Taun-taon
nagdiriwang ang mga Hagonoeño ng tatlong tradisyunal na pistang
nag–ugat pa sa mga Kastilang nagdala ng Kristyanismo sa bayan ng
Hagonoy.
Pistang
Bayan, Kaugaliang Hagonoeño
Ipinagdiriwang ang pistang
bayan o pista ng pasasalamat ng bayan ng Hagonoy tuwing huling linggo
ng Abril. Ang naturang pista ay unang ipinagdiriwang ng Hagonoy bawat
taon. Naganap ang pagdiriwang ngayong taon noong ika-29 ng Abril. Ang
pagdiriwang ng banal na misa ay pinangunahan ni Rdo. P. Joselito
Robles Martin,
isang
paring anak-Hagonoy na kasalukuyang katuwang na Bikaryo Episkopal
para sa mga bisitang pari ng Arkidiyosesis ng Maynila. Kasama niya sa
pagdiriwang ng “Misa Mayor” sina Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas,
Kura Paroko at Rektor; Rdo. P. Gino Carlo
B.
Herrera, Katuwang na Pari ng parokya; at Rdo. P. Jesus Cruz, Katulong
na Pari. Pinangunahan din ng kasakuluyang Obispo ng Malolos, Lubhang
Kgg. Jose F. Oliveros, D.D. ang pagdiriwang ng Santa Misa noong
madaling-araw gayundin naman ang Obispo Emerito ng Malolos, Lub. Kgg.
Cirilo R. Almario, Jr., ang nanguna naman sa pagdiriwang ng Misa
noong hapon.
Para sa mga larawan ng nagdaang Pistang Pasasalamat ng Bayan, tignan ang artikulong "Pistang Pasasalamat ng Bayan 2012" sa 2nd Quarter Issue.
Sa
pagkakataon ding ito, nakiisa sa Misa Mayor si Kgg. Angel “Boy”
L. Cruz. Jr., ang Punong Bayan ng Hagonoy, na siya ring tumatayo
bilang Hermano Mayor ng naturang pista ng pasasalamat sa taong ito.
Naka-ugalian na ng Simbahan na kapag magpipistang pasasalamat ang
bayan ng Hagonoy, ang punong bayan nito ang hahawak ng
responsibilidad bilang Hermano Mayor. Bahagi din ng kaugalian ng
bayan ang pagsama sa hanay ng prusisyon ng patron ng mga bawat baryo
ng bayan na sinusundan ng mga kilusang pansimbahan ng bawat baryo, at
ng iba pang mananampalataya ng mga baranggay ng nasasakupan ng bayan
ng Hagonoy. Gayundin, ang imahen ni Sta. Ana, ang patrona ng bayan,
ay nasa hulihan. Nakaugalian na ring isinasayaw ito sa gitna ng
madla. Ang nasabing imahen ay sinusundan ng mga mananayaw niya: ang
katandaan ng bayan. Kasama
na rin ang mga kabataan ng bayan mula sa iba’t ibang paaralan sa
Hagonoy: ang St.
Anne’s Catholic School,
St. Mary’s
Academy of Hagonoy,
ang Hagonoy
Institute at ang
Sta. Monica
National High School.
Hindi na nila iniinda ang tindi ng sikat ng araw upang maialay lamang
ito sa kanilang patrona. Ilan lamang ito sa mga katangiang
ipinagmamalaki ng isang Hagonoeño na hindi mo makikita sa iba: ang
pagiging relihiyoso, madasalin, at maka-Diyos.
Apo
Ana kaisa ng buong Hagonoy
Ang
pista para sa karangalan nina Apo Joaquin at Apo Ana ay
ipinagdiriwang ng bayan pagsapit ng buwan ng Hulyo kada taon. Ang
Kristyanismo sa bayan ay nag-ugat nang dumating ang mga paring
Kastila sa bayan noong 1581 at ito’y kanilang pinalaganap. Si Sta.
Ana, ang ina ni Maria, ang ginawa patrona ng simbahang kanilang
itinayo noon sa barrio ng Sta. Monica. Sa pagtagal ng panahon,
napagdesisyunan na ilagay ang simbahan sa pinakamataas na bahagi ng
naturang bayan kung saan ito nakatayo sa kasalukuyan. Nagdaos ang
Parokya at Pambansang Dambana ni Apo Ana ng kanyang ika-431 taon ng
pagkakatatag bilang bayan at parokya noong ika-26 ng Hulyo ng taong
kasalukuyan (2012) na napapaloob sa taon ng Dakilang Jubileo ng
Diyosesis ng Malolos kung kailan naitalaga ang simbahan ng Hagonoy
bilang isang Jubilee
Pilgrim Church.
Lumipas
man ang mahigit 400 taon, hindi pa rin natitinag ang pananampalataya
ng mga deboto sa bayan tulad na lamang ng hindi pagkalimot ng mga
mananampalataya nitong mga mangingisda na kahit may mahuli man o
wala, kahit sumapit man ang mga delubyo at unos sa bayan, masasabi pa
rin na mahal na mahal nila ang kanilang patrona at hindi nababawasan
ang kanilang debosyon sa kanya.
Sinimulan
ang paghahanda para sa Dakilang Kapistahan niya sa ganap na ika-16 ng
Hulyo kung kailan ibinalik ang pambansang imaheng pangperegrinasyon o
national
pilgrim image ni
Sta. Ana sa mga parokya ng Diyosesis ng Malolos. Matapos, nag-alay
ng siyam na araw ng pagnonobena para sa karangalan nina Apo Joaquin
at Apo Ana ang mga mananampalataya. Iba’t ibang gawain pa ang
idinaraos sa loob ng siyam na araw na ito. Ilan na dito ay ang
“Harana kay Sta. Ana” na nilalahukan ng mga choir
groups ng
parokya at ng mga nasasakupan nitong mga baranggay. Tampok na gawain
din ang sikat na pagoda sa ilog ng Hagonoy na ginaganap tuwing sabado
bago ang kapistahan ng patrona ng bayan na masayang nilalahukan ng
mga parokyano, umulan man o umaraw, at kakakitan mo sila ng labis na
kasiyahan na dominante sa kanilang mga ngiti at sayawan sa
kani-kanilang bangka. Sa pagdiriwang ngayong taon, naganap ang
pagsalubong nina Apo Ana at Apo Joaquin mula sa mga ilog sa
magkabilang panig ng bayan ng Hagonoy. Nagkita ang banal na mag-asawa
sa Olandis, Mercado na sakop ng Parokya ng Nuestra Señora
del Santissimo Rosario na kung saan, mula dito ay iprurprusisyon ang
dalawang patron patungo sa simbahan ni Sta. Ana mula dito patungong
sa San Jose hanggang umabot sa kabayanan.
Pagsapit
ng bisperas ng pista tuwing ika – 25 ng buwan mas marami pang mga
programa ang isinasagawa. Pinangunahan ni Lubhang Kgg. Deogracias S.
Iñiguez,
D.D., Obispo ng Diyosesis ng Kalookan na obispong Bulakeño at ni
Rdo. P. Joselito Robles Martin
ang misang parangal o “Vesperas Mayores” para sa taong ito.
Ginaganap ang “El
Torre” matapos
ang Banal na Misa kung saan nagtatagisan ang mga banda ng musiko sa
patio ng simbahan bilang hudyat ng Dakilang Kapistahan kinabukasan.
Pinangunahan muli ng Obispo ng Malolos, Lubhang Kgg. Jose F.
Oliveros, D.D. ang “Misa Mayor” para sa Kapistahan nina Sta. Ana
at San Joaquin noong ika – 26 ng Hulyo sa ganap na ika – siyam ng
umaga kasama ang mga kaparian ng diyosesis, mga paring sakop ng
bikarya ng Hagonoy at mga paring Anak - Hagonoy. Pinangunahan
ring ng
Lubhang
Kgg.
Cirilo
R. Almario, Jr., D.D. ang
pagdiriwang ng banal na misa noong hapon. Hindi mahulugang karayom
ang mga taong nagsimba sa mga oras na yaon na nakiisa din sa giniwang
prusisyon pagkatapos ng Banal na Misa para sa karangalan ng patrona
ng bayan. Kahit malakas ang ulan ay hindi napigilan ang sambayanan ng
Hagonoy sa pagdaraos ng naturang debosyon.
Inilalabas ang relikwaryong
naglalaman ng “3rd
Class Relic” ni Apo Ana. Ang nasabing relikya ay isang pilak na
barya na sinasabing idinaiti sa relikyang bisig ni Sta. Ana sa
Quebec, Canada. Nakatanghal sa retablo mayor ng Simbahan ang
naturang relikya na masasabing isa sa mga kayamanang iniingatan ng
parokya. Pinapahalikan
ito pagkatapos ng “Misa Mayor” na nakagisnan na din ng mga
mananampalataya ng Hagonoy. Inilalabas din ang relikya tuwing unang
martes ng buwan dahil ang naturang araw ay inilalaan para sa
karangalan ni Sta. Ana.
Hagonoy
sa buong Kapuluan
Patuloy
ang pasasalamat ng Hagonoy sa pamamagitan ng pagdiriwang ng huling
pistang ginaganap tuwing ika-29 ng Oktubre kung kailan ipinagdiriwang
ang anibersaryo ng pagkakatalaga sa Simbahan ng Sta. Ana bilang isang
Pambansang Dambana. Idinaos ang ika - 20 anibersaryo ng pagkakatalaga
nito noong isang taon sa pangunguna ng isang paring Anak - Hagonoy na
tubong-Sta. Monica, si Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trilliana, Bikaryo
Episkopal ng Southern
District.
Gaya ng naagawian, ubod ng dami ang nakiisa sa Banal na Misa na ang
loob ng simbahan ay napuno mga deboto nagmula pa sa iba’t ibang
sulok ng Pilippinas na nakaranas ng ginhawa sa buhay sa pamamagitan
ng pamamagitan ni Apo Ana, mga taong naglilingkod sa simbahan, mga
opisyales ng pamahalaang bayan, mga mag-aaral, at maging ang mga
taong nakasaksi sa pagkakatalaga nito bilang isang Pambansang
Dambana. Sinundan ang Banal na Misa ng isang prusisyon kasama ang
maraming deboto ni Sta. Ana at mga mag-aaral ng bayang Hagonoy.
Isa sa mga mapapatunayan
ng artikulong ito ay kung gaano kasigla at kayaman ang Bayan ng
Hagonoy sa pagiging relihiyoso sa pamamagitan ng kanilang hindi
masukat na pagmamahal at debosyon kina San Joaquin at Sta. Ana.
Tatlong
pista sa isang taon ngunit iisa lamang ang pinararangalan, walang iba
kundi ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating mga patronang, si Apo
Ana kasama ang kanyang esposong si Apo Joaquin. Tunay
na huwaran ng bawat isa bilang mga magulang ng Mahal na Ina na bukod
na pinagpala sa babaeng lahat.
“Ang tunay na
kayamanan ng ating patronang si Sta. Ana ay ang biyaya at
pananampalatayang nagmumula sa kanyang buhay, masigla, mapagmahal,
nagtitiwala at napapanahong sambayanan ng Diyos sa bayan ng HAGONOY
kaisa ng buong Diyosesis ng Malolos.”
Photo Courtesy: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban and El Gideon G. Raymundo (Editorial Team)
No comments:
Post a Comment