Mula sa Patnugot: Ukol ang tulang ito sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Birheng Maria mula sa sinapupunan ni Sta. Ana sa barrio ng San Jose, Hagonoy, Bulakan.
Sa Iyong Pagsilang, Inang Maria
Simula
pa’y
Turo
ng aming magulang,
Birhen
Maria’y
Mahalin,
tularan.
Nagsilbing
palaisipan
Sino
kaya itong si Maria,
Bukang-bibig
ng balana?
(Sa
aming paaralan –
Nuo’y
St. Anne’s
Ngayo’y
SMAH
Mga
madre’y matiyagang isinasaysay
Palad
ng Inang Mahal.
Pinili
at sadyang nilalang
Sa
milyong babae’y itinaan
Maging
Ina ng Tagapagligtas
Ng
santinakpan.
Kaming
lahat, pawang namaang
Si
Maria nga pala’y
Kahanga-hangang
tunay.
“Di
man dapat,
Marami
sa amin ang nainggit
Sabay
nulas – “Sana, ako na ‘lang.”
Kung
aalagatain
Sino’ng
hindi mananaghili?
Kayo
na ang tumugon,
Kayo
na ang magdalit;
Si
Maria ngayon
Katawan
at kaluluwa, nasa langit!)
Sa
tipan, ang kuwento,
Kukulangin,
hindi hihigit, ay ganito:
Si
Eba’t si Adan
Nagkasala,
utos ng Diyos ay sinuway.
Tuos,
sa kanilang ginawa’y
Tinakdaan
ng kaparusahan.
-1-
Sa
Eden na halamanan
Wala
na silang karapatan.
“Di
na maaaring mabuhay nang masagana
Ano
man sa hardin, nawala na sa kanila.
Maghihirap,
lupa’y bubungkalin
Upang
bukas, mayroong makain.
Palibhasa’y
mahal ng Panginoon,
Hindi
natiis, binigyan ng pagkakataon.
Ipinangakong
susuguin,
Kalugurang
Bunso
Ang
misyon- “Tubusin ang madlang-tao
Sa
kinasadlakang siphayo
Upang
sa wakas, makabalik sa paraiso.”
Kasaysayan
ang naglahad –
Ana
at Joaquin
Mag-asawang
mataimtim
Wari’y
sinubok, tapat na damdamin.
Sa
tinagal-tagal ng pagsusuyuan
Mandi’y
hindi magkakasupling.
Subali’t
plano ng Diyos
Walang
makatatalos
Pag-iibigan
ng mag-asawa
Nang
lumaon ay nagbunga
Kahit
si Ana
Bukod,
baog na,
Ay
matanda pa.
At
si Maria nga
Ipinaglihing
walang sala.
Inmaculada
Concepcion, taguri sa kanya.
Sa
langit man o sa lupa
Walang
sinlinis, walang singganda.
Upang
sa Anak ng Lumikha
Siya’ng
magdadala
Magsisilang,
iibig at mag-aaruga.
Birhen,
Inang dakila
Sadyang
pinagpala
Maningning,
walang kapara
Malinis,
dalisay; sapul, walang sala.
-2-
Kanyang
sinapupunan,
Laang
Templo ng Panginoon
Wangis
ay lantay ng gintong tahanan
Nararapat
sa Haring doon ay sisimpan.
Sa
pagdatal sa aming buhay,Birhen Maria,
Pasasalamat,
hindi masusukat.
Sa
pagiging tunay naming Ina
Isa
kang biyaya.
Sa
aming nangangailangan ng awa
Nagmamahal,
nagpapala.
Pagsapit
ng iyong kaarawan
Pagbubunyi,
kulang at kulang man,
Kahit
na pa, Inang kalinis-linisan
“Happy
Birthday” na marangal,
Karapat-dapat
kang itanghal!
Sa
araw na ito
May
Banal na Misa
Parangal
sa iyo
Buhay
mo’t sakit, inaalalang totoo.
Tampok,
bilang Ina
Ng
Dakilang Manunubos, si Hesukristo.
Matapos
ang Banal na Eukaristiya
Babae’t
lalaking legionario,
At
lahat ng mananampalatayang nagmamahal sa iyo –
Sa
patio
May
pinalilipad na lobo.
Kulay
puti
Pinagtali-tali
Animo’y
Mahal na Rosaryo.
Upang
sa langit, sumapit
Dalanging
– “Dito sa mundo,
Huwag
itulot gutom at dusa;
Sa
hilahil at pangamba,
Madlang-tao’y
ipag-adya.”
Kung
sa akala ng iba
Pagdiriwang
nagwakas na,
Huwag
ka!
May
malaking “birthday cake” pa
Nakahain
sa mesa.
Handog
ng “Caroline’s Bake Shop” sa Mahal na Ina
Pagsasaluhan,
ng sa araw na ito, ay nakiisa.
-3-
Balintuna
man
Sa
kaugalian,
Sa
pagdiriwang,
Nitong
iyong pagsilang
Kaming
iyong mga anak
Ang
sa iyo’y lumalapit.
Dinggin
mo sana ang aming panambit.
Dasal,
inaawit
Awit,
dinarasal.
Naninikluhod,
namamanhik.
Huwag
pababayaan,
Bayang
humihibik
O,
Birhen Maria,
Inang
walang kasing-rikit!
MALIGAYANG
KAARAWAN, INANG MAHAL!
cttf
8/29/12
Photo Courtesy: Arvin Kim M. Lopez (National Shrine of St. Anne)
Page 6
Please press Older Posts for the 2nd Quarter.
No comments:
Post a Comment