Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Monday, October 28, 2013

LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN: VIRGO VENERANDA (Birheng dapat Igalang)

Nuestra Señora dela Regla
G. Ato Dalmacio
Virgo Veneranda
Matapos na awitin ko ang Banal mong Katangian,
na higit sa mga Anghel at lahat ng mga Banal;
matapos na iluklok ka sa rurok ng karangalan
at putungan ng korona at suubin ng kamanyang;
ngayon nama'y tungkulin kong isigaw sa daigdigan,
na IKAW PO'Y BIRHEN naming nararapat na IGALANG;
VIRGO VENERANDA KAY na dapat PAGPITAGANAN
at itampok sa dambana ng matimyas na pagalang

---o0o---

Totoo po, hindi ka Dios, O Mahal kong Birheng Maria,
kaya naman di Ka namin sinasambang isang Diosa;
datapuwa't ang PAGALANG namin sa iyo'y HYPERDULIA,
na mahigit na pagalang sa SANTO AT MGA SANTA;
pagkat Kayo ay natanging MAPALAD NA MUTYANG REYNA.
INA NG DIOS na nahirang, walang dungis ka ng sala;
Kabanalan mo'y matayog, sa Langit ay inyakyat ka,
mababa ka lamang sa Dios, sa lahat ay mataas ka.

---o0o---

Kami'y tanging gumagalang sa Mahal mong mga yapak,
dahilan sa karangalang mabathalang iyong ingat;
ang banal mong pamumuhay, malinis at mabusilak,
hindi kayang malimutan sa paggalang nitong anak;
katulong ka ng Mesiyas sa PAGSAKOP na naganap,
kaya kami'y may tungkuling IGALANG KANG buong wagas;
bukod ka pong pinagpala sa babaeng lahat-lahat,
Napupuno ng biyayang sa inyo ay nagpatanyag!

---o0o---

Sininta ka't sinakila, itinamok ni Bathala,
nang higit sa mga Angel at Santo mang na dambana;
hindi sila naiinggit, bagkus pa nga'y natutuwa,
pagkat IKAW ay marangal sa lahat ng sanglinikha;
kaya kaming mga anak ng “Simbahang nasa-digma,”
nalulugod kang igalang, papurha't idakila;
mahal namin Ikaw, Ina at Reyna kong masanghaya,
kaya kami'y tumatawag sa Ngalan mong pinagpala.

---o0o---


Mediatrix ng dilang grasya, bunying Tagapamagitan
itong Birheng VENERANDA, Birheng Dapat na Igalang;
ang dasal at daing natin sa Birheng Kagalang-galang,
lalong nagiging malaks sa ANAK NA MINAMAHAL;
natutuwa itong Inang... samo natin at hinakdal,
iharap sa kanyang anak, upang tayo ay pakinggan;”
at ang Inang sinisinta ay di-kayang matanggihan
ng anak na sakdal-bait, sa hiling at panambitan.

---o0o---

Kung tunay na gumagalang sa Mahal na Inang Birhen,
tayo'y dapat na tumulad sa bait po niyang angkin;
balatkayo at bulaan ang debosyo't galang natin,
kung ang asal nati'y labag sa “malinis na gawain;”
ang tunay na pagmamahal at pintuhong buong giliw
ay pagtulad sa iniwang kabanalan nitong Birhen;
ang banal na pamumuhay ni Maria'y inyong sundin;
kalinisa't kababaan at ang diwang matiisin.”

---o0o---

Ang pagtulad kay Maria pagayon sa kanyang buhay,
pagdarangal sa kay Jesus na Anak na Birheng Mahal;
isa itong halimbawang parang sermon nga sa bayan,
na malakas sa salitang sa pulpito'y sinisigaw;
sa PAGALANG kay Maria'y ito'y tanging katibayan
at tanda ng pagmamahal at debosyong sukdang banal;
tayo sana ay gumalang, magsi-tulad at magdasal
sa BIRHENG KONG VENERANDA, BIRHEN NA DAPAT IGALANG!


Page 4 of 8
Please press Older Posts for Page 5.

No comments:

Post a Comment