Mater
Inviolata
INA,
MATER, O kay tamis na Pamagat,
walang
dungis na Ina kong sakdal dilag!
INVIOLATA,
di-nagmamaliwa, di-nawasak
ang
yaman ng kalinisang ingat-ingat;
pagka-birhe'y
di man lamang nagka-lamat,
kahit
kanyang isinilang ang Diyos-Anak;
Ikaw
yaring Tala na ang bawat sinag,
dapat
aninuhin sa sang-maliwanag!
---o0o---
Nang
mapansing... Birhe'y nagdadalang-tao,
nais
na tumakas si Joseng esposo;
Isang
anghel ang nagbunyag nang misteryo,
“lumilim
kay Maria'y Espiritu Santo”;
kaya
Inviolata ang Ina ni Kristo,
na
hindi nagalaw ng sama ng tao;
kaya
nga't sa kanya dapat manganino
ang
lahat ng ina sa balat ng mundo.
---o0o---
Mayroong
gawaing anay na mistula
na
sa pagka-ina'y lubhang sumisira;
yao'y
kalabagan sa Poong Bathala;
birth
control, pagtunaw, at
pangangalunya;
ito'y
mga krimen na ubod ng sama,
na
parurusahang walang pagka-awa;
INANG
HINDI MALAPITAN NG MASAMA,
ipanalangin
Mo ang mga kawawa!
---o0o---
Ang
taong sumumpa sa Buklod ng Kasal
ay
maging matapat sa kabyak ng buhay;
ang
pakikialam sa ibang kandungan
ay
pangangalunyang bawal ng Maykapa;
kalapastanganan
sa bitling na banal
ni
Kristo sa Kanyang mahal na Simbahan;
ang
pagsulyap anding marumi't mahalay
sa
hindi asawa ay kasuklam-suklam.
---o0o---
Ang
Birth Control nama'y pagpigil sa bunga,
nakaririmarim
na pagkakasala;
pagkat
sa birth control sa gamot ma't iba,
bigo
ang hangarin ng pagaasawa;
ito'y
kaimbihan niyong mag-asawa,
pagyurak
na pangit sa banal na pita;
yao'y
pagsalansang sa Batas ng Ama,
“abuso
sa anak at sa kanyang ina.”
---o0o---
Ang
kasumpa-sumpa at kagulat-gulat,
sa
tiyan ng ina... ay kitlin ang anak;
pag-tunaw
sa binhing sa tiyan nalagak
ay
krimeng sa sama ay kasindak-sindak;
batang
walang malay... tutunawing anak,
kaya
nga't kriminal silang mga tunggak;
yaon
ay pagpatay nating matatawa
ng
ina sa kanyang sarili ring anak.
---o0o---
Dito
nag-uugat ang sama ng mundo,
sa
salang panira sa 'ting Matrimonio;
ang
nagpapahina sa angkan ng tao,
nagpaparupok
din sa tatag sa mundo;
kaya,
mga ina, manga-takot kayo
sa
tuklaw ng ahas ng krimen pong ito;
birth
control, pagtunaw, pakiki-agulo,
kamandag
sa buhay na iwasan ninyo.
---o0o---
Ang
lumbay ng ina ay magiging tuwa,
oras
na isilang ang anak na mutya;
sa
hirap at dusang akibat ng luha,
langit
ang kapalit... galak na sang-yuta;
kaya
magtitiis kayo sa dalita
at
huwag sinisayin ang Poong Bathala;
hindi
natutulog ang Ina ng awa,
sa
tiisin ninyo Siya'y magpapala!
No comments:
Post a Comment