Ang
Alamat:
Noong
panahong ng mga Kastila, may mga grupo ng mga mamamayan na
naninirahan sa isang lugar na tinatawag na Karbon, isang pook na
napaliligiran ng tubig at mga puno ng kulasi sa bayan ng Hagonoy.
Masaya, matiwasay, at payapang namumuhay sa lugar na yaon ang mga
mamamayang ito. Nang may epidemya na dumatal sa kanilang lugar,
nagpasiyang humanap ng malilipatang lugar ang mga naninirahan sa
isla. Natagpuan nila ang isang pook sa gawing kanluran
ng bayan na napaliligiran ng tubig,
halamang nipa, at bakawan. Muli nilang ipinagpatuloy ang kanilang
pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda bilang pangunahing
pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay. Subalit hindi lahat ng nagmula
sa Karbon ay lumipat sa tinirhang tinawag nila na Bagong Baryo.
Lumipat ang ibang pamilya sa San Pascual at sa Sapang Kawayan na
nasasakupan na ng lalawigan ng Pampanga.
Ang
mga tao ay gumagamit ng bangka upang mapadala sa kabayanan ang
kanilang mga nahuling isda. Sa kalaunan nagkaisa sila na gumawa ng
isang tulay na yari sa kawayan upang makatawid at ng mas madali
silang makapunta sa bayan
Ayon
sa mga taong nagmula sa Karbon, may natagpuan silang isang lalaki na
may kasamang aso. Ang lalaki ay may sugat sa katawan, samantalang
ang aso naman ang nag-alaga sa lalaki. Nang sila ay umalis ng Karbon
kasama nilang umalis ang lalaki at ang alaga nitong aso. Makalipas
ang ilang buwan, nagkaroon ng epidemya sa Bagong Baryo. Marami ang
nagkasakit at tinulungan sila ng lalaki na may alagang aso na
gumaling sa kanilang mga sakit. Nang gumaling na ang lahat, hindi na
nila nakita muli ang lalaki at ang aso.
Muling
namangha ng matagpuan nila ang isang imahe ng isang lalaki na may
kasamang aso sa kanilang lugar. Kanilang napagtanto na ito ay imahe
ng isang santo, si San Roque, ang patron ng mga may malubhang
karamdaman. Sikat si San Roque bilang isang Kastilang manggagamot na
tumulong sa kanyang mga kababayan upang gumaling sa mga sakit. Noong
siya naman ang nagkaroon ng karamdaman, linisan niya ang bayan upang
manatili sa kagubatan nang hindi makahawa. Nagkaisa ang mga tao ba
magtayo ng isang kapilya na yari sa nipa at kawayan doon sa mismong
lugar kung saan natagpuan ang imahe ni San Roque. Mula noon ang
Bagong Baryo ay tinawag na barrio ng San Roque, Hagonoy.
Ang
Kasaysayan at Pagpapalit ng Pangalan:
Ayon
sa kasaysayan ng Hagonoy na itinipon ni Msgr. Jose B. Aguinaldo sa
akdang 400
Bantayog ng Simbahan
(1983) ang lupang nilipatan ng ilang mamamayan ng Karbon ang
pinangalanang San Pascual noong 1901. Isinagawa ito noong panahon ng
mga Amerikano na kung saan kinailangang lisanin ang lugar na tinawag
ngang Karbon malapit sa kasalukuyang lugar ng Sapang Kawayan. Noon
binili ni P. Mariano V. Sevilla na noon ay Kura Paroko ng Parokya ni
Sta. Ana ang isang bahaging lupain kay G. Nazaro Trillana na Dita
noon ang ngalan. Ginawang San Pascual ang pangalan ng lugar na ito at
dito nanirahan ang ilan sa mga taga-Karbon.
Sa
isang isla naman sa gawing timog ng Karbon nanirahan ang ilan na
pinangalanang Bagong Baryo. Ngunit bilang pagpaparangal kay San Roque
binago rin ng mga taga-roon sa ngalan nito sa kasalukuyan noong 1905.
Ngunit naunang maging bisita ang kapilyang itinayo noon sa isla kaysa
sa San Pascual na pinagsumikapang itayo nina G. Igmidio Alfaro, G.
Mateo Aquino at G. Elino Reyes. Sa paglalarawan ni Msgr. Aguinaldo,
ang mga mananampalataya sa San Roque ay “ibang punto kung
magsalita” sapagkat dala ng kanilang lugar sila ay naiba sa istilo
ng pagbibigkas kaysa sa mga nasa malaking bahagi ng bayan. Inilarawan
din naman sila bilang “relihiyoso” dala ng kanilang malaking
debosyon kina Sta. Ana, sa Mahal na Ina at sa patron nilang si San
Roque. Ikinikilala na sa San Roque unang nagsimula ang mga “pagoda”
sa kailugan ng Hagonoy dala ng kanilang pasasalamat sa mga yamang
dagat na kanilang hinahanapbuhay. Noong taong 1935 sinimulang ipaayos
ang simbahan ng San Roque at makailan pang pagkakataon ibinago ang
itsura nito hanggang sa mabago ito sa disenyo nito ngayon. Sa lahat
ng pagkakataong ito, lubos ang suporta ng mga taga-San Roque sa
pagpapaganda ng simbahan at sa sama-samang pagdiriwang dito.
Sinimulan ng mga taga-San Roque ang prusisyon mula sa tahanan ng mga Raymundo tungo sa bisita ng San Roque. |
Isang
Pagninilay:
Sa
ating buhay pananampalataya, mayroong isang santo na itinuturing
natin na espesyal. Di man matularan ang kanilang buhay kabanalan,
inaalam naman natin ang kwento ng kanilang buhay. Isa sa mga ito ang
pintakasing si San Roque, ang patron ng mga maysakit. Pinaniniwalaang
siya ang mismong nagpagaling sa mga mayroong malubhang sakit noon at
ngayon. Ito pa din ang ipinararanas sa mga taong nananampalataya
Diyos sa kanyang pagtulong. Patunay dito ang mga debotong dumarayo na
galing pa sa iba’t ibang lugar upang makapagdasal at makapagpahid
lamang ng langis na nakasabit sa kamay ng orihinal na imahen.
Pumapaligid sa buong daanan ang pagtugtog ng musiko, tanda ng pagtawag ng mga mananamapalataya na pumunta at magsimba sa bisita ng San Roque. |
Sa
kabila ng mga pag-ulan at pagbaha dahil sa high
tide,
hindi nagpatinag ang mga baryo upang hindi ituloy ang pista ni San
Roque. Kahit na ang siyam na araw na paghahanda ay hindi pinagbigyan
ng pag-ulan, may mga nakabuo pa din ng nobenaryo
Naging
makabuluhan pa din ang kapistahan sa kabila ng pagkaliban ng misa
mayor dahil sa hanggang hitang tubig. Puno pa din ang bisita, bagamat
kaunti lamang ang inuurong ng tubig ng ilabas ang prusisyon ang lahat
ay nag-abang upang matunghayan ang paglabas ni San Roque. Agad
isinunod ang tradisyunal na pagoda na gawain nan noon pa ng mga
taga-rito bilang pasasalamat sa ilog sa pagbibigay ng ikabubuhay.
Natapos ito ng ika 5:00 ng hapon.
Hanggang
sa ngayon si San Roque ay naghihimala pa din.Patunay dito ang
pagkakaroon niya ng mga mamamayang bukas palad na tumutulong sa
pangangailangan ng kanyang bisita.
Ang Pagdiriwang ng Banal na Misa sa Simbahan ng San Roque
Pinangunahan ang pagdiriwang ng Banal na Misa ng tagapamahala ng Parokya, Rdo. P. Quirico L. Cruz. |
Photo Courtesy: John Andrew C. Libao (National Shrine of St. Anne and Visita of San Roque)
No comments:
Post a Comment