Mula sa Patnugot: Ukol ang tulang ito sa pagtingin natin sa kapwa tao tulad ng pagtingin sa Panginoong Jesu-Kristo tulad ng ipinapahayag sa atin ng Mabuting Balita.
Naglalakbay ako sa landas na iba-iba
Maraming
tao ang aking nakilala
Sa
iba't-ibang lugar na aking nabisita
Iba-iba
nga sila.
Patuloy
kong tinatahak ang buhay
Natagpuan
ko, iba't-ibang klase ng buhay
May
mga nagnanais makaahon sa hirap ng buhay
Iniiwan
nila mga mahal sa buhay.
Sa
dako pa roon aking nabanaagan
Nagsasakripisyo
sa iba't-ibang pamamaraan.
Napagtanto
ko sa aking napuntahan
Iba-ibang
klaseng mga nilalang.
Nagpatuloy
ako sa paglalakbay
Napasulyap
ako sa mga pulubi sa lansangan
Naagaw
ng pansin ang pagtutulungan
Ng
mga taong may mabuting kalooban.
Napadako
ako sa pamilihang bayan
Mga
mamimili di magkamayaw
May
napuna ako at napangiti ng tuluyan
Matapat
na mamimili ang nasaksihan
Sumakay
ako sa pampasaherong sasakyan
May
nagparaya sa walang mauupuan
Nagsakripisyo
at nagbigay daan
Sa
lubhang nangangailangan.
Dumating
ang araw ng pagpasok sa paaralan (ICAM)
Ito
ay aking kinapapanabikan
Si
Kristo sa kanila ay natagpuan
Sapagkat
magkakapatid ang turingan.
Subalit
iba-iba man
Iisa
lamang ang pinagmulan
Nasilayan
ko sa bawat nilikha
Si
Kristo may iba't-ibang mukha.
Iba-ibang
tao, iba-ibang mukha
Kawangis
lahat ng Amang lumikha
May
iba-ibang mukha si Kristo
Sa
katauhan ng kapwa ko.
Akda
ni: Sr. Mary Grace M. Gregorio, OP
8:00
AM
Ika-3 ng
Agosto 2012
Hagonoy,
Bulacan
Photo Courtesy: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban (Parish of Ina ng Laging Saklolo)
No comments:
Post a Comment