Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, September 29, 2012

FEATURE SECTION: BIYAYA AT PANANAMPALATAYA: Hatid ni Apo Ana sa mga Lolo't Lola - Jubilee Day for the Elderly

































Explanation on the Logos of the Jubilee Celebrations: 


Golden Jubilee of the Diocese of Malolos  - The logo for the Golden Jubilee of the Diocese of Malolos presents the following elements: the number 50, the bell tower of the Immaculate Conception - Cathedral and Minor Basilica, the logo of the diocese and the years it has existed and the theme for the Golden Jubilee. First, the number 50 represents the reason for this year to celebrate - the Diocese of Malolos has reached fifty years since its creation by Pope Bl. John XXIII through his bull Christi Fidelum in 1962 signified by the number of years mentioned below the name of the diocese. Second, the bell tower of the Cathedral presents the tutelage of the Blessed Virgin Mary as Our Lady of the Immaculate Conception which has guided this diocese through the years. Lastly, the theme of the Golden Jubilee - "MALOLOS, Biyaya at Pananamapalataya: Fifty Years of Transforming Grace and Unwavering Faith" - which represents the goodness of the Lord to this diocese and our faithfulness to His call to holiness and solidarity.


Jubilee for the Elderly - The logo for the Jubilee for the Elderly produced by the National Shrine and Parish of St. Anne confers four elements: the number 50, the picture of St. Anne and the Blessed Virgin Mary, the faces of the elderly and the theme of the celebration. First, the number 50 yet again represents fifty years of existence of the Diocese of Malolos. Second, the picture of St. Anne and her daughter represent the place wherein the celebration is to take place, the National Shrine and Parish of St. Anne and the reason why there: the saint is the patroness of the elderly. Third, the faces of elderly present the number of the faithful highlighted in this celebration, the elderly of our diocese. Lastly, the theme of the celebration - "Biyaya at Pananampalataya: Hatid ni Apo Ana sa mga Lolo't Lola" - symbolizes the care the people need to have for the elderly in our diocese through the intercession of St. Anne.


PRE-JUBILEE DAY INTERVIEW:
On the 28th day of July, Saturday, the Diocese of Malolos will be celebrating the “Jubilee Day for the Elderly” at the Parish and National Shrine of St. Anne, Hagonoy, Bulacan.

Sa ika-28 araw ng Hulyo, Sabado, ipagdiriwang ng Diyosesis ng Malolos ang “Araw ng Jubileo para sa Katandaan” sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana, Hagonoy, Bulakan.

What plans had been made for the celebration of the Jubilee Day for the Elderly?
Anu-ano ang mga nagawang plano para sa pagdiriwang ng Araw ng Jubileo para sa Katandaan?

Fr. Carson: The celebration of the Diocesan Jubilee Day for the Elderly shall be in coordination with the Parish Priest and Rector of the Parish and National Shrine of St. Anne, Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas. The lay organization to host the event is the Apostolado ng Panalangin (Apostolate of Prayer) which will be in-charge of public relations with the parishes all over the diocese for the event. Each of the parishes shall send representatives, specifically elderly ones to the shrine of St. Anne in Hagonoy in order to attend to the activities to be conducted during the entire day. We are expecting about 1,500 attendees in the turnabout of the event. Thus, the parking space for the attendees shall be coordinated with the municipal government in order to have an orderly flow of traffic for the event. The Apostolado ng Panalangin (Apostolate of Prayer) shall be be in-charge of ushering and in the food together with the staff of the parish-shrine. Rev. Fr. Gino Carlo B. Herrera, Parochial Vicar shall be in-charge of the liturgy for the event as the Assistant Master of Ceremonies of the diocese.

P. Carson: Gaganapin sa pakikipag-ungayan kasama ng Kura Paroko at Rektor ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana, Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas ang pagdiriwang ng Pandiyosesis na Araw ng Jubileo para sa katandaan. Pamumunuan ang pagdiriwang ng samahang layko ng Apostolado ng Panalangin (Apostolate of Prayer) na mamumuno sa pakikipag-ungayan sa mga parokya sa buong diyosesis. Magpapadala ang bawat parokya ng mga kinatawan, lalo na ang mga katandaan tungo sa dambana ni Sta. Ana sa Hagonoy upang daluhan ang mga gaganapin sa buong maghapon. Inaasahan namin na mahigit kumalang 1,500 ang darating sa pagtatapos ng pagdiriwang. Pamumunuan din ng Apostolado ng Panalangin ang pag-gagabay at sa pagkain kasama ng mga kasamahan sa dambanang parokya. Pamumunuan ni Rdo. P. Gino Carlo B. Herrera, Katuwang na Pari ang pag-aayos sa liturhiya bilang Katuwang na Master of Ceremonies sa ating diyosesis.

What activities/talks/ will be done during the event?
Anu-anong mga gawain/panayam ang gaganapin sa pagdiriwang?

Fr. Carson: The registration for the event will start at 8 o'clock in the morning at the national shrine for the attendees. There shall be two conferences for the said day that will start with a welcoming remarks for the elderly attendees in the premises by Rev. Msgr. Andres S. Valera, H.P., Vicar General of the Diocese of Malolos and a priest from Hagonoy, Bulacan. After a short introduction to the rationale of the event and the activities to be done for the whole day, the first conference shall start. The first conference shall be given by Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., renowned theologian and public speaker from Hagonoy, Bulacan on the “Grace of Aging.” Next to that will be the second conference in the afternoon to be given by Rev. Fr. Emmanuel I. Cruz, Dean of Studies of the Immaculate Conception Major Seminary – Graduate School of Theology on the theme of the Golden Jubilee, “Transforming Grace and Unwavering Faith.” At 2:30 in the afternoon, the Holy Eucharist shall be celebrated at the national shrine, to be presided over by His Excellency, Most Rev. Jose F. Oliveros, D.D., Bishop of Malolos together with the clergy.

P. Carson: Magsisimula ng alas otso ng umaga ang pagtatala ng mga dumalo sa pambansang dambana para sa mga kalahok. Magkakaroon ng dalawang panayam para sa araw na iyon na sisimulan ng isang pambungad na pananalita na ibibigay ni Rdo. Msgr. Andres S. Valera, Bikaryo Heneral ng Diyosesis ng Malolos at isang pari mula sa Hagonoy, Bulakan. Matapos ang isang maigsing panimula sa dahilan ng pagdiriwang at ang mga gagawin para sa buong araw, sisimulan ang unang panayam. Ibibigay ni Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., isang sikat na teologo at taga-pagsalaysay mula sa Hagonoy, Bulakan ang unang panayam na pinamagatang “Ang Biyaya ng Pagtanda” Susunod naman dito ang ikalawang panayam sa hapon na ibibigay ni Rdo. P. Emmanuel I Cruz, Dekano ng Pag-aaral ng Dalubhasaan ng Teolohiya ukol sa tema ng Dakilang Jubileo, “Nagpapanibagong Biyaya at Di-Nagmamaliw na Pananampalataya.” Alas dos y media ng hapon gaganapin ang Banal na Eukaristiya sa pambansang dambana na pangungunahan ng Lubhang Kgg. Jose. F. Oliveros, D.D., Obispo ng Malolos kasama ang kaparian.

Why are we doing a “Jubilee Day for the Elderly?
Bakit natin ginagawa ang “Araw ng Jubileo para sa Katandaan?”

Fr. Carson: In the celebration of the Golden Jubilee of the Diocese of Malolos, we commemorate the role of each classification of our faithful. Since of course we have Jubilee days for Men, Women and the Youth, there should also be a Jubilee Day for the Elderly. The elderly must not be forgotten for they form part of the number of the Catholics in our diocese. Organizations such as the Apostolado ng Panalangin (Apostleship of Prayer) made mostly of the elderly are a testament to the unique role of our elderly brothers and sisters in the Lord for the enrichment of our faith through their knowledge and wisdom.

P. Carson: Sa pagdiriwang ng Ginintuang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos, inaala-ala natin ang gamapanin ng bawat pag-uuri ng ating mga mananamapalataya. Sapagkat siyempre meron tayong mga araw ng Jubileo para sa mga kalalakihan, mga kababaihan at mga kabataan, dapat mayroon ding Araw ng Jubileo para sa Katandaan. Hindi dapat nalilimutan ang mga katandaan sapagkat bahagi sila sa bilang ng mga Katoliko sa ating diyosesis. Isang pahayag ang mga samahan tulad na lamang ng Apostolado ng Panalangin (Apostolate of Prayer) na kinabubuuan ng mga matatanda sa natatanging gampanin ng mga nakatatanda nating mga kapatid sa Panginoon para sa ika-uunlad ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang katalinuhan at karunungan.

Why in Hagonoy, Bulacan?
Bakit sa Hagonoy, Bulakan?

Fr. Carson: Hagonoy, Bulacan is the location of the National Shrine of St. Anne. St. Anne, together of course with St. Joachim are the parents of the Blessed Virgin Mary. Thus, they are also the maternal grandparents of our Lord Jesus Christ. The couple, being the patron saints of the elderly are a sign of the blessings of God Almighty to the aged. Although they are passing through the difficulties of earthly life, it is from this part of man's life that we become more faithful as Christians. Thus, through their intercession, we pray for the health and sanctification of our elderly priests, religious and lay men and women.

P. Carson: Makikita sa Hagonoy, Bulacan ang Pambansang Dambana ni Sta. Ana. Si Sta. Ana, kasama siyempre ni San Joaquin ang mga magulan ng Mahal na Birheng Maria. Kaya naman, sila din ang mga lolo at lola ng ating Panginoong Jesu-Kristo sa kanyang ina. Ang mag-asawang ito, na siyang mga santong pintakasi ng mga matatanda ang mga tanda ng mga biyaya ng Amang Maykapal sa mga nakatatanda. Bagamat pinagdadaanan nila ang mga hirap sa buhay dito sa lupa, mula sa ganitong bahagi ng buhay ng tao na mas nagiging mapagtiwala tayo bilang mga Kristiyano. Kaya naman, sa pamamagitan ng pamimintuho sa kanila, ipinapanalangin natin ang kalusugan at pagpapabanal sa ating mga nakatatandang mga pari, relihiyoso at mga kalalakihan at kababaihang layko.

About the Interviewee:
Rev. Fr. Francisco Gatmaitan Carson is a priest of the Diocese of Malolos and comes from St. James the Apostle Parish, Paombong, Bulacan. At present, he is the incumbent chairman of the Commission on Liturgy for the Diocese of Malolos. He is also presently the Spiritual Director of the Apostolado ng Panalangin (Apostolate of Prayer) for the diocese. He serves as the Parish Priest of the Parish of St. Rita of Cascia in Binagbag, Angat, Bulacan.  


Photos of the Registration and Opening Ceremonies:


 Isang karatula nang nagdaang pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Ana de Hagonoy
noong ika-26 ng Hulyo, ilang araw bago ang pagdiriwang ng Araw ng Jubileo.

Ang mga sumayaw na mga kabataan mula sa Sta. Monica High School at San Pedro High School na nagbigay-sigla sa mga nagsipagdating para sa pagdiriwang.
Mga kasapi ng Kapatiran ni Sta. Ana de Hagonoy na kaakibat ng Apostolado ng Panalangin sa mga paghahanda para sa pagdiriwang.

Isa sa mga dumalo sa pagdiriwang na nagdarasal sa harapan ng sanktuwaryo habang nakaluklok ang imahen ni Sta. Ana at ng Birheng Maria sa Retablo Mayor.
KEY NOTE ADDRESS:
Bakit ba tayo mayroong Jubileo para sa bawat mamamayan?
     Sapagkat tinatawagan dito (sa pagdiriwang na ito) na dapat lahat ng bahagi o sektor ng mga mananampalataya ay makatanggap ng biyaya ng Taon ng Jubileo at gayundin naman ay makibahagi at magbahagi sa pagdiriwang na ito. Ang paksa po ng Taon ng Jubileo ay simple lamang – Malolos: Biyaya at Pananampalataya: Fifty Years of Transforming Grace and Unwavering Faith. Limampung Taon ng Nagpapanibagong Biyaya at Di-Nagmamaliw na Pananamapalataya.

Bakit ba tawag dito ay Jubileo?
     Sapagkat ayon sa Bibliya, ang ika-limampung taon ay taon na dapat ipagdiwang. Ito ay taon ng pagbabalik sa lupain. Ito ay taon ng pagpapatawad. Ito ay taon ng kapayapaan. At ang pagdiriwang ng Taon ng Jubileo ay binubuksan sa paghimig ng kung bagay trumpeta na galing sa sungay ng lalaking tupa. At ang tawag sa ginagamit na trumpetang ito ay yobel – at doon kinuha ang salitang Iublieo o Jubileo. Kaya mula ito sa salitang iyon. At dahil itinatag limampung taon na ang nakararaan ni Papa Juan XXIII sa kanyang pagtatatalaga ng unang nating obispo, Obispo Manuel del Rosario. Ang pagtatalaga na ito ay madaling tandaan sapagkat ito'y noong kaarawan ng Santo Papa. Kaya noong kaarawan ni Juan XXIII saka naman niya itinatag ang ating diyosesis. At dahil sa limampung taon, tinatawagan tayo ng ating obispo na ipagdiwang ito. Sabi ko ng'ay “Ano ang tema?” - Pagbabalik. Pagbabalik. Kaya natin tinitignan ito upang matignan natin kung nasaan na tayo ngayon. At tayo ay mayroong Jubilee Primer na nakalagay sa mga ipinamigay na mga bag. Dito nakalagay ang iba't ibang bagay ukol sa ating Taon ng Jubileo, kaya naman tignan natin at balikan ang mga ilang bagay dito.



Bakit ba tayo nagpapasalamat?

     Sapagkat hinirang tayo bilang isang sambayanan ng Diyos. At ang paghirang sa atin ay naging mabunga, kaya ito ay puno ng biyaya. Biyaya sapagkat noong una, kinabubuuan tayo ng limampung dalawa (52) lamang ang parokya. Ngayon ba'y ilan na? - isang daan at siyam (109). Kaya isipin ninyo, mula sa limampung dalawa, ngayon ay one hundred and nine. At isa pa'y nagsimula tayo sa walumpu't walong (88) pari. At ngayon ang mga pari sa ating diyosesis ay bumibilang sa dalawang daan na (200+). Kaya naman marami tayong ipinagpapasalamat. At ngayon din ay Golden Jubilee ng ating seminaryo na pinagmulan ng marami sa ating mga pari. Mayroon tayong minor seminary at mayroon tayong major seminary. At makikita na malawak ang pananaw ng Obispo del Rosario dahil tatlong buwan pa lamang siya sa diyosesis, itinayo na niya ang minor seminary. Kaya ngayon ay Golden Jubilee ng Immaculate Conception Minor Seminary. Pero makit ninyo, kayong mga Apostolado ng Panalangin, nauna na kayong mag-Golden Jubilee dahil inihanda kayo para sa pagtanggap sa bagong diyosesis. Kaya nga marami na ding naganap na Golden Jubilee (ng ilang mga samahang pansimbahan) dahil tayo ay naghahanda para sa mga pangangailangan upang tayo'y mabuo bilang isang sambayanan ng Diyos. Isang biyaya nga ito sapagkat ang ating diyosesis ay di lamang mayaman sa bokasyon sa papapari kundi sa pananampalataya.

     Ang isa pang halimbawa nito ay isang bagay na marami sa Maynila at di makikita kaagad sa ibang lugar - ang napakaraming national shrine (pambansang dambana). Ang ating diyosesis ay mayroong tatlong national shrine: Ang National Shrine of Our Lady of Fatima sa Marulas, sa lungsod ng Valenzuela; ang National Shrine of the Divine Mercy sa Sta. Rosa I sa Marilao, Bulakan at ngayon kayo'y nasa loob ng isa pang national shrine, sa National Shrine of St. Anne. Bukod dito mayroon din tayong mga diocesan shrine (pandiyosesis na dambana): Ang Diocesan Shrine ng Mahal na Puso ni Hesus sa Cruz na Daan, San Rafael; ang Diocesan Shrine of Mary, Mother of the Eucharist and Grace sa San Vicente, Sta. Maria at ang Diocesan Shrine of Nuestra Señora de Salambao sa Obando (kasama din ang Diocesan Shrine ng Krus ng Wawa sa Bocaue). At doon sa Obando tayo magtitipon para ipagdiwang ang Araw ng Jubileo para sa Kababaihan na gaganapin sa araw ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria. Kaya sana po tayo'y muling magkita doon, September 8.

     Ito ngayon ang ating binabalikan – kaya naman ang ating pasasalamat ito'y hindi lamang isang pagbabalik sa nakaraan, kundi isang paghahanda para sa hinaharap. Kaya nga naman mayroon tayong mga proyektong na ating pinagsisikapang matapos: ang una ay ang Diocesan Pastoral Center sa Malolos kung saan makikita ang mga opisina ng mga komisyon at doon gagawin ang iba't ibang pangangailangan pampastoral. Pangalawa ay ang pinagsisikapan po nating matapos, at iyon ang makikita natin sa tabi ng seminaryo - ang ating Diocesan Formation Center. Doon naman natin ilalagay ang iba't ibang tanggapan para sa paghubog. At ang ikatlo ay para sa mga nasalanta ng bagyo at mga mahihirap - para sa mga biktima ng Typhoon Ondoy at Typhoon Pedring na nangangailangan nang matitirhan. Ito yung tinatawag natin na Jubilee Homes. Kaya itong tatlong ito ay ang ating pasasalamat sa Diyos, sapgkat tayo ay binigyan ng biyaya ng Panginoon, at dapat natin din itong ibahagi.

Ang Mga Hamon
     Malaking hamon para sa ating ang mga ito mga kapatid sapagkat ang pananampalataya ay dapat isinasalin. At kung sino ang dapat magsalin dapat kayo iyon para sa ating kabataan. E tignan n'yo nga, ilan pa kaya sa inyo ang nagturo sa inyong mga kabataan na mag-rosaryo? Kung mapapansin ninyo ay kakaunti na lang ang nagrorosaryo. E paano naman iyon kung di sila matutong magdasal ng rosaryo? Ilan pa sa atin ang nagtuturo sa mga kabataan na magdasal ng orasyon? Tignan po ninyo, tayo po ay may pananampalataya ngunit hindi natin naisasalin ang ating pananampalatayang Katoliko. Ilan pa kaya sa inyo ang makapagsasabi ng Sampung Utos ng Diyos ng sunod-sunod? E sasabihin e ang alam ko lang po Father ay tatlo lamang… E, ano po ang ating pananampalataya? Kasi dapat isinasalin natin ang ating pananampalataya. At kaya namin kayo tinawagan upang pumunta dito para maging hamon sa atin na sa susunod na henerasyon ay dapat hindi mawala ang ating pananampalataya. At ito'y kailangan upang baguhin natin ang kulturang lumalaganap ngayon. Minsan nga ay mayroong magboyfriend nag-uusap noon sa isang tabi. Napakinggan ko ang kanilang pag-uusap. Sabi ng lalaki sa babae, "E bukas nga pala e monthsary na natin." Sabi naman ng babae, "Ano nga pala ang gagawin natin sa ating monthsary bukas?" Alam ninyo ngayon ko lang narinig iyang monthsary sapagkat alam ninyo naman na maputi na ang buhok ko kaya ang alam ko lang ay (yung ginaganap noon na) anniversary. Ibig sabihin ng anniversary ay iyong isang taon mula noong kayo'y nagsama. Kaya nagtanong ako dun sa dalawa kung ano ba yung tinatawag nilang monthsary? Ay Father sagot nila, iyon po yung isang buwan ng aming pagiging mag-boyfriend at mag-girlfriend. E, ganun ba sabi ko, e bakit kailangan isang buwan kaagad ang pagdiriwang? Sagot nila ay baka hindi na daw sila magtagal, e kahit daw papaano ay naipagdiwang nila.

     Mga kapatid, nakakatakot iyan. Sapagkat kung ganyan ang kabataan ngayon, paano na ang ating pagyaman (sa pananampalataya) - isang pananampalatayang hindi dapat nagmamaliw. Isang pananampalataya na dapat ay magpatibay sa atin. At ang ating Papa Benedikto XVI, sa kabutihang palad ay inaanyayahan ang buong Simbahan sa paglunsad sa darating na Oktubre ng isang Taon ng Pananampalataya - Year of Faith. At mayroon ditong hamon si Papa Benedikto para sa darating na Taon ng Pananampalataya. Dapat ika lahat ng Katoliko mabasa at makabisa ang Sumasampalataya (Kredo ng Pananampalataya). Masabi ang Sumasampalataya na walang ginagamit na projector at walang visual aid. Kaya n'yo ba 'yon? Ang pagsasalita ng mga katagang Diyos na Totoo at Tao namang totoo… (mga linya mula sa Kredo Niceno) Pero dito sa atin, dahil mahaba yung isa ay ating kakabisasuhin ang Kredo ng mga Apostol.

     Ngayon tignan ninyo ang inyong mga bag, makikita ninyo diyan ang mga pamphlet at iba pang babasahin ukol sa ating pananampalataya. Kailangan natin iyan dahil sa iba't ibang pagkakataon kung minsa'y hindi natin alam ang ating mga pananampalataya. At iyan ay panggamit ninyo upang maituro sa mga kapatid ninyo, sa mga anak ninyo, sa mga apo ninyo… Dapat maituro ninyo ang ating pananampalataya. Sapagkat kapag ito'y natanong at hindi natin alam, masasabi na lang natin, "Ay hindi ko ito alam…" Kaya dapat ito ang magbigay ng inspirasyon sa inyo sa pagdiriwang na ito ng Taon ng Dakilang Jubileo… Ito rin ang kahalagahan ng pagbabasa ng Bibliya. Sapagkat ang Bibliya natin kadalasan kapag sa bahay ay puro alikabok. Pero kung isang Born Again naman ang kasama mo, mapapansin mo ang Bibliya nila ay amoy kilikili. Ito'y sapagkat ginagamit nila ito at iniipit sa kanilang kilikili. Mapapansin ninyo kunwari sa isang dyip, malalaman ninyo kung sino ang mga Katoliko. Kasi kapag isang Born Again ang papasok sa dyip, dala-dala yung bibliya, sisigaw ng Praise the Lord!. O kaya naman kung Saksi ni Jehovah ang kasakay mo papasok iyan sa dyip, mamimigay ng mga pamphlet at pagbalik sa kanya ay mayroong mga donasyon. Pero kapag Katoliko ang kasakay mo sa dyip sasabihin sayo, "O kapatid, alam mo na ba ang bagong balita tungkol sa ating Kura Paroko?"

Pag-alam sa mga Gawa ng Simbahan
     Ako ba'y Katoliko?… Kayo ba'y Katoliko mga kapatid?… Ayan, kaya dapat naming alamin ang ating pananampalataya. At malalaman natin ito sa pamamagitan ng pag-alam sa iba't ibang isinulat ng Simbahan. Kaya sabi nga ng ating obispo, kailangan malaman ng mga tao kung ano ang mga isinulat ng ating Simbahan… Alam ba ninyo ang apat na consitution ng Ikalawang Konsilyo Vaticano? Ito ang mga iyon: Sacrosanctum Concilium, yun po yung tungkol sa liturhiya; Lumen Gentium, yun pong tungkol sa Simbahan; Dei Verbum, tungkol iyon sa Salita ng Diyos at Gaudium et Spes, tungkol sa daigdig. Ito po ang apat na constitution ng ating Ikalawang Konsilyo Batikano. E paano naman ang mga declaration? Tatlo iyon: una ang Gravissimum Educationis, tungkol po sa Catholic Education; ang pangalawa ay Nostra Aetate, at ang pangatlo ay Dignitatis Humanae ukol naman sa paggalang sa tao. Gravissimun Educationis, Nostra Aetate, Dignitatis Humanae. At meron din naman na siyam pang dokumento ang Vatican II ngunit hindi ko na sasabihin baka sabihin ninyo ang dami namang kakabisaduhin. Pero ito po ang dapat nating alamin sapagkat tayo din ay nasa pagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ng Ikalawang Konsilyo Batikano (1962 - 2012).

     Bukod dito mayroon ding pagpapatawad na ginaganap tuwing Taon ng Jubileo o yung tinaawag na indulhensya plenarya. Dalawang beses ninyo ito matatanggap dahil kanina nung pumasok kayo dito sa simbahan, dumaan kayo dun sa pintuan sa kanan. Iyon ang Jubilee Door ng ating Pambansang Dambana ni Sta. Ana na isa sa ating jubilee pilgrim churches. Kaya yung mga hindi pa nakakadaan doon dapat doon kayo dumaan mamaya. Upang makatanggap kayo ng indulhensya sa pagdaan sa Jubilee Door kinakailangan ninyong ipagdasal ang mga intensyon ng Santo Papa, mangumpisal at bumisita sa Santissimo Sakramento. Bukod dito mayroon din tayong pagbabasbas mula sa obispo mamaya bago matapos ang misa na kanyang igagawad sa kapahintulutan ng Santo Papa. Dahil ito sa ating pagdiriwang ng Taon ng Jubileo. Huwag kayong uuwi kaagad sapagkat hindi naman babaha at mayroon pa tayong raffle.

Mga Paalala
     At bago tayo magtapos, ipinapaalala ko dun sa mga bag ninyo mayroon kayong mga sobre. Ano po ang gagawin sa sobre? Dahil marami pa pong dadating na mga Araw ng Jubileo hinihiling din po namin na kung mayroon po kayong mga ipagkakaloob para po sa pagpapaganda ng ating mga pagdiriwang ng Araw ng Jubileo, maaari po kayong maglagay. Ito po'y para makapagbigay pa po tayo ng mga bag at mga pamphlet para sa susunod na Jubilee day. Tumanggap tayo, kaya tayo din ay magbahagi.

     Para po sa mga gustong bumili ng mga souvenir, maaari po ninyo itong makuha sa mga inilagay na booth sa labas ng simbahan. Nandito po yung ating Jubliee T-shirt, narito po ang ating Jubilee hand bag. Mayroon po tayong Jubilee mug at iba't iba pa po ang design niyan.

     Kaya naman sa inyong lahat, isang magandang umaga at araw ng pagdiriwang ng Dakilang Jubileo!


About the Speaker:
Rev. Msgr. Andres Santos Valera, H.P., SLL  is a priest of the Diocese of Malolos. He hails from San Jose, Hagonoy, Bulacan (National Shrine of St. Anne) and serves in different positions in the diocese. He is the Rector of the Immaculate Conception Major Seminary in Tabe, Guiguinto, Bulacan. He serves as the Vicar General of the diocese (and hence Moderator Curiae) and is also the Spiritual Director for the Diocesan Council of the Laity. His expertise in the liturgy is well-known and has made him part of the academe for the liturgy in different schools for the ecclesiastical discipline across the country. 

Awarding of the Oldest People Attending:


Ang mga Guro ng Palatuntunan: sina G. Jose Paulo V. Espinosa (kaliwa) at Gng. Aurelia Tolentino (kanan).


Ang pagbibigay ni Msgr. Valera ng jubilee umbrella sa mga pinakamatandang kalahok sa pagdiriwang na parehong taga-Hagonoy.

FIRST CONFERENCE: "THE GRACE OF AGING"

Isang magandang araw sa inyong lahat! Ang bayan ng Hagonoy ay tiyak na nagagalak sapagkat kayo po mga ginigiliw naming kapatid ay nandirito ngayon  sa dambana  ni Santa Ana ang ating patrona. At  napakaganda na ipinagpasya  ng mga namamahalala sa ating pagdiriwang na sina Msgr. Andy Valera at Msgr. Lon Balagtas na dito sa Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana gawin ang Araw ng Jubileo para sa mga Katandaan. Ito'y sapagkat sina Sta. Ana at San Joaquin ang mga patron ng katandaan. Sila ang mga magulang ng Mahal na Birheng Maria at dahil dito sila din ang lolo't lola ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Kaya nama'y sila ang masasabing patron ng mga nakatatanda. Akmang-akma na dito sa kanilang dambana dito sa Hagonoy ganapin ang natatanging araw na ito, ang Araw ng Jubileo para sa Katandaan.

    At sa araw na ito bilang bahagi ng Dakilang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos ay samantalahin natin ang pagkakataon. Ating pagtuunan ng pansin ang isang katotohanan ng buhay, isang katotohanan ng kamatayan, isang katotohanan ng biyaya ng Diyos at ito’y walang iba kundi ang pasakit hinggil sa pagtanda. Kadalasan ang tema ng matatanda ay itinuturing na hindi ganoon kahalaga, na ang matatanda naman ay palubog na o pababa na. Nagmumukhang pinakamainam nating magagawa sa mga pagkakataong iyon ay hintayin na lamang na ang mga matatanda na pumanaw nang tuluyan. Isa itong pananaw mga ginigiliw kong kababayan, na inyo pong batid ay nanggaling sa labas ng ating bansa sapagkat ang tradisyon ng mga Pilipino ay makapamilya at ninanais natin sa ating mga pamilya na alagaan natin ang mga matatanda. 

    Kaibayo nitong pananaw na ito mula sa Kanluran, ngayon mistulang itinuturing na itong mas mahalaga. Dito nakikita na unti-unting napapabayaan ang mga matatanda, hindi na naalagaan. Hindi ito tulad noon na sa bawat tahanan, ang mga nakatatanda, ang mga magulang sa isang pamilya, kapag tumanda na aalagaan naman ng mga inalagaan. Nakalulungkot isipin na sa panahong ito, ganito ang nangyayari sa ating mga matatanda. Kaya naman, tanging mahalaga sa kapanahunang ito sa sinumang tao ang mga kabataan. Ito’y upang pagdating ng mga matanda doon sa kasukdulan ng kanyang lakas, sa pagdating niya sa tugatog ng kanyang karunungan, ng kanyang kakayahan  ng kanyang mga ginanampanan, siya naman ay maaalala, maaalagaan. 

    Tandaan natin na sa buhay ng tao, tutungo tayong lahat sa dakong ito ng ating pag-iral  sapagkat marami pa ang magdaraan na sila‘y magiging matanda. Noong araw bata palang ay namamatay na (mga namamatay na sanggol na muling bumabalik sa piling ng Panginoon), ngayon  pabihira na nang pabihira yung mga namamatay na bata, ang mga  namamatay na ngayon ay yung talagang mga matandang matanda na. Kung kaya’t  pahaba ng pahaba ang panahon na tayo mabubuhay at  tumatanda na tayo’y merong mga matatandang nakasama sa ating buhay na kinakailangang alagaan. Ngunit ang pangunahing tanong sa inyong lahat mga kapatid ko, paano mo dadahin  sa personal, ikaw ang iyong pagtanda – ito ba’y isa lamang  kabanata ng buhay na pinagtitiisan natin? Ito ba’y pinagdaraanan natin na tinatanggap natin na ang pananaw ng mundo na ang matatanda ay laos na, na ang mamatanda ay kupas na?

    Sa pagkakatong ito, dapat nating maunawaan na hindi pa dapat natin itinuturing ang ating mga sarili na laos dahil tayo’y matanda na. Hindi pa maituturing na kapos ang mga matatanda, sapagkat ang mga matatanda ang nagmimistulang gabay para sa mga kabataan. Ito’y sapagkat dito napapamalas ng mga matatanda ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga kapanahunan upang ipasa, ituro sa mga mas nakababata. Tulad nang sa ating pananampalatayang Katoliko, kung paano na nagdarasal ang mga matatanda sa simbahan, gayundin dapat pinapahalagahan na tinuturuan din ng mga matatatanda ang mga bata upang magdasal. Ito ang gampanin ng mga nakatatanda sa ating panahon ngayon sa ating mga pamilya. Ang pagiging matanda ang nagbibigay sa atin ng kakayahan, ng karunungan upang malaman ang iba’t ibang bagay. Ngunit hgit sa lahat, ang ating mga natutunan, an gating mga naranasan at nalaman, ito an gating mga ibibigay para sa ating mga kapatid na nakababata, sa susunod na henerasyon ng mga mananampalatayang Katoliko. 

    Kung noong tayo’y bata, tayo ay tinuruan ng ating mga magulang, ito rin dapat ang ating ginagawa sa ating mga kapatid na nakababata. Mahalaga na ituro natin sa mga bata ang laman ng ating pananampalataya, ang mga debosyon at ang mga pamamaraan ng pananalangin. Nandito ang ating halaga bilang mga kabahagi, mga kadiwa sa gampanin ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nagagawa nating maging mga tanda ng malakas na pananampalataya sa ating Simbahan. Kung kaya’t ang biyayang nagpapanibago ay natutugunan nating mga matatanda ng isang di-nagmamaliw na pananampalataya. Ito ang pananampalatayang ating ibabahagi at isasalin sa ating mga kabataan.

    Kaya naman, ang pagtanda ay hindi isang sumpa kundi ito’y isang biyaya. Ito ang bagay na kailangan nating alalahanin bilang mga matatanda. Hindi dapat natin ituring ang ating mga sarili bilang mga laos na o kupas na. Kailangan malaman natin na kahit tayo ay nasa bahagi na ito ng buhay, hindi pa tayo nawawalay sa ating pamayanan, sa ating simbahan. Nawa tayo ang magmistulang mga ilaw na gumagabay tungo sa ikauunlad, ikagaganda ng ating Santa Iglesya. Muli sa aking mga kababayan dito sa Hagonoy at sa lahat ng mga dumalo, isang magandang araw sa inyong lahat!

About the Speaker:
Rev. Msgr. Sabino Azurin Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.  is a priest of the Diocese of Malolos and hails from the Parish and National Shrine of St. Anne, Hagonoy, Bulacan. He has been Dean of Studies for both San Carlos GST of the Archdiocese of Manila and the Immaculate Conception GST of the Diocese of Malolo. He is a prolific writer and speaker with several works published and is also a favorite social communicator of the Philippine Church. He was former Chairman of the Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc. and is founder and chairman of the Msgr. Jose B. Aguinaldo Foundation, Inc. His apostolate for old and sick diocesan priests led him to found and lead the Kadiwa sa Pagkapari Foundation, Inc. which aims to help diocesan priests without financial help after retirement from the ministry.

Acceptance of Plaque of Appreciation:




Ang pagbibigay ng katibayan ng pagtatangkilik kay Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr. na binasa ni G. Jose Paulo V. Espinosa at inabot ni Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, Kura Paroko at Rektor ng NSSA.

SECOND CONFERENCE: "TRANSFORMING GRACE AND UNWAVERING FAITH"
(Mula sa Patnugot: Hindi pa po maaaring makita ang panayam ni Rdo. P. Emmanuel I. Cruz sa kadahilanang inaayos pa niya ito. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.)

About the Speaker:
Rev. Fr. Emmanuel Ignacio Cruz, S.Th.D.  is a priest of the Diocese of Malolos and hails from the Parish of St. Michael the Archangel, Marilao, Bulacan. He serves as Dean of Studies of the Graduate School of Theology of the Immaculate Conception Major Seminary in Tabe, Guiguinto, Bulacan. He also teaches courses in Dogmatic Theology in different seminaries and is a theological consultant of the Diocese of Malolos.

Acceptance of Plaque of Appreciation:


Ang pagbibigay ng katibayan ng pagtatangkilik kay Rdo. P. Emmanuel I. Cruz na binasa ni G. Jose Paulo V. Espinosa at inabot ni Rdo. P. Francisco G. Carson, Jubilee Day Organizer.

Celebration of the Holy Eucharist:
Ang pagtunog ng yobel na tanda ng pag-umpisa ng Banal na Misa para sa pagdiriwang ng Araw ng Jubileo.


Makikita sa larawan ang mga naglingkod na mga seminaristang anak-Hagonoy na sina Sem. Justine Cedric C. Espinosa (kaliwa), Sem. Gio Carlo B. Almiranez (kanan) at Sem. Ulysses Ernesto F. Reyes (likod).


Kasama rin sa mga seminaristang naglingkod bilang Master of Ceremonies ay sina
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban (kanan) at si Sem. Daniel M. Coronel (di nakikita sa
larawan).


Ang mga nanguna sa pagdiriwang ng Banal na Misa (mula sa kaliwa): Rdo. P. Gino Carlo B. Herrera (Parochial Vicar, NSSA), Rdo. P. Avelino Sampana (Kura Paroko, Parokya ni San Pascual Baylon - Obando), Obispo Jose F. Oliveros, D.D., Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas (Kura Paroko, NSSA), Rdo. P. Eugene C. Cruz (Kalihim ng Obispo) at Rdo. P. Francisco G. Carson (Jubilee Day Organizer).




 

Celebration of the Holy Eucharist:

About the Homilist and Presider:
Most Rev. Jose Francisco OIiveros, D.D., S.Th.D. is the Bishop Ordinary of the Diocese of Malolos. He is the fourth local prelate of the diocese who was installed on August 2004. He has been in the diocese for almost nine (9) years and is presently in charge of the celebration of the Golden Jubilee of the Diocese of Malolos. Beside his being bishop he is also the Chairman of the Office of Bioethics of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
 

POST-JUBILEE DAY REPORT:
1.) Attendance/Pagdalo

Based on the registration forms the attendees during the celebrated Jubilee Day summed to about 2,200 elderly. It astonishingly exceeded the expected 1, 500 elderly that came from the Apostolado ng Panalangin. All the elderly from the parish and vicarial volunteers also attended who were actually not registered because most of those registered were from other parishes outside of Hagonoy. That was why when food or coffee were distributed, we were worried but there were also many food so the participants were fed. When we summed up the participants who also came but did not register, all in all I think it reached to about 3,000 plus. We thanked the governor, Hon. Wilhelmino M. Sy-Alvarado and Cong. Marivic Sy-Alvarado who were the Hermanos Mayores for the fiesta in providing food for the participants.


Mula dun sa mga isinumite na registration forms, umabot ng 2,000 na katandaan ang dumalo sa pagdiriwang ng araw ng Jubileo. Dinaig at nilagpasan pa nito ang 1,500 na katandaan na inasahang dumating mula sa Apostolado ng Panalangin. Sumama din sa pagdiriwang ang lahat ng mga katandaan mula sa parokya at pati ang mga nasa bikarya na sa katunayan ay mga hindi naman nakarehistro sapagkat marami sa mga nakarehistro ay galing sa mga parokyang nasa labas ng Hagonoy. Kaya naman noong kami ay nagpapabigay na nang pagkain o kape, akala namin ay kakapusin kami. Buti na lamang at marami ang pagkain kaya nakakain naman ang mga dumalo. Noong isinuma namin ang lahat ng dumalo kasama ang mga hindi nagparehistro, umabot ito nang higit pa sa 3,000 katao. Pinasasalamatan namin ang punong-lalawigan, Kgg. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Kinatawan Marivic Sy-Alvarado para sa pagkaing ipinamigay sa mga dumalo.

2.) Welcome/Pagsalubong

 All the participants were happy because when they came inside the shrine they were welcomed with youth wearing colorful gowns and shirts dancing in folk music which entertained them so much. These dancers were from the Sta. Monica and San Pedro High Schools. They gave joy to the participants because of the festive atmosphere, as if the whole event was a continuation of the Feast of Apo Ana and Apo Joaquin that was celebrated last Thursday of that week. 

Masaya ang lahat ng dumalo dahil sinalubong sila ng mga kabataang may mga suot na makukulay na baro't saya na sumasayaw sa tugtog na folk. Mula sila sa mga Mataas na Paaralan ng Sta. Monica at San Pedro. Binigyan nila ng kagalakan ang mga dumalo dala ng mala-piyestang kapaligiran, na pawang pagpapatuloy ang buong pagdiriwang ng Kapistahan nina Apo Ana at Apo Joaquin na ipinagdiwang noong Huwebes ng linggong iyon.

3.) Talks/Mga Panayam

Many were delighted of the talks of the three speakers: Msgr. Andres Valera, Msgr. Sabino Vengco, Jr. and Fr. Emmanuel Cruz. They gave very inspirational and heartwarming thoughts. They were truly a power-pack team of theologians who gave meaningful thoughts to the elderly who participated.

Marami ang natuwa sa mga panayam ng tatlong nagsalita: sina Msgr. Andres Valera, Msgr. Sabino Vengco, Jr. at P. Emmanuel I. Cruz. Nagbigay sila ng mga kaisipang nakakapagbigay-inspirasyon at nakakataba ng puso. Tunay na sila ay isang "power-pack team" ng mga teologo na nagbigay ng mga makabuluhang kaisipan para sa mga dumalong matatanda. 

4.) Duration/Katagalan

It did not rain throughout the day which seemed like a miracle because it rained and flooded all week before the feast of St. Anne on the 26th. But ever since the celebration, there was no rain until the Jubilee day. It seemed like a blessing given by the patronage of Hagonoy to St. Anne. So I believe it is truly a remarkable event. Many of the people here in Hagonoy were happy because another diocesan event has been made here despite the floods that occur here.

Hindi umulan sa kabuuan ng araw na pawang isang milagro dahil umula't bumaha buong linggo bago ang kapistahan ni Sta. Ana noong a bente sais. Ngunit simula noong kapistahan, hindi umulan hanggang sa katapusan ng araw ng Jubileo. Kaya naman naniniwala ako na isa itong kahanga-hangang pagtitipon. Marami sa mga taga-rito sa Hagonoy ang natuwa dahil isa nanamang gawaing pandiyosesis ang naganap dito kahit madalas magbaha dito.


About the Reporter:
Rev. Msgr. Luciano Carangan Balagtas, M.A. is a priest of the Diocese of Malolos and hails from Sta. Ines, Plaridel Bulacan. He is the incumbent Parish Priest and Rector of the Parish and National Shrine of St. Anne in Hagonoy. He is also the present Episcopal Vicar for the Western District of the Diocese of Malolos.

Photo Credits: 
Malolos Diocesan Commission on Social Communications (c/o Mr. Christopher C. Arellano)

Page 3 of 6
Please press Older Posts for Page 4.

No comments:

Post a Comment