Nuestra Señora delos Remedios G. Reynaldo dela Cruz |
Salus
Infirmorum
Ang
dusa at madlang hirap ay bunga ng kasalanan, gayun din ang mga sakit
at ang luksang kamatayan; kahit tayo’y nasakop na ng Mesiyas nating
Mahal, namana rin nating lahat ang saklap ng karamdaman; sa banig ng
pagtitiis itong tao’y nakaratay at ang luha’y tinutungga sa saro
ng kapaitan; sa sakit na dinaranas, meron naming BIRHENG BANAL,
yaong SALUS INFIRMORUM na Medikong ating hirang.
---o0o---
Sa
piling ng pagdurusa’y meron tayong Manggagamot, si Jesus na
Mabathalang sakdal-lakas nating Jesus; kahit lump’t mga pilay
pinalakad na tibubos, pati bulag saka bingi’y nilunasan niyang
lubos; binuhay ang mga patay, inaliw ang nalulungkot, pagka’t
Siya’y Bathalang Mediko ng sansinukob; ganyan din an gating Inang
Birhen Mariang maalindog na nakapag-papagaling sa may-sakit at
may-lunos.
---o0o---
…
Yaong
hindi na gagaling na maysakit na katawan, binibigyan ng biyayang
mabata ang kahirapan; sapagkat ang pagtitiis ay malaking kabanalan,
kung lahat ay tinitiis alang-alang sa Maykapal; tuwing tayo’y
tumatawag sa LUNAS NG KARAMDAMAN, hingin natin kay Maria’y ang
saklolo’t katulungan; hihilingin natin sana ay ilawit ang patnubay,
na ang hirap ay ituring na tanda ng pagmamahal.
---o0o---
Ang
sakit na dinaranas ng katawan ay parusa sa bigat ng kasalanan na
sakit ng kaluluwa; kaya itong lumulunas-sa-sakit ng ating Ina,
makusaing magpagaling sa may-dusang kaluluwa, pinupuno ang damdamin
ng pananampalataya, “may pagibig sa Maykapal ang sa kurus ay
magdala;” hindi bale sa daigdig ay magtiis at magdusa, makamit lang
yaong Langit sa buhay na walang-hangga!
---o0o---
…
Kung
kayo ay naghihirap na lingkis na karamdaman, igala ang inyong isip sa
kalbaryong ubod-panglaw; panooring walang kurap ang Napakong Kristong
Banal at ang Inang sa ibaba ay may pusong-may-balaraw; isama ang
inyong hirap sa Dugo ng Poong mahal at ang saklap at dalita ay sa
Langit susuklian: bawat luha’y isang butyl ng ginto ng kasayahan,
bawat subyang ay korona ng ligayang walang-hanggan!
---o0o---
Kaya
tayo ay dumulog sa Reyna ng mga Martir at gagaling ang sugat n gating
puso at damdamin; ang kirotr n gating sugat na maantak sa hapdi rin,
mababahaw sa pag-gamot ng Medikong Ina natin; kaya tuwing may hirap
na tinitiis sa gawain, alang-alang sa Maykapal tumawag sa Inang
Birhen; Siya’y SALUS INFIRMORUM, Birhen na nagpapagaling sa
katawa’t kaluluwang sapupo ng suliranin.
No comments:
Post a Comment