Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, September 29, 2012

KULTURA: SAN AGUSTIN: Ang Maluwalhating Ama, Doktor at Ilaw ng Sta. Iglesia



Kadiliman ng Isang Ilaw

  Isang Santong hindi masyadong kilala ng mga karaniwang tao dahil sa hindi masyadong naipapahayag ng Inang Simbahang Katolika hindi tulad nina San Pedro, San Antonio de Padua at San Juan Tadeo, iyan si San Agustin ng Hippo. Kadalasan ang kanyang pangalan, buhay at turo ay nababanggit at naipapaliwanag lamang ng mga taong nakapag-aral ng Pilosopiya at Teolohiya. Subalit mayroong mga taong masidhi ang pamimintuho sa kanyang pamamagitan sa Diyos, ang bayan ng Tanza, Cavite. Hindi nagtagal unti – unti nang nakikilala si San Agustin lalo na dito sa aming baranngay kung saan siya an gaming pintakasi. Sa pagdayo ng mga taga – ibang pook, patuloy ang paglaganap ng debosyon sa Santong ito at mas pinaalab pa sa pamamagitan ng mga lathalain.

     May angking karunungan si San Agustin ngunit ang kanyang karanasan at buhay ay hindi naangkop sa isang Kristiyano; ang hilig niya sa layaw, kasalanan at babae na nagpabigat sa krus na pinapasan ng kanyang ina si Sta. Monica.

     Nakisama siya sa isang babe sa loob ng 15 taon at nagkaroon siya ng anak na si Adeodato. Nang lumaon ay nagkaroon siya ng hilis sa Pilosopiya hanggang sumapi siya sa isang heretikong sekta, ang Mekeinismo, noong 373. Ang naturang santo ay nagturo sa Tagaste at Cartago. Maraming bansa ang kanyang napuntahan kung saan nagbukas siya ng mga paaralan, isa na ditto ang Cartago.

Kaliwanagan ng Isang Ilaw bilang isang Doktor ng sarili at ng Simbahan

     Hindi nakayanan ng kanyang ina na makitang ang knayang anak na patuloy ang pagkakasadlak sa kasalanan kaya hinkayat niya ang kanyang anak na making sa mga homiliya at pagpapaliwanag ng Obispo ng Milan. Napuspos siya ng Espiritu Santo dahil sa mga sinabi ng Obispo at naantig ang kanyang puso na nagpabago sa kanyang loob. Tinugon ng Panginoon ang mga panalangin ng kanyang ina, na walang sawang tumawag sa Diyos para sa ikakabuti ng kanyang anak, nang magpabinyag si San Agustin noong Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ng 387 sa Obispo ng Milan. Nagtatag siya ng monasteryo sa kanilang lungsod noong 391. Pagkaraan, onordenahan siya bilang pari at ilang panahon ang lumipas bilang isang Obispo ng Hippo. Siya’y pumanaw sa gulang ng 76 taong gulang subalit siya’y nagbilin na basahin ang kanyang mga libro bilang nagbibigay ng aral at huwag sundin ang iba’t ibang uri ng pang-aakit ng mga libro ukol sa Mekeinismo, Donatismo at Pelagianismo. Ang kanyang mga akda ay nakatulong upang maliwanagan ang mga mananampalataya ukol sa turo ng Simbahan nang nakamit niya ang kaliwanagan patungo sa Diyos.

     Itinanghal si San Agustin bilang isang Doktor at Ilaw ng SImbahan sa kanyang ‘di matatawarang konstribusyon sa Inang Iglesia upang liwanagan ang isipan at kaluluwa ng mga Katoliko.

Ang Sta. Iglesia at ang Ilaw ng Sta. Iglesia

     Nasasakupan ng Parokya at Pambansang Dambana ni Sta. Ana ang aming baranggay ng San Agustin, isa sa anim na baranggay na nasasakupan ng parokya. Bahagi na ng aming debosyon kay San Agustin ang pagdiriwang ng kanyang kapistahan tuwing Agosto 28 taun – taon na kinatatampukan ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika – 9 ng umaga at ika – 4 at kalahati ng hapon para sa kanyang karangalan na sinusundan ng prusisyon.

     Ang Hermano at Hermana ang katulong ng Simbahang lokal at ng mga layko sa San Agustin hinggil sa mga pangangailangan ng bista at ng pista. Iba’t ibang Gawain pa ang nakaakibat sa kanilang mga balikat para sa pagdiriwang ng pistang ito: imbitadong mananayaw, singing contest at dance contest para sa mga kabataan.

     Sa aming baranggay San Agustin, ako ang nahirang na pangulo ng Komisyong ng Paghubog ng SPPC kahit ako’y isang dayuhan sa lugar na ito. Sa kabila nito’y matindi at patuloy na umaalab ang aking debosyon kay San Agustin. Ako’y pinalad na pinag – aral ng Sta. Ana at natapos ko ang apat na taon sa Graduate School of Theology ng Immaculate Conception Major Seminary. Nakamit ko ito sa pamamagitan ng suporta ng aming pari at sa pagtutulungan na din ng mga taong may kaya sa buhay. Nagyon ay naglilingkod ako ng taos – puso, na walang pasubali at walang kapalit upang masuklian ko ang naguumapaw na biyaya sa akin ng Diyos. Ako din ang pangulo ng Mother Butler Mission Guild (MBMG) ng Parokya ng Sta. Ana at patuloy ang aking pagtuturo sa apat na seksyon ng mga nasa ikaapat na taon sa Sta. Monica High School at sa tatlo pang klase. Sa mga “off days” ko ay nagtuturo naman ako sa mga may edad na bibinyagan at mga magkasintahang ikakasal na dahil hindi pa ganap ang kanilang kaalaman sa ating pananampalataya.

     Binigyan ako ng Gawain na gumawa ng isang artikulo ng isang santo at napili ko si San Agustin dahil siya ay naging pusakal na kriminal subalit sa pamamagitan ng panalangin ay nagbago ang lahat. Taos – puso akong namimintuho kay San Agustin kalakip ang aking panalangin na matulungan din niya ako sa pagpapabago ng aking anak. Nawa ay Makita ko din ang mabuting buhay ng aking anak bago ma lang ako lumisan sa mundong ito. San Agustin, Ipanalangin mo kami!

Photo Courtesy: Arvin Kim M. Lopez (National Shrine of St. Anne)


Page 2 of 6
Please press Older Posts for Page 3.

No comments:

Post a Comment