Isang
pagbibigay daan sa ating Mahal na Birheng Maria. Isang paghahanda
para sa kanyang kaarawan. Nagkaroon ng Banal na Triduo simula noong
ika-5 ng Setyembre hanggang ika-8, talaga namang binigyan ng pansin
ang Mahal na Ina sa pamamagitan ng pag-aalay. At sa bawat araw,
patuloy ang mga deboto at debota ng Mahal na Ina. Ang mga sumusunod
ang mga tagapagtangkilik ng Simbahan na nagputong ng korona sa imahen
ng Mahal na Birhen noong nagdaang Banal
na Triduo:
Unang
Araw (Setyembre 5) – Gng. Aring Gutierrez at Gng. Nora Martin
Ikalawang
Araw (Setyembre 6) – Gng. Carolina Carino at Gng. Priscilla Jose
Ikatlong
Araw (Setyembre 7) – Gng. Rufina Martin at Gng. Severina Magbitang
Ang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Ina na sinundan ng pagpuputong sa imahen ng korona tulad ng makikita sa larawan sa itaas. |
Sinundan
ang pagputong sa korona sa Birheng Maria noong ikatlong araw ng isang
Banal na Misa sa ilang sandali ay dumating na ang araw na
pinakahihintay. Ganap na alas dose noong madaling araw ng
kapistahan sinalubong ang mahal na birhen ng mga mang-aawit. Ginanap
sa bisita ng Sagrada Familia, isang tradisyon sa lugar na ito na
awitan siya bago pa man sumikat ang haring araw. Alas singko ng
madaling araw isinagawa ang banal na prusisyon - isang tahimik na
pagpaparangal na kung saan talagang madadama ang kapayapaan sa
kapaligiran - nagbukas ng mga kandila ang mga deboto at kasabay ng
paghakbang ng kanilang mga paa ang pagdarasal ng banal na rosaryo sa
pangunguna ni Gng. Norma Martin. Nag-agaw ang liwanag at dilim ng
makabalik sa simbahan ang banal na prusisyon. Inilagay ang karo sa
gitna ng patio ng simbahan at inikutan ng mga kababaihan at matapos
kinanta ang Salve
Regina
kasabay ang pagpaparangal ng Kura Paroko, Rdo. P. Efren G. Basco.
Matapos ang pagpaparangal, inawit ang maligayang bati na nagdulot ng
kasiyahan sa bawat isa.
Inumpisahan
ang Banal na Misa sa pangunguna ni P. Basco at muling naghandog ng
mga bulaklak ang mga prasedia
ng
Lehiyon ni Maria: an Praesidium
Tala sa Umaga at Praesidium Stella Maris kasama rin ng Samahan ng
Ina ng Laging Saklolo, at mga junior
legionaries at
lahat ng mga deboto ni Maria na dumalo sa pagdiriwang. Muling
kinoronahan ang imahen ng Mahal na Birhen na ginampanan nina Gng.
Lydia Ablaza at Gng. Edna Felipe.
Noong
gabi naman isinagawa ang living
rosary na
ginanap sa loob ng Simbahan. Dinaluhan ang pagdiriwang ng iba't ibang
samahang pansimbahan ng parokya. Sa
Unang Misteryo sa Tuwa gumanap ang mga taong may katungkulan at mga
nag- aanunsyo kasama ng mga Sangguniang Barangay ng Sagrada Familia
at Sta. Elena at ng mga Eco
Aid. Sa Ikalawang Misteryo sa Tuwa naman nanguna ang mga propesyunal,
mga guro at mga kumadrona sa aming nayon. Sa Ikatlong Misteryo naman
ang mga ina ng tahanan at sa sinundan sa Ika-apat na Misteryo nang
mga kabataan na minsan ng nalulong sa bisyo at sumuway sa kanilang
mga magulang. Samantalang sa Ikalimang Misteryo nanguna ang mga
katandaan. Sa bawat misteryo mayroong mga awitin na ihinanda ang
Sta.
Elena Parish Youth Choir
(SEPYC) at sa paghahanda ng Parish
Commission on Youth (PCY).
Sa saliw ng kanta ng Salve
Regina
ay muling pinutungan ng korona ang imahen ng Mahal na Birhen, kasabay
din nito ang pagbubukas ng ilaw sa buong simbahan. Magkaroon din ng
munting salu-salo sa patio na inihanda ng mga parokyanong may ga
mabuting kalooban. Ikinasaya ito ng mga nakiisa at ng mga bata na
tuwang tuwa sa mga munting regalo. Isa itong araw na tumatak sa
bawat isa – isang araw para sa Mahal na Ina – na kung kailang
walang iniinda na kapaguran bagkus nadama ng bawat isa ang tunay na
kasiyahan. Dahil dito, mas lalong lumaganap ang debosyon sa Mahal na
Birhen sa aming parokya ni Sta. Elena Emperatris.
Viva
la Virgen!!!
Aba
Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman
ng Iyong anak na si Hesus.
Santa
Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung
kami'y mamamatay. Amen.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)
No comments:
Post a Comment