Dormicion dela Virgen G. Ariel L. Tolentino |
Regina
Apostolorum
Ang
apostol na piniling alagad ng Bagong
Tipan,
ay
ang unang mga pari at obispo ng
simbahan;
sila
yaong Labing Dal'wang hinugot sa
sambayanan,
at
naukol sa dakila't mabathalang katungkulan;
sila
yaong humalili sa patriarkang mga
banal
at
prinsipeng napatanging mga sugo ng
Maykapal;
sila
pa rin ang apostol ng Guro ng
santinakpan,
nagsabog
ng Ebanghelyong "kodigo
ng kaligtasan".
-----o-----
Kasama
ng Poong Jesus ang masugid na
Apostol,
na
luluklok sa trono ng mababait namang
hukom;
sila
yaong Labing Dal'wa na mahigpit na
hahatol
sa
labingdal'wang tribu ng Israel
na mayabong;
sila'y
liping maharlika na dangal ang
nakapatong,
pagka't
hirang na piniling Alagad ng
Panginoon;
datapwa't
Reyna nilang tatanghaling mayamungmong
si
Mariyang Birheng Ina, "Reyna
Apostolorum".
-----o-----
Ang
apostol ay tinawag ni Jesus na
Mananakop
at
nagturo ng aral na aakay sa
sansinukob;
bayan-baya'y
inaralan na kay Jesus pinasunod,
nagbinyag
sa mga tao na kusang napahinuhod;
ang
misyon ng Birheng Ina'y lalo namang
sakdal tayog,
kaya't
siya'y tinawag di't sinugo ng Poong
Irog;
nang
pumayag sa balitang Diwang Banal ay
lulukob,
naging
Reyna siya noon ng Apostol nitong
Jesus.
-----o------
Maliban
kay Iskaryote, ang apostol ay butihin
na
may pusong ginintuan at may banal
na damdamin;
laman-lupa
palibhasa ay may pintas silang angkin,
nguni't
sila'y naging banal, nang
sa grasya'y pagtibayin;
sa
araw ng Pentekostes "dilang
apoy ay dumating",
sila'y
naging diwang-pantas at banal na
magigiting;
ibang-iba
si Mariyang Reyna Nilang Ginigiliw,
mula't
sapul ipaglihi ay banal nang walang
maliw.
-----o-----
Si
San Pedro'y napabantog sa matinding
paniwala
sa
kay Jesus na inaring Panginoon at
Bathala;
si
San Pablo'y sa maalab-na-maglingkod-niyang-nasa,
na
si Kristo sa daigdig maibig na
walang sawa;
si
San Andres sa pag-ibig naman sa
krus nabalita,
si
San Juan ay nabukod na apostol
namang mutya;
ang
Birhen ay Reyna nila, pagka't gahis
silang lubha
at
anumang katangia'y nagniningning niyang
tala.
-----o-----
Ang
apostol ang kahati ni Jesus sa
Pagtitiis,
kaya
sila'y kahati rin sa l'walhati na
sasapit;
ang
buhay ng mga tao ay hinubog
nilang tikis
sang-ayon
sa turo't aral ng "Naputungan
ng tinik";
nguni't
higit sa sinumang Apostol na
nagsumakit,
itong
Ina ay karamay sa hirap at
pagsasakit;
siya
baga ang Uliran, Reyna nilang
mapang-akit,
na
ang nais bawa't isa ay makapiling
sa langit.
-----o-----
Ang
tungkulin ng apostol ay hawak ng
mga pari,
na
ang nasa'y lumaganap ang turo ng
ating Hari;
ang
lahat ng katoliko'y nararapat makihati
sa
paggawa ng apostol na banal ang
minimithi;
kaya
tayo ay lumapit sa Reyna ng mga
pari,
sa
Reyna ng apostoles, sa Birhen tang
makandili;
ang
bukirin ay malawak, ang pari ay
kakaunti,
kaya
tayo kay Mariya'y bokasyon
ang hinging lagi.
No comments:
Post a Comment