalataya na pinapatunayan ng kanyang pagiging maalam dito kung
saan kanyang isinulat ang ilang mga sulat at aral sa mga unang
simbahang Kristyano sa Corinto, Filipos, Antioquia at iba pa.
Isinasamo din sa awit kung paano hinihiling ang paggabay at
pamamagitan ni San Pablo upang mailapit ang tao sa Diyos. Ayon sa
sumulat ng awit, ang komposisyon ay awit isang awit pang-komunyon.
Dagdag pa nito ang susunod na awit na lilikhain ay pambungad na awit
hanggang mabuo ang mga koleksyon ng awit na laan para kay San Pablo
na kikilalanin bilang Misa San Pablo.
Minabuti
ng Sub-Pastoral
Council
ng San Pablo na magkaroon ng tema bilang siyang magiging gabay ng
pagdiriwang upang maiangkop ito sa Tema ng Taon ng Pananampalataya na
ideneklara ni Pope Emeritus Benedict XVI.
HIMNO
SAN PABLO
Titik
ni: Jun R. Acuña
Tinig mula sa:
Awit para kay San Pedro Calungsod
Awit para kay San Pedro Calungsod
Rdo. P. Manoling Francisco, S.J.
Kinanta ng:
Redemptoris Mater Chorale
Ang Opisyal na Koro ng
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
Kinanta ng:
Redemptoris Mater Chorale
Ang Opisyal na Koro ng
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
Sa’yo’y
pagpupgay, handog nami’t alay,
Santong
pintakasi, Patron naming mahal
Huwarang
tangi, Haligi ng Simbahan,
Magiting
na Apostol ng kay Kristong aral.
Tinawag
ka ng Diyos sa Damascong daan,
Liwanag
ni Kristo’y iyong nasaksihan
Pag-ibig,
loob ng Diyos kay Ananias nalaman,
Pagbabalik-loob
mo’y sa Diyos inialay.
Koro:
San
Pablo Apostol, kami’y ipamagitan,
San
Pablo Apostol, kami’y ilapit mo
Sa
Diyos na kaliwanagan
Iyong
pinamansag aral ng kaligtasan,
Ipanalaganp
sa mundo ang Simbahan
Sa
pagpupunyagi, mga Gentil inaralan,
sa
pananampalataya, kami iyong gabayan.
Di
ka nasindak sa lupit at dahas
Na
dulot ng bangis ng kaaway ng Simbahan
Pananampalataya
mo, sinubok siniyasat,
Pagpapatotoo
mo’y pag-aalay ng buhay
Koda:
San
Pablo Apostol isa kang huwaran
Ng
pananampalataya at panindigan,
Susundan
namin ikaw sa iyong pamamahayag,
Kami
nawa’y matulad sa iyong kabanalan.
Photo and Video Courtesy: Jun R. Acuña
Parish of Ina ng Laging Saklolo
No comments:
Post a Comment