Domus Aurea
Ang
GINTO ay kayamanang ang uri ay ubod-taas na sa templo at palasyo’y
palamuti ng ma-pilak; nang mawasak yaong Roma at itayo ang siyudad,
si Neron ay nagpagawa ng palasyong “maka-pitlag”; ang dingding at
ang kesame’y “gintong lantay na makisap,” kaya’t DOMUS AUREA
ang doon ay itinawag; nang ang tao’y nagkasala at ang mundo ay
nawasak, isang BAHAY NA GINTO rin ang ginawa ng
Mesiyas.
---o0o---
Ang
Hari ng sandaigdig at Mesiyas nitong mundo, hinirang ang Birhen Maria
na tirahan at palasyo; siam na buwang dala-dala ng animo ay sagraryo
si Jesus na sintang Anak na Diyos na naging Tao; puro ginto ng biyaya
ang sangkap ng Birheng ito at ginto ng kabanalang “naging tampok na
misteryo”; isang BAHAY na GINTO nga ng pagibig nitong Kristo, na
dahilan sa PAGSAKOP ay namatay sa Kalbaryo.
---o0o---
“Ang
Langit ay puro ginto na bayan ng kasayahan,” sangayon sa pangitain
ng Banal na si San Juan; ang kalye daw at lansangan ay yari sa
gintong lantay, na animo ay salaaming kumikislap kung pagmasdan; ang
Templo ng Herusalem sag into rin napa-tanghal, lahat doon pati altar
ay ballot ng gintong mahal; kaya ang Diyos nang magtayo ng BAHAY na
titirahan, GINTONG MANDING MAHARLIKA ang sa Birhe'y tinangkakal.
---o0o---
Kung
sa bagay, hindi gintong nagagasta ang kaloob, na sa Birheng Ina
nati’y kayamanang napa-tampok; siya’y templo at palasyong buhay
nitong Poong Hesus, kayat higit pa sag into yaong yamang iniyangkop;
ang ginto ng pagmamahal ang sa Birhe’y isinuob, kaya siya’y
nadakila na Reyna na sansinukob; bawa’t grasya’t kabanala’y
binigay ang Amang Diyos, dilang buti’t kabaita’y nagningning sa
puso’t loob!
---o0o---
…
Bahay
na Ginto si Maria na puno ng mga ginto ng banal na pagpapalang umagos
sa kanyang puso; yaong grasyang parang ilog na kay Jesus ay tumulo,
sa palad ng Inang Birhe’y makakamit na masuyo; kaya ditto tayo
sana’y lumuhod ng buong amo at animo sa simbahan ay magdasal at
manuyo: alam mo ba? Kay Maria’y makakamtan nating lalo ang hinakdal
na taimtim nitong ating sawing puso.
---o0o---
Sa
daigdig itong tao sa ginto ay namamatay, gabi’t araw nagpupuyat
upang yaman ay makamal; kahiy puri’t kaluluwa’y ibebenta
kaninuman, kumita lang salaping may kislap na sumisilaw; itong
ginto’y may halaga kung tulong sa kaligtasan, Sa taginting ng
salapi’y huwag kayong patatangay, pagkat merong gintong higit sa
salaping kumikinang.
---o0o---
Ang
ginto ng kabanalan at ng banal na pagibig ay higit sa isang bundok ng
ginto mang mapang-akit; mahangay ang isang dukhang banal yaring
puso’t isip kayas taong milyonaryong walang puso’t walang bait;
bawat tao’y GINTONG BAHAY na may ginto ng pagibig, na dapat na
ipaglingkod sa Maykapal na kay bait; sa BIRHENG DOMUS AURES tayo’y
lagging patangkilik at ginto ng mga ginto’y sa langit ay
makakamit!.
No comments:
Post a Comment