Ang
panahon ang isa sa mga pinakamakapangyarihang elemento sa mundo..
sa
ayaw mo man at sa gusto...
aandar
ito at walang magagawa ang sinumang abutan nito...
Ito
rin ang nagtatakda ng mga bagay na magtatagal at mga bagay na panahon
na upang lumisan at mawala...
Mga
bagay na materyal at nahahawakang bigla na lamang nawawala...
ngunit
hindi ang pananampalataya...
Ilang
ulit mang subukin ng panahon, ilang ulit mang magharap at baliin ng
nagbabagong mundo...
Ang
pananampalataya
ay
mas lalo lamang tumitibay at nag-papaalalang hindi mo man ito
nahahawakan...
Ito
naman ay isa sa mga bagay na dapat mong paniwalaan....
Dahil
ililigtas ka nito sa mga pagsubok at mga suliraning kahaharapin sa
dapat paroonan.
Ito
na nga ang araw na pinakahihintay ng Hermana Mayor na si Bb.
Florencia Bantigue Marquez, ang araw ng pasasalamat at paggunita at
pasimula ng Ika- 80 taong pagkakatatag sa bisita ni San Miguel
Arkanghel ng Hagonoy. Ito ay naitatag noong taong 1934 sa Ilalim ng
Kasalukuyang Parokya ni Sta. Ana ng Hagonoy. Kasabay rin ito ng taon
ng kapanganakan ng Hermana Mayor nito ngayon. Sinubok na ng panahon
ang naturang bisita at ito ang gumabay sa maraming relihiyoso at
relihiyosa sa nasabing barrio sa napakatagal ng panahon: mga baha,
sakuna at kung anu-ano pang kontrobersiya ang pinagdaanan nito.
Ngunit sa paggabay ng mahal na patron nitong si San Miguel Arkanghel
ay napagtagumpayan ng bahay-dalanginan at ng pananampalataya ng mga
taga-barrio ang lahat.
Ang paanyaya ng Hermana Mayor Florencia B. Marquez para sa naganap na pagdiriwang ng ika-80 kapistahan ng San Miguel, Hagonoy. |
Ito
na ang ikalawang pagkakataon na nakapaghermana si Bb. Marquez para sa
Mahal na patrong Apo
Igue, ang unang
beses ay noong Kapistahan 2001. At noong Mayo 7-8 2013 siya ay muling
nabigyang pagkakataong maging taga pagtaguyod ng pagdiriwang, higit
pa sa pagiging tagapagtaguyod ng pista ang naging papel ng Hermana
Mayor ng Barrio, sapagkat sa matagal ng panahon, siya rin ang naging
tagapangalaga at taga pangasiwa ng bahay- dalanginan na kanya pang
minanang tungkulin mula sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya. sa
akin ngang panayam sa kanya ay kanyang sinabi, "hindi naman
kailangang maging mayaman upang maging Hermana. Katulad kong isang
abang lingkod lamang, hindi ko iindahin kung maubos man ang kung
anong mayroon ako, mapasalamatan lamang Panginoon at ang mahal na
patron na pinaniniwalaang kong gumagabay sa akin sa lahat ng
pagkakataon."
Ang hermana kasama ang ilang mga kabataan ng parokya. |
Sinimulan
ang maringal na pagdiriwang sa pamamagitan ng paglulunsad ng Banal na
Misa Nobenaryo noong Ika 29-ng Abril, Lunes sa pangunguna ni Rdo. P.
Candido D. Pobre, Jr. ng Parokya ni San Juan Bautista na siya nang nakasasakop sa bisita.
At pagdating ng Ika 7-ng Mayo, ang Visperas Mayores ay sinamahan ng kanyang angkan si Bb. Marquez sa pagdapit upang makiisa sa Banal na Misa, tumayong katuwang ni Bb. Marquez ang dalawa niyang pamangkin na sina Gng. Lydia Antaran-Magboo at pamilya at Bb. Remedios Marquez-Bantigue at pamilya. Naging maayos ang pagdapit na pinatnubayan ng Pamahalaang Barangay ng San Miguel na pinamumunuan ni Kap. Denver Tolentino. Pagkatapos ay nagkaroon ng salu-salo sa bakuran ng Hermana Mayor na puno ng mga pula at puting dekorasyon na sumisimbolo sa kaligayahan at pasasalamat ng pamilya sa Mahal na Patron. Tinapos ito ng magarbong mga pailaw sa kalangitan na talaga namang hinangaan ng mga taga barrio at mga dayuhang dumalo sa pagtitipon.
At pagdating ng Ika 7-ng Mayo, ang Visperas Mayores ay sinamahan ng kanyang angkan si Bb. Marquez sa pagdapit upang makiisa sa Banal na Misa, tumayong katuwang ni Bb. Marquez ang dalawa niyang pamangkin na sina Gng. Lydia Antaran-Magboo at pamilya at Bb. Remedios Marquez-Bantigue at pamilya. Naging maayos ang pagdapit na pinatnubayan ng Pamahalaang Barangay ng San Miguel na pinamumunuan ni Kap. Denver Tolentino. Pagkatapos ay nagkaroon ng salu-salo sa bakuran ng Hermana Mayor na puno ng mga pula at puting dekorasyon na sumisimbolo sa kaligayahan at pasasalamat ng pamilya sa Mahal na Patron. Tinapos ito ng magarbong mga pailaw sa kalangitan na talaga namang hinangaan ng mga taga barrio at mga dayuhang dumalo sa pagtitipon.
Kinabukasan
sa ganap na ika-8 ng umaga noong ika-8 ng Mayo 2013, gumising ang
lahat ng maaga, naglilibot na ang mga banda ng musiko sa buong barrio
at ang lahat ay naghanda at naaamoy na sa hangin ang mga handa ng
bawat tahanan, ang halimuyak ng kapistahan, nakasakay na rin ang
matipunong Imahe ng Mahal na Patrong San Miguel Arkanghel sa kanyang
payak ngunit eleganteng karo. Pinangunahan ng Hermana Mayor ang
paglakad patungo sa Bisita upang dumalo sa Banal na Misa, puno ang
bahay-dalanginan ng mga taong nagmula pa sa mga karatig barrio at mga
bayan. Napakasaya ng kapaligiran ang lahat ay sama-samang lumuhod at
nanalangin at nagsambit ng kanilang panambitan sa Panginoon sa
pamamagitan ng Prinsipeng Arkanghel. Ang Kura Paroko ng nakakasakop
na parokya ang nanguna sa pagdiriwang, at pagkatapos ay buong tuwang
sumama ang lahat sa Banal na Prusisyon na umikot sa buong barrio.
Ngayon
ay pagdiriwang at pasasalamat, sa mahabang panahon ng kasaganaan man
o paghihirap, kalungkutan man o kaligayahan, hanggang sa kinagabuihan
ay hindi nagpaawat ang lahat sa pag-indak sa saliw ng mga banda at
mosiko.at sa paglubog ng araw katuwang si G. Valentino Santos Viri na
isa rin sa mga taga pagtaguyod ng kapistahan at masugid na
tagapaglingkod ng mahal na Patron, muling nag prusisyon ang buong
barrio kasama ang mga abay at mga mananayaw iniikot muli ang imahe sa
buong barangay at iniuwi sa bahay dalanginan. At sa hinuha ng lahat,
hindi rito natatapos ang paggunita at pasasalamat kung hindi habang
buhay sa puso at diwa ng lahat..araw-araw na ginawa ng Panginoon,
kaming mga taga Barrio san Miguel ay magwiwika, sumisigaw ang puso at
kaluluwa.
Viva
San Miguel Arkanghel de Hagonoy VIVA!!!
Photo Courtesy: Gabriel S. Sebastian (Parokya ni San Juan Bautista)
No comments:
Post a Comment