“Katamis-tamisang Puso ni Jesus, mananakop ng sangkatauhan masdan kaming mapagkumbabang nangangayupapa sa inyong harap kami na Inyo at kailanma’y may ibig naming maging Iyo ang lahat at bawat isa sa amin ay humahandog sa araw na ito sa kamahal mahalan ninyong puso.”
Ang mga deboto ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria na nanalangin sa harapan ng Santissimo Sacramento sa pagsapit ng kapistahan. |
Ipinagdiwang ang Kapistahan Kabanal-banalang Puso ni Jesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria sa Parokya ni Sta. Elena Hagonoy, Bulacan noong Ika-13 ng Hulyo. Sinimulan ito sa pagtatanghal ng Banal na Sakramento sa Altar. Sama samang nag-alay ng panalangin at pagpupugay sa pamamagitan ng pag-awit. Umpisa ng pagbubukang liwayway ito isinagawa sa pangunguna ng aming Kura Paroko Rdo. P. Efren Basco at ng Samahan ng Apostolado ng Panalangin isa sa mga unang samahang naitatag sa Parokya ni Sta. Elena. Isang napakapalad na pagkakataon ang nagdiwang ng ganitong kapistahan. Sapagkat ito ay sumasalamin na malalim na pag-ibig ng Panginoon.
Isang deboto na nananalangin habang ginaganap ang Banal na Oras. |
Kung kaya sa kapistahang ito ipinadama ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Sinundan ito ng isang Banal na Misa. Nakilahok ang bawat isa at patuloy na nag-alay ng malalim na pananampalataya na nagparamdam ng tunay na pag-ibig sa bawat isa. Matapos ang Banal na Misa ay isinunod ang isang payak na Prusisyon. Kasama ang Samahan ng Apostolado ng panalangin at iba pang mga lingcod Simbahan. Sa saliw ng tugtog ng mosiko ang nagpatingkad ng pagdiriwang. Sa taong ito ang samahan ang Hermano sa kapistahang ito.
Sabado, ika-14 ng Hulyo sa ganap na ika 10:30 ng umaga isinagawa muli ang isang Banal na Misa para naman sa karangalan ng ng Kalinis linisang Puso ni Maria.
“Birheng kabanal-banalang Reyna at Ina ng aming bansa niyaong sa isang malambis na pag-ibig Ina. Ay minarapat mong ipakita sa Fatima sa tatlong aba’t walang malay na maliliit na mga pastol, ay ipiahayag mo ang iyong maalab mong nasa, na ang bouong daidig ay magbalik sa kalinislinisan mong puso at sa kaniya’y humandog, upang papaglubagin ang napopoot na hustisya ng Diyos at magkamit ng tunay na kapayapaan.”
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang
(Parish of St. Helena the Empress)
No comments:
Post a Comment