Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, September 29, 2012

KULTURA: FLOS CARMELI: Ang Orden Tercera ng Nuestra Señora del Carmen sa Hagonoy


     Ang Orden ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo o mas kilala bilang Orden ng mga Karmelita ay isang relihiyosong orden nagmula pa noong ika-12 siglo. Ayon sa paniniwala ito ay nagsimula sa isang grupo ng mga ermitanyo, kasama dito si San Bartolo na nanirahan sa bundok ng Carmelo sa Palestino mahigit 800 taon na ang nakaraan na ngayon ay bahagi na ng hilagang bahagi ng bansang Israel.

Ito ang antigong imahen ng Birhen ng Bundok ng Karmelo 
noong 1984 sa panahon ni Rdo. P. Salvador Viola, Jr.
Maikukumpara ito sa imahen na makikita sa itaas 
ng artikulong ito na ipinagawa naman ng mga taga-baryo
 noong 1998. Nasa pangangalaga ng parokya ang imaheng 
antigo habang kay Gng. Nory Aguilar naman ang i
maheng mas bago.
     Nangaral si Rev. Fr. Salvador Viola Jr. (1984-1989) sa mga taga Parokya ni Sta. Elena tungkol sa Mahal na Birhen ng del Carmen na nuo’y araw kapistahan. Ninais ng mga babaeng taga-Sta. Elena na bumuo ng samahan namag-uugnay sa Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo matapos silang magkaroon ng inspirasyon mula sa pangangaral ng Kura Paroko noon na si Rdo. P. Salvador Viola, Jr. (1984 – 1989) noong araw ng kapistahan ng Mahal na Birhen. Sina Gng. Juliana Panganiban, Gng. Carmen at Cathalina Sumala na pumanaw na at sina Gng Carolina Carino, Gng. Precila M. Jose at Cristeta Tolentino ang bumubuo sa unang samahan na ito.
     Ayon kay Gng. Carolina Carino, ang gustong sumapi sa Orden Tercera ng mga Karmelita ay dumaraan sa maraming pagsubok. May pagsubok na sa loob ng anim na buwan bawal lumiban ang nagnanais dahil isang beses ka lamang lumiban ay uulit ka muli sa umpisa. Kapag ikaw ay naka-isang taon nang walang liban, gagantimpalaan ka ng “temporary scapular.” Kung ikaw ay naka-dalawang taon na gagantimpalaan ka muli ng “official scapular.” Sa pangatlong taon mo ng walang liban ay susuotan ka na ng kapa at itatalaga sa monasteryo ng mga monghang Karmelita, ang Carmelite Monsatery of the Holy Family na nasa loob ng compound ng Seminaryo ng Inmaculada Concepcion sa Guiguinto.


Si Gng. Carolina Carino ay isang 81 taong
gulang na miyembro ng Orden Tercera.
Pumasok siya sa samahan noong 51 taong
gulang siya at hanggang sa ngayon ay
patuloy na nakikibahagi sa pagdarasal
ng orden. Dahil sa kanyang katandaan,
binigyan na rin siya ng Orden Tercera ng
Ceritificate of Hermitage.
     Ang paring nagsisilbing tagapangalaga sa mga miyembro ng Orden Tercera ang nagtatalaga sa kanila bilang isang ganap na miyembro ng orden. Kung ikaw naman ay isa nang miyembro ng Orden Tercera ngunit hindi ka na makakadalo sa mga pagtitipon at pagpupulong dala ng karamdaman, bibigyan ka ng tinatawag na Certificate of Hermitage na nagbibigay sa iyo ng pribilehiyo na kung kalian mo lamang gustong pumunta sa mga pagtitipon ay maaari dala ng kondisyon ng miyembro. Ang kanilang talaan ng pagdalo ay isinusumite sa punong monasteryon ng mga Karmelita na makikita sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo sa New Manila, Lungsod ng Quezon.
     Tuwing unang Sabado ng bawat buwan nagkakaroon sila ng pulong at pagdarasal ng sama-sama. Bukod sa pagdarasal ng Sto. Rosario dinarasal din nila ang Panalangin ng mga Kristiyano na kung tawagin ay Liturgy of the Hours o ang pagdarasal ng breviario. Maliban dito ay nagdadasal pa sila ng tatlong beses sa loob ng isang araw bilang bahagi ng kanilang gawain.
     Ngayong taon ang ika-27 ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Birhen ng Bundok ng Karmelo sa Parokya ni Sta. Elena sa Hagonoy noong ika-16 ng Hulyo, 2012. Umiikot sa mga miyembro ng Orden Tercera ang pag-hehermano o kung minsan ay naaatang ang responsibilidad ng pagiging hermano sa hindi miyembro ng orden. Si Gng. Paulina Canalok ng Sto. Rosario, Hagonoy ang siyang humawak sa mga responsibilidad para maging Hermana Mayor ngayong taon.
     Naka-sentro ang Jesus the Infant (Hesus na Sanggol) Chapter ng Orden Tercera ng Mahal na Ina ng Bundok ng Karmelo sa Parokya ni Sta. Elena ng Hagonoy kung saan nagsimula ang samahan. Sa kasalukuyan ang kanilang Prioress ay si Gng. Nathalia Lopez, TOC (Third Order of Carmel) na taga-San. Nicolas sa Hagonoy.


Ang Orden Tercera ng N.S. del Carmen ng bayan ng Hagonoy na nakasentro sa Parokya ni Sta. Elena Emperatris. Kasama nila sa larawang ito si Rdo. P. Domingo Salonga na naging Chairman ng Lupon ng Paghubog sa Diyosesis ng Malolos. Kinuha ang larawan sa simbahan ng Parokya ni San Juan Bautista sa Kalumpit, Bulakan.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)


Page 1 of 6
Please press Older Posts for Page 2.

No comments:

Post a Comment