Makalipas ang isang daan at anim
na taon, patuloy pa rin na naglilingkod ang sinasabing unang
katolikong paaralan na naitatag sa ating lalawigan, dito sa ating
minamahal na bayan ng Hagonoy. Ang St. Mary's Academy of Hagonoy
(SMAH) na kilala natin sa dating
pangalan nito na St. Anne's Academy ay
nagpunla at umani ng mga bungang nag-ugat sa pagpupunyagi ng mga
madre ng Religious of the Virgin Mary (RVM)
na nangasiwa dito. Sumibol mula paaralang ito ang mga mananampalataya
ng iba't ibang larangan: mga manggagamot, mga guro, mga abogado,
atbp. Ngunit isa din sa mga hindi matatawarang ani sa punlaan na ito
ay ang mga bokasyon sa pagpapari. Lingid sa kaalaman ng nakararami na
tinawag ang bayan ng Hagonoy bilang “Bayang Levitico” o “Bayan
ng mga Pari” ay bunga ng mga paring nagmula sa ating lugar na
kinalakhan. Kung titignan natin ang Banal na Kasulatan, masasaksihan
natin ang paghirang ng Panginoong Hesu-Kristo sa kanyang mga alagad
bilang mga “mamamalakaya ng mga tao.” At gayundin naman kilala
ang bayan ng Hagonoy sa mga “mamamalakaya ng yamang dagat” - ang
mga mangingisda – at ma “mamamalakaya ng tao” - ang mga paring
Katoliko. Sila ang mga sumunod sa tawag ng Panginoon at nakatutuwang
malaman na marami sa mga ito ang nagmula sa paaralan ng St.
Mary's.
Narito
ang ilan sa mga binhing tumubo
at nagmahal sa bokasyon ng pagkapari mula noon hanggang ngayon at ang
ilan sa kanila na nasa piling na ng Poong Maykapal:
Mga
Paring Buhay:
Rdo.
Msgr. Emmanuel Vengco Sunga, H.P.
Grade School, Batch
1956
Inordinahan:
Disyembre 23, 1967
Mula
sa nayon ng Sto. Niño, kasalukuyang Kura Paroko at Rektor ng
Panarkidiyosesis na Dambana ng Nuestra Señora de Loreto sa Sampaloc,
lungsod ng Maynila.
Rdo.
P. Anacleto Clemente Ignacio
Inordinahan:
Disyembre 1, 1973
Mula
sa nayon ng Sta. Monica, kasalukuyang Kura Paroko ng Parokya ni San
Pedro Apostol, Tungkong Mangga, lungsod ng San Jose del Monte sa
Bulakan.
Rdo.
P. Leon Gutierrez Coronel
Inordinahan:
Mayo 30, 1979
Mula
sa nayon ng San Agustin, kasalukuyang Paring Tagapamahala sa
Malaparokya ng Birhen ng Inmaculada Concepcion sa Concepcion,
Baliwag, Bulakan.
Rdo.
Msgr. Andres Santos Valera, H.P.
Inordinahan:
Marso 7, 1981
Mula
sa nayon ng San Jose, kasalukuyang Bikaryo Heneral ng Diyosesis ng
Malolos at Rektor ng Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion sa
Tabe, Guiguinto, Bulakan.
Rdo.
Msgr. Ranilo Santos Trillana
Inordinahan:
Marso 7, 1985
Mula
sa nayon ng Sta. Monica, kasalukuyang Bikaryo Episkiopal ng
Katimugang Distrito ng Diyosesis ng Malolos at Kura Paroko ng Parokya
ni Sto. Cristo, Marulas, lungsod ng Valenzuela.
Rdo.
P. Godofredo Tamayo Atienza, SDB
Inordinahan:
Enero 31, 1988
Mula
sa nayon ng San Sebastian, kasalukuyang nakadestino sa Don
Bosco Technical Institute sa
Victorias, Negros Occidental.
Rdo.
P. Vicente Burayag Lina, Jr.
Inordinahan:
Disyembre 12, 1989.
Mula
sa nayon ng Sto. Niño, kasalukuyang Tagapangulo ng Pandiyosesis na
Lupon ng Pangangalaga ng Pamanang Kalinangan ng Simbahan (Church
Cultural Heritage) at Kura
Paroko at Rektor ng Pandiyosesis na Dambana ng Mahal na Puso ni Hesus
sa Cruz na Daan, San Rafael, Bulakan.
Rdo.
P. Virgilio Mangahas Cruz
Inordinahan:
Hulyo 14, 1990
Mula
sa nayon ng San Jose, kasalukuyang Kura Paroko ng Parokya ni Sta.
Monica sa Angat, Bulakan.
Rdo.
P. Rolando Reyes Atienza
Inordinahan:
Disyembre 27, 1994
Mula
sa nayon ng Sagrada Familia, kasalukuyang tagapamatnubay sa kabanalan
ng Pandiyosesis na Lupon ng Kabataan at Kura Paroko ng Parokya ng
Sto. Cristo, Sto. Cristo, Pulilan, Bulakan .
Rdo.
P. Aldrin Tolentino Lopez
Inordinahan:
Hunyo 17, 1995
Mula
sa nayon ng Sto. Rosario, kasalukuyang Kura Paroko ng Parokya ng
Banal na Sakramento, Talipapa, Novaliches sa lungsod ng Quezon.
Rdo.
P. Joselito Robles Martin
Inordinahan:
Hunyo 17, 1995
Grade School,
Batch 1981
Mula
sa nayon ng San Sebastian kasalukuyang taga-hubog sa Kagawaran ng
Teolohiya ng Seminaryo ng san Carlos, Guadalupe, lungsod ng Makati.
Mga
Paring Sumakabilang buhay:
Rdo.
P. Juan Benedicto Rodriguez Santos
Inordinahan:
Disyembre 4, 1973
Namayapa:
Agosto 4, 1992
Mula
sa nayon ng Sta. Monica,
Rdo.
P. Fernando Villanueva Fernando
Inordinahan:
Hunyo 27, 1987
Namayapa:
Enero 11, 1990
Kaya
naman ikinararangal namin ang mga saserdoteng ito na ani ng punlaan
ng St. Mary's Academy
dahil sa inyong pagsunod sa yapak ng ating Panginoon bilang mga
mamamalakaya o mangingisda ng ating pananampalataya. Kayo ang mga may
dugong Ignacian-Marian
ang patuloy na bumibigkas ng sabay-sabay ng mga pangungusap na
“Purihin si Hesus at si Maria” at walang sawang sumasambit ng
“Ngayon at Magpakailanman, Amen.” Kayo ang biyaya ng Diyos sa
sambayanan - “Tu es Sacerdos in Aeternum” - “Ikaw ay pari
magpakailanman.” Sila ang nagpapatunay na bumubuhos ang biyayang
nagpapanibago at pananampalatayang di-nagmamaliw sa paaralang naging
kanilang pangalawang tahanan. Dito sumibol ang kanilang bokasyon at
nawa dumami pa ang mga kalalakihan na dugong Ignacian-Marian
na tumugon sa tawag ng Panginoon
sa bokasyon ng pagpapari.
No comments:
Post a Comment