Nuestra Señora de Peñafrancia de Naga Rep. Catherine Barcelona-Reyes |
Foederis
Arca
Sa
santwaryo ng simbahan ay may lugar na sagrado at doon ay merong
KABANG napupuno ng misteryo; kahon yaon ng akasyang di-mabubulok
dikuno, gintong lantay ang kaluplup sa paligid na “adorno”; may
sisidlang gintong-ginto sa loob ng kabang ito, na ang lama’y MANA.
TUNGKOD at Dal’wang Pirasong bato; sa itaas may Kerubing lumulukob
pa sa trono, yao’y KABAN NG TIPAN ng Diyos sa madlang tao!
---o0o---
Yaong
BATO”Y sampung UTOS na kay Moyses iniyabot, na tagapag-pagunita ng
BATAS na Poong Diyos; tumipan po si Bathalang siya’y lagging
mag-kukupkop, kung ang tao ay tutupad sa Banal na mga Utos; iyong
MANA ay pagkaing sa Langit ay inihulog, na sa bayan ng Israel ilang
taong itinustos; ang TUNGKOD ay kay Aaron na kapangyarihang lubos,
ginagalang ng balana’t sinusunod niyong sakop.
---o0o---
Ang
kaban ng kasunduan nitong Diyos at ng tao, walang iba kundi itong
birheng Maria na Birhen ko; hindi siya mabubulok na tulad ng mundong
ito, pagkat wala siyang sala at malinis na totoo; ang ginto ng
kabanala’y ang putong sa kayang noo at yaman ng mga langiy\t sa
kanya ay nanagano; kaya siya yaong Kaban ng Tipan ng buong mundo, na
ang iwi’y kayamanan nitong buong TESTAMENTO.
---o0o---
Itong
Birheng Ina ng Dios ay ang Kaban na nagtaglay, di lamang sa sampung
Utos kundi sa Dios na nagbigay; siya yaong deposito ng pagibig ng
Maykapal, na ang ibig itong tao’y maligtas saz walang hanggan;
dugo’t laman ni Maria kay Jesus ay ibinigay, na ngayon ay MANANG
BUHAY sa piging ng kalangitan; at si Jesus na sa ngayo’y TINAPAY NG
KABUHAYAN, kalarawan ni Aaron, na Pari ng Bagong Tipan.
---o0o---
Ang
kaban ng kasunduan sa Israel ay dakila, katulad ng Birheng Inang sa
mundoy kahangahanga; kay Maria itong Diyos, nanaog at nagdalita upang
ang sangkatauha’y sakupin at idambana; pumiling sa mga tao,
nangusap, nagpakababa, katulong ng kanyang Inang sa Krus ay
nagpaka-dusta; kaya itong Birheng Maria’y kaugnay ng mundong aba,
na saksi sa pagpapala ng pangako ni Bathala.
---o0o---
Bawat
isang Katoliko’y naging KABAN din ng tipan, nang ang Binyag ay
tanggapi’t naging anak ng Maykapal; inyabot ang Sampung Utos na
kung ating magampanan, pinangako Niyang Langit ng ligayang walang
humpay; so komunyon dulot Niya’y “MANANG” tunay niyang laman,
na sa Langit ay nagbuhat at sa Birhe’y isinilang; sa gayon nga
tayo’y naging “lahing pilit baying hirang”, na kabuklod nitong
Kristong sa Misa ay tanging alay.
---o0o---
…
Ang
debosyon kay Maria’y may gayumang masanghaya, nagaakay sa pagtupad
ng LOOBIN ni Bathala; ang sinumang kay Maria’y naglilingkod na
payapa, mapilit na sa kay Jesus ay sisintang walang sawa; samantalang
ang sa KABAN NG TIPAN at magtatuwa, masasdlak sa parusa’t kasawiang
ubod-sama; kaya, kayo mga piling mambabasang minumutya, sa Birheng
KABAN NG TIPAN ay pilit mangayupapa!
No comments:
Post a Comment