Ika-7
ng Hunyo, 2013
Dakilang
Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus
Ika-60
Anibersaryo sa Pagkapari ni Rdo. P. Nicanor Trinidad Victorino
Parokya ni San Miguel
Arkanghel
Poblacion, Bacoor,
Cavite
Pasasalamant
Rdo. P. Nicanor Trinidad
Victorino
Tagapagdiwang
Hindi
ko alam kung paano kayo pasasalamatan. At ang masasabi ko ay,
nag-uumapaw ngayon ang puso ko sa mga pagkakataong ito dahil sa
inyong pagtalima.
Hindi ko talaga alam kung
paano pasasalamatan ang Panginoon. Tulad ng sinabi ni Msgr. Vengco,
mahirap ang makaabot ng ganito katagal na edad ng paglilingkod sa
Panginoon. Ngunit ibinigay sa akin ang panahong ito, nakaabot ako ng
ika-60 taon ng aking pagkapari sa kabila ng aking kahinaan at
pagiging makasalanan. Kaya hindi lubos isipin kung paano
pasasalamatan ang Panginoon. At kayong lahat ng naririto sa aking
kapiligiran, alam kong lahat kayo'y naririto sapagkat mahal na mahal
ninyo ako. Ito'y sapagkat noong inanyayahaan ko kayo dito, sinabi ko
na kung di kayo pumunta, “ikamamatay ko.” Tumalab ang aking
“pananakot” sa kanila, kaya nandito sila ngayon. Ngayon ay
nalaman ko na ayaw pa rin nila ako mamatay.
Dahil sa lahat ng ito,
malaki ang kailangang kong ipagpasalamat sa Panginoon. Isang tunay na
biyaya ito dahil sa loob ng 60 taon, naging puno ng pagmamahal ang
Panginoon sa mga taong aking napaglingkuran. Naalala ko pa noong
magdiwang si Msgr. Aguinaldo na aming kababayan ni Msgr. Vengco noong
magdiwang siya ng ika-60 taon ng kanyang pagkapari. Tinawag niya ako,
“Kabayan”, sabi ni Msgr. Aguinaldo, “ngayo'y retirado na ako at
naka-animnapung taon na, pagkatapos nito pwede na akong mamatay.”
Ganun din naman ako, pero ang presensya dito ng lahat ng
napaglingkuran ko ang nagpapakita sa akin talaga na mahal na mahal
ninyo talaga ako.
Ang sabi ko sa tagal ng
panahong naglingkod ako bilang pari, ang dami ko nang nakasama at
nakilala. Marami sa kanila ang naririto ngayon at ako'y natutuwa na
nandito kayo. Nagpapasalamat ako kay Fr. Sharkee, siya ang nagpagayak
nito simbahan para sa pagdiriwang natin ngayon. Siya rin ang nagbigay
sa akin ng suot-suot ko ngayon kaya maraming salamat.
Hanggang ngayon di ko pa
rin alam kung paano kayo pasasalamatan. Nadestino rin ako sa ilang
mga parokya sa tagal ng taon na ako'y pari. Una akong nadestino sa
Antipolo noong ako'y batang pari pa. Palakpakan natin ang mga
taga-Antipolo, mga nakasama ko roon noong bata pa ako. Salamat sa
inyo. Marami sa aking mga naksama dun sa totoo lang ay patay na, kaya
sa mga naririto malaki ang aking pasasalamat. Sunod naman ay
nadestino ako sa Trece Martires. Magubat ang Trece at dumating ako
doon wala pa noong palengke at sa ilalim ako ng puno ng mangga
nagmimisa. Nagkamatay na rin ang lahat ng kakilala ko doon sa tagal
ng taon ko ngayon. Nagpapasalamat naman ako sa mga iilan na
nariritong buhay pa na nagdiwang kasama ko. Sunod naman ay nadesitno
ako sa Binakayan, dalawang taon lang ako doon. At iyon ay pagsisisi
ko dahil sana nagtagal ako doon dahil napakamapagmahal ng mga
taga-Binakayan. Pagkatapos ng Binakayan, General Trias, walong taon
ako doon at dito 21 taon. Kaya naman noong papasok ako ng arko,
tumulo ang luha ko sa lahat ng mga sumalubong, sabi ko, “Mahal rin
pala ako ng mga taga-Bacoor.”
Dito
na ako sa Bacoor nagtagal kaya naman hindi ko makakalimutan ang mga
taga-Bacoor. Ang mga ala-ala dito ay talagang kasiya-siya, kaya di ko
ito makakalimutan kailanman. Kaya salamat sa inyong lahat lalo na sa
mga pari ngayong nandito, kay Bishop Lolo,
Bishop
Sobreviñas;
kay Bishop Iñiguez; at kay Msgr. Vengco na nagbigay ni homilya. Kami
ni Bishop Sobreviñas ay umaattend sa Ephesus
(ministeryo
para sa mga matatandang pari sa pangangalaga ni Msgr. Vengco) at ang
mga umaattend daw dito ay tumatagal ang buhay. Kaya siguro mahahaba
ang buhay namin dahil miyembro kami ng Ephesus.
Kanina
narinig ninyo ang sinabi ni Msgr. Vengco, hindi ba ito tumimo sa mga
puso ninyo? Ito ang mensahe ng Mahal na Puso ni Jesus at lubos akong
nagpapasalamat sa kanya dahil sa kanyang tulong. Kababayan ko 'yan,
kababayan ko 'yan. Siya ay ipinagmamalaki ko kahit saan.
Ngayon
ay hindi pa tapos ang pasasalamat dahil yayayain ko ulit kayo sa
ika-isang daan kong taon ng aking kapanganakan sa 2024. At higit pa
rin iyan inaanyayahan ko rin kayo sa 2028 sa ika-75 taon ko bilang
pari! Lahat siguro tayo ay matanda na noon pero wala namang imposible
sa Panginoon. Yung makaabot nga ako ng ganito katagal ay isang tunay
na gawa ng Diyos. Kung alam ko lang na makakaabot ako ng ganitong
taon, ako na siguro ang pinakamayaman dahil ang dami ko nang
napuntahan at nakilala. Kaya naman ako'y nagpapasalamat sa
pagkakatong ito at napupuno ng kaligayahan ang aking puso dahil sa
inyong lahat, pati ang mga ninong
at
ninang
na
naririto. Isa-isa ko po silang pinuntahan at inaya para sa
pagdiriwang na ito. Labis ang aking pasasalamat ko sa kanila.
Maraming salamat sa inyong
lahat. Ito tapos na ang pasasalamat at hindi ko ito makakalimutan
habambuhay. Nawa'y tayo'y muli magkikita at magsasama-sama dahil
kapag di pa kayo pumunta ay “ikamamatay ko!” Mararming maraming
salamat!
Mga Parokyang Pinaglingkuran ni Rdo. P. Nicanor Trinidad Victorino
Diyoesis ng Imus
Parokya ni San Judas Tadeo Lungsod ng Trece Martires, Cavite |
Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima Binakayan, Lungsod ng Kawit, Cavite |
Parokya ni San Francisco ng Assisi Lungsod ng General Trias, Cavite |
Parokya ni San Miguel Arkanghel Lungsod ng Bacoor, Cavite |
No comments:
Post a Comment