Nuestra Señora de Amargura G. Danny Raymundo |
Regina
Confessorum
Sa
lipi ng mga Santo at kumpesor na
dakila,
ang
Birhen ay Haribini, -- isang Reynang
masanghaya;
hindi
lamang mga Martir at Anghel na
magagara
ang
sa kanya'y umaawit ng papuri at
paghanga;
ang
kumpesor ay nabantog sa banal na
mga gawa,
nagdarangal
din sa Kanyang Reyna nilang pambihira;
O,
Regina Confessorum sa langit ng
madlang tuwa,
maghari
ka sa daigdig at sa aming puso't
diwa!
----o-----
Sa
buhay ng mga Santong kumpesor na
tinatawag,
tatlong
tanging kabanalan ang bukod na
sumisikat;
ang
buhay ng panalanging matimtima't walang
likat,
na
sandata sa pagsupil sa dimonyong
lilo't sukab;
ang
diwa ng karukhaan at sa mundo ay
pag-iwas,
sa
bagay na makalupang sa tao ay
bumubulag;
ang
matapat ng pagsunod sa banal na
mga atas
at
pagganap ng tungkuling nararapat ibalikat.
-----o-----
Ang
dasal ay siyang buhay ng lahat
ng mga Banal,
na
nag-akyat sa kanilang kabanalang walang
hanggan;
si
San Pedro de Canisio'y pitong oras
kung magdasal,
t'wing
labing limang minuto itong Santang
Gemma naman;
si
San Francis ng Asisi'y bawa't saglit,
inuusal;
"O
aking Dios! O Diyos ko na lahat
sa aking buhay!".
si
San Luis, ang sa isip ay malalim
na nakintal,
ay
ang Diyos na tuwina'y kausap at
kaulayaw.
-----o-----
Sa
dasal ang mga Santo'y napabuklod kay
Bathala,
nag-alab
sa paglilingkod, naging banal na
mistula;
nguni't
higit sa lahat ng mga Santong
nadakila,
itong
Birheng Ina nati'y lalo namang
pambihira;
buhay
niya'y isang aklat ng dasal na
mahiwaga,
rosaryo
ng panalanging walang puknat, walang
sawa;
templo
ng Dios na tirahan ang puso nga
niya't diwa,
at
ang kanyang pagdarasal ay ang ilaw
na magara.
-----o-----
Sa
buhay ng mga Santo'y mahal nila
ang tiisin
at
di nais kahi't yaman at pilak
mang mataginting;
bawa't
bagay makalupa'y hindi nila pinapansin,
at
ang nais ay ang yamang makalangit,
walang maliw;
walang
kwenta sa kanila ang ginto ng
mundo natin,
kaya't
sila'y maligayang maging dukhang maituring;
ang
yapak ng Poong Jesus lagi nilang
babakasin'
isang
Diyos na mayama'y naging tao at
alipin.
-----o-----
Itong
Birhen ay mahirap, walang yamang
masasabi,
nguni't
kanyang itatakwil kahi't mundo'y kanyang
iwi;
alang-alang
kay Bathala't kaluluwang kinakasi,
isang
libo mang daigdig kusa niyang
iwawaksi;
sa
bilang ng mga santo'y merong pare't
mga madre,
may
hari at magsasaka, may mayaman, merong
imbi;
nguni't
sila'y naging tapat sa tungkuling ubod
dami,
at
dahil sa katapata'y napabantog na
bayani.
-----o-----
Ang
Birhen tang minumutya ay matapat sa
gawain,
kahit
abang mga gawa'y buong ingat kung
ganapin;
sa
bahay ay nagwawalis, nagpupunas, nagsasaing,
naglalaba't
nanunulsi ng damit ni Kristong giliw;
ang
lahat ng gawang ito'y mga tanda
ng paggiliw
nagbubunyag
nang pagsinta kay Jesus na masintahin;
ang
hukbo ng madlang santo'y matapat sa
ating Birhen,
madasalin
at maingat sa bagay ng mundo
natin.
-----o-----
Ang
pamagat ni Mariya na Regina
Confessorum
ay
puno ng kahulugan sa binyagan
natin ngayon;
upang
tayo'y maging banal sa buhay na
malinggatong,
kailanga'y
panalangin nang di-tayo maparuol;
huwag
nating ididikit sa mundo ang nasa't
layon,
pagka't
ito'y may gayumang sa buhay ay
lumalason;
ang
tungkulin ay tuparing walang sawa't
walang gatol,
at
tayo'y masasama sa pulutong ng
kumpesor.
No comments:
Post a Comment