Layon
ng Msgr. Jose B. Aguinaldo Foundation
Simula
noong taong 2003, linayon ng Msgr.
Jose B. Aguinaldo Foundation, Inc. na
makapagdulot ng tulong pinansyal sa mga nangangailagan ayon na rin sa
diwa ng pagiging mapagbigay ng tagapagtaguyod nito na si Msgr. Jose
“Peping” Aguinaldo. Sinabi niya sa kanyang tula:
Sa harap ni Kristo Jesus sa Banal na Sakramento.
Walang gatol at malaya na
nagpas'ya ang loob ko:
Tahasan
kong itatayo FOUNDATION
MONS. AGUINALDO.
Tanang
bigay sa “ 'kin ng Diyos, ibabalik ko kay Kristo,”
NAKIKINA-KINITA KO na
pag-alis ko't pagyao,
Ang
konti kong maiiwa'y masayang kahit
mumo!
…
Di dapat maghinanakit
sinuman sa kamag-anak,
Kung ang kailanga'y tulong,
FOUNDATION ko ang gaganap;
Tutuwang din sa pasani't
dadamay sa paghihirap,
Maysakit
ma't mag-aaral,
kung di kaya at mabigat;
Foundation
ko'y may gampaning magpagaan
sa balikat,
Sa
dalahing hindi kaya ay
tutulong nang matapat.
(Aguinaldo, 2003, 108 -
109)
Ang
Gawad Parangal para sa mga Katekista
Mula dito binibigyang pansin ang mga naging gawain ng samahang ito sa panahong nagdaan. Sa pamamagitan ng samahang ito, nagkaroon ng tulong pinansyal para sa mga seminaristang pumapasok sa teolohiya upang matulungan sa kanilang mga pangangailangan. Bukod dito, mayroon ding mga gawain sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana at ng Bikarya ni Sta. Ana ng Hagonoy na kung saan tumulong at nanguna ang nasabing grupo. At sa pamumuno ng kasalukuyang nitong tagapamuno, Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr. na pinagkatiwalaan ni Mons. Peping para foundation, muling nakaisip muli ng paraan ang samahan upang makatulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga bunying katekista ng bikarya.
Dahilan
ng pagmamahal ni Mons. Peping para sa tulong na ginagawa ng mga
katekista, minarapat na gumawa ng paraan ng foundation
upang
makatulong sa kanila, lalo na sa mga nagtagal na sa paglilingkod.
Kaya naman, ayon sa layon ng foundation
inumpisahan ng Board
of Trustees na
magkaroon ng pagkilala sa “tatlong katekista ng Hagonoy bilang
bahagi ng pagtataguyod sa napakahalagang gawain nitong mga katulong
sa paghubog ng ating mga kabataan sa pananampalataya.” (Vengco,
2012, 1.) Mula dito namili ang samahan ng tatlong kababaihang
beterana na noo'y nagtuturo bilang mga katekista upang bigyan sila
nang natatanging parangal para sa kanilang paglilingkod. Minarapat
itong gawin sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kamatayan ng minamahal
na si Mons. Peping tuwing ika-11 ng Mayo. Hindi lang ito naganap sa
mismong araw ng pagdiriwang dahil sa nagdaang bagyo na nagresulta sa
pagbaha sa Hagonoy. Kaya naman, noong ika-25 ng Agosto, araw ng
Sabado inanyayahan ng foundation
ang lahat ng mga katekista mula sa mga parokya ng Bikarya ni Sta. Ana
ng Hagonoy upang alalahanin ang buhay ni Mons. Peping at upang
parangalan ang mga nasabing katekista.
Nagsimula
ang pagrerehistro ng mga dumalo noong alas tres y medya ng hapon sa
Bulwagang Sta. Ana sa Pambansang Dambana ni Sta. Ana. Mula dito
nagtipon-tipon ang mga dumalo sa Libingang Bantayog ng Kapatiran ng
Kapariang Taga-Hagonoy (KAKATHA) kung saan nakahimlay ang mga labi ni
Mons. Peping. Suot-suot ng mga sumama sa pagdiriwang ang mga kamiseta
mula sa foundation
bilang paghahanda sa “Taon ng Pananampalataya” o “Year of
Faith” na bubuksan sa Oktubre ngayong taon ni Papa Benedikto XVI.
(Ibid., 2.) Dito ginanap ang misa sa karangalan ng ika-9 na
anibersaryo ng pagpanaw ni Mons. Peping na pinagunahan ni Rdo. Msgr.
Sabino A. Vengco, Jr., tagapamuno ng MJBA
Foundation at
ni Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, Kura Paroko at Rektor ng
Pambansang Dambana ni Sta. Ana. Kasama dito sa pagdiriwang si Sem.
Kendrick Ivan B. Panganiban, tagapangasiwa ng pahayagang ito at ilang
kasapi ng Catholic
Hagonoeño Vicarial
Media Group.
Sa
pagdaloy ng pagdiriwang naganap ang paglabas ng ika-walong bilang ng
BATINGAW:
Lathalaing Opisyal ng MJBA Foundation
na may online
version sa
pahayagang ito. At mula dito, binasa ang mga pangalan ng mga
beteranang katekista upang sila'y bigyang parangal. Ayon kay Msgr.
Vengco, isa na lamang ang buhay sa tatlong paparangalan at sa mga
anak naman ng mga pinarangalan ipakakaloob ang Gawad Parangal. Ang
mga pinarangalang mga katekista noong pagdiriwang ay ang mga
sumusunod: 1.) Bb. Victoria Saguinsin Torres (+), 2.) Bb. Genoveva
Sangalang Sunpayco (+) at 3.) Bb. Julita de Leon Rubio (1923 - ).
(Makikita
ang kanilang mga talambuhay sa BATINGAW ONLINE page ng pahayagang
ito.)
Pinagkalooban
si Bb. Rubio at ang mga kaanak nina Bb. Torres at Bb. Sunpayco ang
imahen ni Apo Ana at Niña Maria na patrona ng Bikarya ng Hagonoy na
siyang naging parangal para sa kanilang naging paglilingkod. Para sa
natirang pinarangalan na nabubuhay pa, binigyan naman siya ng
foundation
ng
isang sobreng may halagang maaari niyang gamitin para sa kanyang mga
pangangailangang pankalusugan. Ayon kay Msgr. Vengco, sisimulang
gawin ang pagbibigay na ito para sa mga matatanda nating mga
katekista upang sila'y mabawian natin kahit konti sa kanilang naging
pag-aalay para sa Simbahan. Matapos ang pagidirwang nagkaroon ng
isang munting salu-salo na handa ng foundation.
Patuloy na Paglilingkod
At sa huli, isa muling
pagtutulong ang naganap sa pamamagitan ng mga kawanggawa na
inumpisahan ni Mons. Peping para sa mga nangangailangan. Isa lamang
itong pagpapatuloy sa gawaing naumpisahan na at nagmimistulang pamana
para sa lahat ng mga Katolikong bukas ang loob para sa iba. At dito
iniiwanan tayo ni Mons. Peping ng kanyang pagbatid para sa
kawanggawa:
Ang
FOUNDATION
ay
ako rin, pumanaw
ma'y parang buhay,
Kawanggawa
at pag-ibig sa
kapuwa ang sandigan;
Di naman makasarili, kundi
pawang kabutihan,
Ang
layon ko na isabog na binhi
ng kaligtasan;
Ito yaong iiwan kong pamana
sa KAPARIAN,
Ang
lahat
ay para sa Diyos, sa kapuwa'y pagmamahal!
(Aguinaldo, Ibid., 109.)
Mga Sanggunian:
Aguinaldo,
Msgr. Jose B. “Msgr. Jose B, Aguinaldo Foundation” in
Takip-Silim:
Mga Tula ni Rt. Rev. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. Hagonoy,
Bulacan: Msgr. Jose B. Aguinaldo Foundation, Inc., 2003.
Vengco,
Msgr. Sabino A., Jr. “Tatlong Katangi-tanging Katekista ng Hagonoy”
Batingaw:
Lathalaing Opisyal ng MJBA Foundation, Bilang
8 (2012).
Photo Courtesy: Sem. Gio Carlo B. Almirañez and Sem. Justine Cedric C. Espinosa (Administrative Team)
Photo Courtesy: Sem. Gio Carlo B. Almirañez and Sem. Justine Cedric C. Espinosa (Administrative Team)
No comments:
Post a Comment