Mater
Purissima
INANG
SAKDAL LINIS... kalinis-linisan,
tulad
Mo'y bulaklak na liryo sa parang;
maputing
sampaga sa hardin ng buhay,
humahalimuyak...
bangong-kalinisan;
sing-linis
ng tubig na animo'y kristal
na
lumalagaslas sa mga batisan;
anaki'y
silahis ng bukang-liwayway
na
namamanaag sa madaling-araw.
Kalinisan
Itong
mundo nati'y dagat na marumi,
tanghalan
ng samang ipinagbibibli;
kahit
babasahin, libangan at sine,
damit
saka moda'y... nakapandidiri;
sa
baha pong ito ng laswang kay dami
ang
PUSO NG INA'Y kanlungan ng puri;
salbabida
natin... sandatang parati
ang
PUSONG MALINIS ng INANG kay buti.
---o0o---
Ang
unang sasagi sa ating gunita,
si
Maria'y INANG banal na mistula;
wala
siyang salang bumatik sa diwa
at
wala munti mang pintas itong madla;
walang-dungis
siyang salaming nagawa
ng
Kadakilaan ng Poong Bathala;
siya
ang larawan na nagbabandila
nang
BANAL NA PUSO ng Diyos ng awa.
---o0o---
Dalisay
na Pagiging-Ina
Munti
pang dalaga ang Inang magiliw,
ang
naging panata'y magpapakabirhen;
“Ina
ng Mesiyas”... nang Siya'y hirangin,
… kaya
lang pumayag... panata'y susundin;
kaya
nabulalas,... “heto ang alipin,
na
handa... ang lahat sa Poo'y ihain!”
kaya
naging INA ng nakop sa atin,
kalinis-linisang
Inang walang maliw.
Pagka-Inang
Kristiyano
Ang
pagiging-ina'y butihi't dalisay,
kung
salig sa utos ng Poong Maykapal;
itong
matrimonyo'y bendisyon sa buhay,
upang
lumaganap ang Sangkatauhan;
ang
anak sa ina ay isinisilang,
upang
maging banal silang mamamayan;
“...
maging tagasamba ng Diyos na tunay,
at
maging kaanib ng ating Simbahan.”
---o0o---
Sa
panahong ito ng materyalismo,
ang
pagaasawa'y biro lang sa mundo;
kaya
naglalaro ang maraming tao,
hinahalakhakan
itong matrimonyo;
kahit
hindi kasal sasama sa nobyo,
… sa
tabing bakod ma'y lalagda sa “trato”;
O,
ito'y masama sa isang kristiyano,
kasalanan
nitong mga Katoliko!
---o0o---
Matapos
ikasal sa isang simbahan,
ang
ama at ina'y may tungkuling banal;
ang
misyon ng ina... anak ay turuang
suminta't
maglingkod sa Poong Maylalang;
ito
ang tungkulin ng mga magulang,
“hubugin
ang anak sa pagpapabanal;
kung
merong bokasyong “paru o madre man”
tungkulin
ng Inang... anak ay tulutan.
---o0o---
Ang
Birhen ay Inang Birheng sakdal linis,
Uliran
ng dilang ina sa daigdig;
kalinisa'y
dapat pagyamaning labis
ng
inang Kristiyano sa “estadong nais”;
O
Birheng ang Puso'y arka ng pagibig,
ang
lahat ng ina'y bigyan ng tangkilik;
kaligtasan
ikaw ng buong daigdig,
ipagdasal
kami, Inang sakdal linis!
No comments:
Post a Comment