Nuestra Señora dela O |
Vas
Spirituale
Ang
bansag sa Birheng reyna’y “isang SARO AT SISIDLAN” na ang laman
ay di-kayang lurukin ng kaisipan; isang sarong hindi yari sa putik ng
kasalanan, kundi buhat sa malinis at banal na kasangkapan; sisidlan
na walang halong dumi’t salang kahalayan na mana sa nagkasala’t
narungisang kalikasan; ang Birhen ay isang Saro’t Sisidlan ng
kabanalan, ang sa Kanya’y nakalagak ay “yaman ng mga yaman.”
---o0o---
Si
San Pablo, sa Bibliya’y tinawag sa isang Baso, nang suguin si
Ananias nitong Kristo kay Saulo; ang Birhen ay BASO naman nitong
Espiritu Santo na sa kanya ay namugad na Mabathalang Esposo;
pinagyaman si Maria niyong “banal na regalo,”
maseselang na biyayang kaloob ng Diwang Santo; kaya yaong
kabanalan ay lipos na nanagano sa Birhen ng mga birheng takbuhan ng
madlang tao.
---o0o---
Ang
buhay n gating Birhen ay payak na kabanalan, isip, wika Niya’t
gawa’y taganas na kabutihan; ang banal na pagkatakot natimo sa
kalooban, kaya kahit na katiting na sala’y di nadungisan; nasa isip
Niyang lagi’y Amang Diyos nating buhay, na sa lahat ng sandali’y
may kalinga at patnubay; batid Niyang bawa’t bagay nararapat sa
Maykapal ay ihai’t ipaglingkod sa dangal ng Kanyang Ngalan.
---o0o---
Alang-alang
kay Bathala, tapang niya’y walang maliw,loob niya’y nakhandang
ang bundok ma’y salungahin; kahit siya ay matabi’t di-mabantog na
alipin, Dios lang ay madakila,---tuwa niyang aaralin; ang talino
niya’y lagging kumikislap na bituin, sa pagawa’y kalooban ni
Bathala ang tuntunin; sa laot ng alinlanga’t mahirap na suliranin,
talino at bunying payo ang lagging pagkikislapin.
---o0o---
Isip
niya’y nag-aangkin ng tanglaw ng karunungan, batid Niya bawat aral
at lihim man ng Simbahan; ang Pananampalataya’y wagas niyang
nasasakyan, kaya naman maligayang naglilingkod sa Maykapal; yaon nga
ang pitong grasyang kaloob ng Diwang Banal, na lumikhang
siya’y maging Sisidlan ng Kabanalan; bawat isa naming anak na sa
Kanya’y nagmamahal, may tungkuling makitulad sa Reyna ng
Kalangitan.
---o0o---
Tulad
Niyang isang Saro tayo mandin ay sisidlan, pinuspos ng mga grasya
sapul nuong mabinyagan; tulad niya’y kaya natin, kung nais, ang
maging banal at mabuhay na di ayon sa hibo ng kalupaan; kaya tayo ay
patulong, itong dupok ng sisidlan ay lakipan ang biyaya’t
pagtibayin, gawing banal; huwag ninyong babasagin sa umpog ng
kasalanan; kundi lagging pagingatang sisidlan ng kabanalan.
No comments:
Post a Comment