Nuestra Señora de Consolacion y Correa G. Amador P. Reyes |
Ianua
Coeli
Si
Jacob ay nanaginip at nakita’y “isang Hagdan, na sa Langit
nakasandal at sa lupa nakhapay;”ang anghel ay bumababa’t umaakyat
sa hagdanan, samantalang sa itaas ay nagusap ang Maykapal: “sa lahi
mo’y liligaya’t mapalad na itatanghal ang lahat ng mga lipi sa
laot ng daigdig”; nang nagising ay sinabi ni Jakob na “nuong
banal”: “ITO’Y BAHAY nga ng DIYOS at PINTO NG KALANGITAN.”
---o0o---
Sa
Birhen ko natutupad ang pangarap na nakita, pagkat lahat sa daigdig
ay mapalad kay Maria; ang lahat ng mga bansa’y naligtas at
lumigaya, pagsilang ng Manunubos sa mapalad nating Ina; kaya’t
pinto Ka ng Langit, O mabunyi naming Reyna, dahilan sa Iyong Anak ay
may Langit ng pagasa; sa Iyo po kumakaoit yaring aming kaluluwa sa
hangad na makapasok sa Langit ng pagsasaya.
---o0o---
Ang
pintuang daraanan pagsampa sa mga Langit ay ang Birheng Ina nating
dalanginangsakdal dikit; ang sinumang sa Birhen ta’y mamintuho at
umibig, maaakyat sa ligayang walang hangga’t kahulilip; siya yaong
ingat-yaman ng biyaya at tangkilik, taga-abot ni Bathala sa nilikhang
humihikbik; kaya siya ang pintuan, kung sa langit ay papanhik, yaman
siya ang nagdala sa kay Jesus sa daigdig.
---o0o---
Ang
pinto ng kalangitan ay ang pintong pinasukan ng Hari ng mga Langit at
Hari ng santinakpan; si Maria na kay Jesus nagdala sa Kanyang tiyan
ay Pinto ng Mananakop na sa Hari’y inilaan; bago siya ay manganak
at nang Siya ay magsilangat nuon mang nanganganak, Birhen Siyang
madalisay; iya’y Inang mahiwaga, pagka’t Anak niyang tunay ng
Anak ng Diyos Amang Panginoon at Maykapal.
---o0o---
…
Kay
ligaya at kay palad ng pintuang naging hirang, si Mariang
punong-puno ng biyayang kumikinang; bukod siyang pinagpala sa lahat
ng sang-nilalang, pagkat siya yaong Ina na walang maka-kapantay;
papaano’y siya lamang ang nagkamit-kapalaran na kay Jesus ay
magluwal sa nasawing daigdigan; siya yaong sa Dios Anak na Anak ng
Amang Banal ay INANG maka-tatawag na “Anak nga niyang tunay.”
---o0o---
Mapalad
nga itong Birhen na sa VERBO ay nagiwi, na ang tuwa’y sunding lagi
ang nais ng Poong kasi; langit niya ang tumulong maligtas ang mundong
imbi, upang lahat ay mapasok sa l’walhating makawili; siya’y
Pinto ng liwanag na ang sinag niyang iwi ay biyayang umaakay sa
Langit ng pagpupuri; ang glorya at l’walhating nais nitong pusong
api ay sa Birheng Ina natin malalasap na parati.
---o0o---
Siya’y
pintong nakabukas sa ligaya nitong Langit na “hindi pa nadarama’t
nakikita sa daigdig,”kaya tayo ay dumulog sa birhen kong makalangit
na pinto ng kalangitang may ligaya at pagibig; kay Maria ang
luwalhati’y mapapasok nating pilit at doon ay sasambahin ang
Maykapal na marikit; maglingkod at manilbihan sa PINTO ng mga Langit
at doon ka mahahantong sa Ligayang ninanais.
No comments:
Post a Comment