Ayon
sa kwento ng mga matatanda nuong una Agosto 18 lamang talagang
ipinagdiriwang ng mga taga Marulao bilang kapistahan ni Santa Elena.
Mahabang panahon mula ng makuha ang Mapaghimalang Larawan ng Santa
ipinagdiriwang nila ang ganuong gawi. Kalaunan napansin ng mga taga
Marulaw na palaging masama ang panahon o kadalasan ay malaki ang
tubig. Kaya napagisip-sip nila na ilipat ang araw ng kapistahan, sa
tulong ng kanilang kura noong panahong iyon. Inilipat nila ito kung
saan matapos ang araw ng pagkakatagpo ni Sta. Elena sa Banal na Sta.
Krus Mayo 3 sa madaling salita Mayo 4 ang napiling petsa na naging
kapistahan ng santa.
Ang pagpaparangal kay Sta. Elena sa mga isla ng Pugad at Tibaguin sa pagoda sa karangalan ng santa. |
Naging
dalawa ang pista ng barrio ang Agosto 18 at ang Mayo 4. Naging
tradisyon din ng mga taga Sta. Elena ang pagdiriwang ng kapistahan ng
Banal na Sta. Krus. Kung kaya satwing nagpipista si Sta. Elena ay
nagdiriwang din ng kapistahan din ng Sta. Krus.
Tuwing
Mayo-4 ipinagdiriwang ang pista ng buong barangay. Kung ilalarawan
ang pista ito’y makulay, makabuluhan at masaya. Isa nga ang
kapistahang ito sa bantayog at isa sa pinaka-masayang pista sa Bayan
ng Hagonoy. Tuwing Agosto 18 naman ay ipinagdiriwang ang pistang
pasasalamat ng buong barrio kasama ang tatlong bisita at dalawang
sitio na sakop nito. Ang pista kapag agosto ay taimtim at payak lamang
di kasing kulay ng pista tuwing Mayo.
Ang pagsayaw ng mga dakilang mananayaw ni Sta. Elena Emperatris sa kalye habang nagpruprusisyon. |
Kamakailan lamang isang buwan bago ang Mayo ay naghahanda na ang mga kabataan upang iayos ang mga palamuti sa lansangan. Ang paluti pag pista ay sumasagisag sa isang Masaya at makulay na pagdiriwang kapistahan. Ganoon din ang Sangguniang Pastoral kasama ang Hermanidad na naghahanda ng mga aktibidad at programa sa pag-sapit ng pista.
Tulad ng mga mga nakaraang paghahanda, nagkaroon ng siyam na araw para sa nobenaryo. Ginagawa dito ang pagpaparangal sa Santa sinasabitan ng kwintas na sampaguita, rosaryong bulaklak at pinuputungan ng korona. Nagkaroon ng iba’t ibang programa tulad ng pagoda, paligsahan sa gayak sa kalsada, ang kauna unahang Sta. Elena Got Talent, ang pagpapakita ng talento ng iba't ibang samahang pansimbahan. Mapalad at isa ang parokya ni Sta. Elena sa napiling benificiaries na napagkalooban ng 30 wheelchair. Isinagawa muli ang tradisyunal na salubong na dinarayo pa ng mga deboto na nagmula pa sa iba’t ibang bayan. May mga deboto na nagsasabing may nag-imbita sa kanila na hindi naman nila kilala.
Mga deboto ni Sta. Elena Emperatris na nagbuhat ng andas ng santa sa prusisyon noong Agosto. Baha man o umuulan tuloy ang prusisyon sa kalye ng Sta. Elena. |
Siyempre kulang ang pagdiriwang ng lahat ng iyan kung wala ang sentro ng kasiyahan ang Banal na Misa. Napakaraming Misa ang naganap na pinangunahan ng iba't ibang pari tulad ng Rektor ng Pamantasan ni Sto. Tomas sa Maynila na mula sa Sta. Elena, si Rdo. P. Herminio Victoria Dagohoy, O.P na kasama ni Rdo. P. Efren G. Basco, Kura Paroko simula pa noong araw ng nobena hanggang sa sumapit ang kapistahan.
Noong bago ang huling misa ay nagkaroon muli ng prusisyon. Tulad ng nakasanayan at naging tradisyon uuwi siya sa kanyang parokya na isinasayaw ng mga deboto, tinapos din sa patio ng Parokya ang makulay na pailaw ay muling nasilayan na nagging hudyat na rin na tapos na ang kasiyahan. Di mahulugang karayum kung ito’y ilarawan ng ilan sa dami ng nakiisa sa prusisyon.
Nito lamang ay muling ipinagdiwang ang pistang munti ng barrio ng Marulao. Taimtim, simple, masaya at makabuluhan kung ito’y ilalarawan. Nagkaroon ng siyam na araw na paghahanda o ang nobenaryo hanggang sa kapistahan. Noong ika-11 ng Agosto isinagawa ang pagbebendisyon ng sakristiya, opisina ng parokya, adoration chapel, Kampanaryo at ang bagong damitan ni Sta. Elena. Noong araw ng kapistahan umaga pa lamang ay nagkaroon na ng Banal na Misa hanggang sa Hapon sa pangunguna ni P. Efren Basco at iba pang pari bagama’t masama ang panahon at malaki ang tubig, hindi nito napigilan ang pagdiriwang ng kapistahan.
Ang pagdako ng imahen ni Sta. Elena na dala-dala ng mga deboto sa gabi ng kapistahan. |
Sa katunayan ay binabayo ng malakas na ulan at hangin nung inilabas ang prusisyon. Patunay na hindi matitinag ang pananampalataya at debosyon kay Sta. Elena. Tuloy ang kasiyahan kasama ang mga taga-Brgy. Pugad kasama si San Ignacio de Loyola patron ng isla, Brgy. Tibaguin, Brgy. Sagrada Familia, sitio ng Pugad at Sitio ng Tangos. Hindi ininda ng mga sumama sa prusisyon ang baha, bagkus ginawa nila itong istrumento upang maging Masaya. Sapagkat ayon kay Rdo. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C., Kura Paroko at Rektor ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana sa kabayanan na tulad ng tubig ang apoy ay ginagamit na panglinis ayon sa Lumang Tipan.
No comments:
Post a Comment