Si
San Ignacio de Loyola ang nagtatag ng samahan ng mga misyonero
Society
of Jesus
(S.J.) noong taong 1541. Kilala sa tawag na “Jesuits” o mga
Heswita ang mga kaanib ng samahang ito. Ipinanganak siya noong taong
1491 sa Espanya. Noong una, siya ay namuhay bilang isang sundalo at
lumaban siya sa ngalan ng hari ng Espanya. Gustung-gusto niyang
magpakitang-gilas sa mga kababaihan. Noong taong 1521, ipinagtanggol
niya ang isang kastilyo sa Pamplona sa Espanya laban sa mga Pranses.
Isang bala ng kanyon ang tumama sa kanyang binti na naging dahilan ng
kanyang pagbagsak. Noong bandang huli, siya at ang kanyang mga
kasamang sundalo ay sumuko rin sa hukbo ng mga Pranses.
Siya
ay dinala sa kanyang bahay sa bayan ng Loyola at habang nagpapagaling
siya ng kanyang sugat sa binti, humingi siya ng mga librong
babasahin. Walang maibigay sa kanya na mga babasahin kundi ang mga
talambuhay ng mga santo at santang Katoliko. Samantalang binabasa
niya ang mga librong ito, nagkaroon siya ng pagbabagong-loob. Mula sa
pagiging isang sundalo ng hari, siya ay nagsimulang maglingkod bilang
sundalo ni Hesu-Kristo.
Sa
pagkakatatag niya sa kanyang samahan, humayo ang mga kasapi nito sa
iba't ibang dako ng ating mundo. Sa kasalukuyan makikita sila sa
iba't ibang mga kontinente - nasa Europa, Africa, Asia, Hilaga at
Silangang Amerika at sa Oceania. Dito sa ating bansa, kilala sila sa
pagtatayo ng iba't ibang mga pamantasan at paaralan tulad ng sikat na
pamantasan
ng Ateneo
de Manila sa
lungsod ng Quezon.
Isang Araw
ng Pasasalamat mula sa mga Taga-Pugad
Ang imahen ni San Ignacio ng Loyola na iprinusisyon noong Pistang Pasasalamat ng Parokya ni Sta. Elena noong Agosto 18. |
Sa
dulong isla ng Pugad sa Hagonoy, itinatangkiik ng mga taga-roon ang
banal na taong ito. Mistulang naging isang misyon ang pagpapalaganap
roon ng pananampalatayang Katoliko dala ng layo nito sa kalupaan.
Ngunit natatangi na sa kanya ipinamatnubayan ang islang ito upang
maging tanda ng tagumpay ng pananampalataya sa hangganan ng Hagonoy.
Kaya naman ang kapistahan ng santo tuwing ika-31 ng Hulyo ay isang
araw para sa dakilang patron ng Isla ng Pugad. Isa itong pasasalamat
sa mga biyayang nakamtan ng bawat isa at sa walang sawang paggabay ng
santo sa gitna ng mga panganib mula sa karagatan. Sa bawat paghampas
ng alon, kaalinsabay ang mga problema ng bawat isa. At sa tulong ng
mahal na patrong si Apo Ignacio, naipapabatid ang aming kahilingan sa
Amang lumikha. Kung kaya’t sa araw na ito ang bawat isa sa mga
taga-Pugad ay magpupugay kay Apo Ignacio. Bisperas pa lamang ay
umaapaw na ang kasiyahan sa bawat isa. Nagkaroon ng isang banal na
misa sa ganap na ika-6 ng gabi sa pangunguna ng Kura Paroko ng Sta.
Elena, Rdo. P. Efren G. Basco at pagkatapos ay nagkaroon ng isang
prusisyon na umikot sa buong isla, tampok ang Imahen ni San Ignacio,
mga taga-isla at ang Hermano na si Gng. Alfredo Medina Santos Sr. na
nakatira sa tapat ng harap ng munting bisita.
Dumating
ang araw ng kapistahan ni San Ignacio, ang araw na pinakahihintay ng
bawat isa bagamat patuloy ang pagbayo sa kanila ng sama ng panahon
kasabay pa ang malaking tubig. Ito’y tuloy pa rin. Nagsimula ang
Banal na misa sa ganap na ika-10 ng umaga, ang Misa
Mayor at
sinundan ng isang banal na prusisyon sa saliw ng tugtog ng banda ng
musiko kasabay pa ang pag-indak ng mga kababaihan ng nayon. Sigaw
dito sayaw doon, pagpapakita ng tunay na kagalakan para sa kanilang
pintakasi.. Matapos ang prusisyon nagkaroon ng isang munting
salu-salo sa tahanan ng Hermano. Ayon kay Gng. Santos, dumalangin ang
kanyang anak sa mahal na patron upang mawala ang kanyang karamdaman,
kung kanyang sinuportahan ang paghehermano sa dakilang patron.
Sa
pagdapit ng gabi, nagkaroon muli ng isang Banal na Misa sa ika-7 ng
gabi at sinundan ito ng isang banal na prusisyon. Matapos ang
prusisyon sinundan ito ng isang palabas sa patio ng simbahan kung
tawagin nila ito ay jamboree
na inihanda ng mga kalalakihan ng Pugad. Tinapos ito sa isang awitin
na inihandog nila para kay Apo Ignacio. Kasama dito ang hermano na
umaayon sa tradisyunal na gawain na isang lalaki lamang ang maaaring
maging hermano para sa kapistahan ng Pugad.
Kinabukasan
ay nagtipon-tipon muli ang mga taga-Isla para ipasa ang Vallarta sa
susunod na Hermano.
“Napaginipan
ko si Apo Ignacio na naghermano daw ako sa kanya(ng kapistahan). Kaya
naipangako ko sa aming patron na kapag ako ay nakaluwag-luwag ay
itutuloy ko ang paghehermano sa kanya sa susunod na taon.” Wika ni
Gng. Apolinario Agulto ang Hermano para sa taong 2013.
Isang
masaya, makabuluhan at puno ng biyaya ang pasasalamat nila sa
dakilang patron na si San Ignacio de Loyola.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)
No comments:
Post a Comment