Noon
ika-28 ng Pebrero ngayong tayon ay bumitiw sa pagiging Santo Papa ng
Simbahang Katoliko si Benedikto XVI dahil sa mga pangangailangang
pangkasulugan. Ito ang dahilan kung kaya't nagtipon muli ang mga
Kardinal, ang mga prinispe ng Simbahang Katoliko upang pagbotohan
kung sino ang magiging susunod na Santo Papa para sa halos dalawang
bilyong mananampalataya ng Simbahang Katoliko.
Nagtagal
ng halos tatlong araw ang naganap na pagtitipon na tinatawag bilang
conclave (Latin: cum
clavi – “with key” na
kaugnay ng pagkukulong sa mga Kardinal sa Sistine Chapel sa Vatican
upang sila'y makaboto kung sino ang susunod na Santo Papa). Maraming
mga kandidato sa pagka-Santo Papa ang naihayag kasama na rin ang
ating kababayan na si Luis Antonio “Chito” Cardinal Tagle, and
Arsobispo ng Maynila. Sa pananaw noon ng mga mananampalataya at pati
na rin ng ilang Kardinal, ang isang Santo Papa na marunong sa
pamumuno at may angking kabanalan na makikita ng husto. Malaki din
ang posibilidad noon na magkaroon ng isang Santo Papa na hindi
taga-Europa ngunit isa sa mga lugar kung saan malaki na ang bilang ng
mga Katoliko tulad ng Timog Amerika, Hilagang Amerika o ng Aprika o
Asya. At sa kahulian, noong ika-13 noong Marso ay naboto ang isang
Santo Papa mula sa katimugang bahagi ng daigdig, sa bansang
Argentina. Siya si Jorge
Mario Sivori Bergoglio,
isang paring Heswita na itinalagang Arsobispo ng Buenos Aires, ang
pangunahing lungsod ng bansang Argentina.
Sa
pagkakataong ito, maganda na magkaroon tayo ng kaalaman sa ating
bagong Santo Papa at kung anu-ano ang mga nakikita niyang plano para
sa ating Simbahan.
Ipinanganak
siya noong ika-17 ng Disyembre, taong 1936 sa barrio ng Flores sa
Buenos Aires kina Mario Jose Bergoglio, isang Italyano at Regina
Maria Sivori, isang taga-Argentina. Nabuhay siya kasama ng mga
mahihirap at lumaki na may mga pangkaraniwang hilig tulad ng mga
batang gustong maglaro ng soccer.
Ngunit
noong 1950's napukaw ang kanyang damdamin na maging isang lingkod ng
Simbahan. Una, pumasok siya sa seminaryo ng Arkidiyosesis ng Buenos
Aires, ang Seminaryo ng Inmaculada Concepcion sa Villa Devoto.
Matapos ang tatlong taon pumasok siya upang maging isang misyonero.
Pumasok siya sa orden ng mga Heswita na kung saan naging opisyal
siyang miyembro noong ika-12 ng Marso, 1960. Noong taong ding iyon
nakapagtapos siya sa Colegio Maximo San Jose sa San Miguel sa
Probinsya ng Buenos Aires ng Licentiate
in Philosophy. Matapos
noon nakapagturo siya sa mga paaralan sa Buenos Aires at naghanda
upang mag-aral ng Teolohiya. Noong 1967 natapos niya ang pag-aaral sa
Facultades
de Filosofia y Teologia de San Miguel (Philosophical
and Theological Faculty of San Miguel) at inordenahan na maging pari
noong ika-13 ng Disyembre, 1969. Noong naganap ito naging ganap na
miyembro siya na may perpetual
vows ng
orden noong ika-22 ng Abril, 1973. Dahil sa kanyang angking galing at
impluwensya, naging Provincial
Superior siya
ng mga Heswita sa Argentina noong ika-31 ng Hulyo, 1973 hanggang
1979. Matapos maging Provincial
Superior, ginawa
naman siyang Rektor ng Facultad
kung
saan siya nag-aral. Napunta din siya sa Sankt
Georgen Graduate School of Philosophy and Theology in
Frankfurt, Germany kung saan pinaplano niyang magsulat ng doctoral
thesis. Naging
isang makadiwang patnugot at kumpesor din siya noon habang nasa
Europa at naging isang masipag na mag-aaral ng teolohiya.
Dahilan nito ginawa siyang obispo ng Simbahan at itinalagang Obispong
Pantulong ng Buenos Aires noong 1992 at inordenahang noon ika-17 ng
Hunyo noong taon iyon. Noong ika-3 ng Hunyo, 1997, napili siya para
maging susunod na arsobispo ng Arkidiyosesis kung saan siya lumaki at
naglingkod. Sa looban ng panahong ito, nagmuni-muni siya at nakita
ang kanyang kahalagahan sa mga salitang sinabi ng isang santong
Benediktino na si San Beda (St. Venerable Bede) tungkol sa Mabuting
Balita ayon kay San Mateo (Mt. 9:9-13) na may motto na Miserando
atque eligendo - “Mababa
ngunit pinili” “(Lowly
yet chosen”) Ika-28
ng Pebrero, 1998 naman noong siya ang Arsobispo ng Buenos Aires na
siyang naging dahilan ng kanyang pagiging aktibo para sa Simbahan ng
Argentina. Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng Arkidiyosesis ang
ilang mga gawaing may kinalaman sa reporma ng mga tanggapan at
pangangalaga sa mga mahihirap at sa pagtanggol sa buhay at pamilya.
Nakagawian niya ang pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon tulad ng
Huwebes Santo sa isang ospita o sa isang kulungan. Dahil siya ang
pangunahing obispo sa kanyang bansa, itinalaga siya ni Papa Juan
Pablo II ng kanyang pulang biretta (tanda ng pagiging Kardinal)
nagbigay ranggo sa kanya bilang Kardinal, isang prinsepe ng Simbahang
Katoliko. Nakita rin ang kanyang galing at pati na rin ang kanyang
pagkatao ng maraming obispo sa Latino Amerika at kaya naman siya ay
naging pangulo ng kapulungan ng mga obispo ng Argentina noong 2005 at
muling naboto noong 2008.
Sa
pagpupulong niya kasama ang ilan pang mga Kardinal noong conclave
noong
Marso 2013, nagkaroon ng ilang mga pagpupulong sa kung sino ang
magiging angkop na tao para maging susunod na kahalili ni San Pedro
sa pamumuno sa Simbahan sa makabagong panahon. Maraming mga kardinal
ang nagpatunay na si Kardinal Bergoglio ay isang malakas na kandidato
sa pamamagitan ng kanyang pagtanaw sa misyon ng Simbahan para sa
hinaharap. Sinabi niya noon ukol sa maaaring maging susunod na Santo
Papa:
The
next pope [must be] a man who from the contemplation
of
Jesus Christ and from worshipping Jesus Christ, will help
the
Church get out of herself and go to those outskirts of existence.
Ang
Santo Papa ay [dapat maging] isang taong na mula sa kanyang pagninilay
kay Jesu-Kristo at pagsamba kay
Jesu-Kristo ay tutulong sa Simbahan na
lumabas sa kanyang sarili at tumungo sa mga labasan ng buhay.
Sa
pagtingin niya sa ganitong pang-uugali, naramdaman ang kanyang
pagiging kinabukasan bilang Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Dahil
dito naboto siya at naging ika-266 na Kahalili ni San Pedro sa
pagiging Obispo ng Roma at Kinatawan ni Kristo sa lupa. Sa kanyang
pagiging Santo Papa marami siyang "una" o firsts.
Ito
ang mga sumusunod:
Siya
ang unang Santo Papa na gumamit ng pangalang "Francisco"
(Francis) na kanyang sinabi na galing sa inspirasyon kay San
Francisco ng Assisi na nagmahal sa mga mahihirap. Buhat ito ng
pagsabi sa kanya ng kanyang kapwa Kardinal na si Kardinal Claudio
Hummes ng Sao Paulo, Brazil na huwag niyang kalilimutan ang mga
mahihirap.
Siya
ang unang Santo Papa na mula sa bansa o lugar na hindi kasama sa
Europa sa loob ng ilang daang taon. Mula siya sa Latino Amerika,
kaya naman siya ang unang Santo Papa mula sa panig na iyon ng mundo.
Siya
ang unang Santo Papa na mula sa ordeng ng mga Heswita na siyang
kilala bilang isa sa mga pinakamakabago sa pananaw tungkol sa
pananampalatayang Katoliko.
Siya
ang unang Santo Papa na hindi nagsuot ng pulang mozetta upang
ipakita ang kanyang pagiging simple sa pananamit at sinuot ang
kanyang karaniwang pares ng itim na sapatos at ang kanyang krus na
gawa sa bakal.
Siya
ang unang Santo Papa na nagdiwang ng Huwebes Santo sa isang kulungan
na siyang naging gawain niya noong obispo pa siya sa Argentina.
ANG
COAT OF ARMS NI PAPA FRANCISCO
Mayroong
apat na elemento ang coat
of arms ni
Papa Francisco. Una, ang araw na may mga letrang IHS na tanda ng
kanyang pagiging isang Heswita. (Kahulugan ng IHS: Iesus
Homo Salvator – Hesus, Tagapagligtas ng mga Tao)
May tatlong pako sa araw na iyon na tanda ng naman ng buhay ng
sakripisyo na kanilang ginagawa araw-araw. Pangalawa ay ang bituin na
may walong (8) liwanag na nagsisimbolo sa Mahal na Birheng Maria na
kanyang minamahal na patrona. Sa kanan naman ay ilang bulaklak na
tanda ni San Jose na makikita sa tungkod na hawak ng santo. Ang mga
simbolong ito ang naibahagi ni Papa Francisco bilang mahahalagang
bagay sa kanyang buhay na kung saan susubukan niyang maging banal sa
pamamagitan ng paggaya sa ehemplo ng mga miyembro ng Banal na
Mag-anak. Kasama rin sa kanyang escudo ang kanyang motto na kanyang ipinalagay, Miserando atque Eligendo - Lowly yet chosen.
Pagsusuri sa Tulong ni: Sem. Samuel A. Estrope, II
Kawani, Hagonoy Seminarians'
Association
Mga Larawan mula sa: L'Obsservatore Romano
Official Vatican Photography Service
and other respective sites
No comments:
Post a Comment