Nuestra Señora de Fatima |
Turris
Eburnea
Sa
palalong paghahangad na ang Langit ay abutin, nagtayo ang mga tao
nang “bantog na TORENG BABEL”; ngunit sila ay binigo sa mayabang
na layunin, wika nila ay ginulo’t iniba ng Diyos natin; ngunit ang
Dios ay nagtayo ng “magandang TORENG GARING,” na sa Langit
umaabot, at ito ay yaong BIRHEN; ito’y Toreng sakdal tayog, sakdal
gandang Toreng garing, na puno ng kayamanan ng Langit na
nagniningning!
---o0o---
Ang
ganda at kayamanan at ang tayog nitong TORE ay sagisag sa larawan at
MAPALAD NA BABAE; ang garing na kumikisap sa kulay na putting iwi ay
katulad ni Marian gang “ganda’y kawili-wili”; Arkitekto nito’y
Diyos na dunong ang ikinasi at pagibig ang sinangkap, nang itayo
itong TORE; sa banal na kagandaha’y walang pintas na masabi sa
Birhen na Toreng Garing na kay dikit at kay buti!
---o0o---
Ang
garing ay ubod-tigas na para bang isang bakal, di-mabulok ng panahong
mapa-ulan, mapa-araw; gayundin po si Mariang di-mabago ang kariktan,
di-matinag ang ugali at banal na kalooban; sa lungkot man o pagkat’wa
iwi niya’y kabaitan, wala ka pong masisilip katoiting mang
kapintasan; hindi siya nababagong “alipin ng Kalangitan”, na ang
tuwa ay tuparin ang nasa ng Poong mahal.
---o0o---
Ang
TORE ay matatayog, sa gusali’y naka-lampas, at doon ay matatanaw
ang paligid na mahawas; dahilan sa misyon nitong Birheng Inang
ubod-taas, sa lahat ng mga Santo at Anghel ay Siya’y lampas; sa
paligid niya’y ating makikita’t mababakas ang pagibig at ang
dunong ng Diyos na mapagliyag; sa Toreng garing nating ito’y
namahay ang Diyos Anak at sa mundo ay nagbatang isang JESUS NA
MESIYAS!
---o0o---
…
Ang
katipan ng Mesiyas na Hari pong Mananakop, naghihintay sa kasuyo ng
Garing na Toreng bantog; Masaya ang mga langit, ang pagka’tway
di-masayod, nang sa Tore na ginaring naging tao iting Jesus; sa puso
ng Birheng Ina ang awit ng pagkalugod ay awit ng pagmamahal sa VERBO
ng Amang Diyos: ang Awit ng Magnificant na kay timyas at
mairog,
nagmula sa toreng yaong pang-aliw sa sansinukob.
---o0o---
TORENG
GARING, Ikaw Ina, matayog at maharlika, may simpan kang mga gusi na
dukalan ng biyaya; palasyo kang lantay-garing ang sangkap ng iyong
diwa, mga hiyas ng kariktan ng banal Mong mga gawa; itinanggi ko pong
Reyna na sa Langit at sa Lupa, ang trono mo’y ang luklukang lubhang
banal at dakila; kasama Mo kaming lahat nagmumuni sa hiwaga ng buhay
mong pinagsidlan ng san-laksang pagpapala!
No comments:
Post a Comment