Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 24, 2014

FEATURE ARTICLE: Ika-40 Taon ng Pagkapari - Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P. at Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio (Disyembre 1, 1973 - 2013)


Mga Mensahe:



Office of the President

Opisina ng Kura Paroko

Parokya ng La Purisima Concepcion

Poblacion, Sta. Maria, Bulacan



Para kina:
Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.

at Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio


Kapayapaan kay Kristo!

   Isang taos-pusong pagbati ang aking hatid sa pagdiriwang ninyo ng ika-40 anibersaryo ng pagkapari noong ika-1 ng Disyembre, 2013. Mahalaga ang bilang na 40. Sinasabi sa Banal na Kasulatan na sa loob ng 40 araw at gabi nang umulan at bumaha noong panahon ni Noe at ito ang nagbigay daan sa panimula ng bagong sangkatauhan. Gayun din, ang Panginoong Hesus ay gumugol ng 40 araw at gabi na nanalangin at nag-ayuno sa ilang at ito ang naging paghahanda para sa pasimula ng kanyang misyon at gampanin bilang Mesiyas. At sa muling pagkabuhay, nanatili ang Panginoon na kasama ang mga alagad sa loob ng 40 araw at saka Siya umakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Ama, at ito ang nagbigay-daan sa pagdating ng Espiritu Santo at pasimula ng Sambayanang Kristiyano.

   Kaya naman, makabuluhan ang inyong pagdiriwang ng ika-40 taon ng pagkapari. Ito ay tanda ng panibagong simula ng masigla, makabuluhan at mabunying paglilingkod para sa Diyos at sa bayan. Pasimula ng panibagong yugto sa paglalakbay na may sigla, galak at marubdob na hangaring lumago at umunlad sa paglilingkod sa Panginoong Hesus, ang tanging huwaran ng mga lingkod ng Diyos.
 
   Kaya sa inyo, Msgr. Rico at Fr. Ety, ang aking pagbati sa pasimula ng makabuluhan, makatuturan at kapaki-pakinabang na pagiging pari “magpakailanman!”

Ad multos annos!












Opisina ng Tagapangulo

Kadiwa sa Pagkapari Foundation, Inc.

Unit 915, Union Square 1 Condominium

145 15th Ave., Cubao 1109 Quezon City



   Nararapat lamang na batiin ang tatlo nating mga kababayan na kalilipas ang ika-apatnapung taong anibersaryo ng kanilang ordinasyon sa pagkapari. Ito’y sina Rdo. P. ANACLETO CLEMENTE IGNACIO, na ngayo’y kura sa Parokya ng Sto. Niño sa Parada, Rdo. Padre DOMINGO AGULTO CRUZ, kura sa St. Bridget Catholic Church sa Shriever, Louisiana, USA, at Rdo. Msgr. ENRICO SAGUINSIN SANTOS, na kasalukuyang namamahinga dala ng karamdaman. Ang tatlong mga taga-Hagonoy ay inordenan sa pagkapari noong Disyembre 21, 1973 ni Obispo Cirilo R. Almario, Jr., D.D. sa Seminaryo ng Inmaculada Concepcion sa Guiguinto, Bulakan.


   Ang tatlong pari na ito ay sumasagisag sa katangi-tanging biyaya ng pagkapari na kaloob ng Diyos sa Santa Iglesiya at sa bayan ng Hagonoy. Kumakatawan din sila sa mga panahong nauna na hindi katulad ngayon na paisa-isa lamang at madalang pa ang mga nagiging pari mula sa ating bayan. Samahan natin sila ng mga dalangin habang ang isa sa tatlo ay naglilingkod na parang misyonero sa ibang bansa, at ang isa naman ay buong sipag na nag-aalaga sa kawan ng Panginoon dito sa ating lalawigan, at ang isa pa’y madali naman sanang makatawid sa pinagdaraanang karamdaman.

Rdo. Msgr. Sabino Azurin Vengco, Jr., H.P.
Dating Pangulo
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Opisina ng Kura Paroko at Rektor

Parokya at Pambansang Dambana ng 

Sagrado Corazon de Jesus

Cruz na Daan, San Rafael, Bulakan



   Sa mga kabayan kong pari, P. Anacleto Ignacio at Msgr. Enrico Santos, Tu es Sacerdos in Aeternum. Kahit wala namang perpektong pari, maaari naman tayong maging ulirang pari sa ating kapwa pari at sa bayan ng Diyos! Amen.


Mabuhay kayo!

Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.
Dating Pangulo
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.
Unit 118, Bldg. 1, Moldex Residences Valenzuela
Paso de Blas, 1405 Valenzuela City



Para kina: 

Rdo. Msgr. Enrico Santos at Rdo. P. Anacleto Ignacio


   Sino ang nilikhang tao na biniyayaan di lamang ng buhay kaligtasan kundi pati ng napakataas na karangalan ng pagkapari ng Panginoong Hesukristo? Kay dakila ng awa at pag-ibig ng Diyos! Ngayong kayo, Rdo. Msgr. Enrico Santos at Rdo. P. Anacleto Ignacio ay nagdiriwang ng ika-40 na taong pagka-orden bilang pari na naglilingkod sa bayan ng Diyos. Tangi kong malimit na mauusal bilang kamanggagawa at dahil dito talagang kay buti ng Diyos! Salamat sa Diyos! Lalo pa sanang maging masugid at sumidhi ang buhay pananampalataya sa kanilang pagkasugong lingkod sa Simbahan sa gabay at aruga ng Ina ni Hesus!

Pagpalain kayo!

Rdo. Msgr. Vicente Amado Bernardo Manlapig, P.C.
Dating Pangalawang Pangulo
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Opisina ng Kura Paroko
Parokya ni San Pablo dela Cruz
SSS Village, Marikina City

   Isang maligayang pagbati sa inyong ika-40 anibersaryo ng pagkapari Rdo. P. Anacleto “Ety” Ignacio at Msgr. Enrico “Rico” Santos. Nawa ipagkaloob sa inyo ng Poong Maykapal ang katatagan at katapatan sa inyong ministeryo at manatiling pari magpakailanman. Mabuhay po kayo!

Rdo. P. Peter Julian Eymard Cabrera Balatbat
Dating Pangalwang Pangulo
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.




Office of the Parish Priest

Sta. Monica Parish

Sta. Cruz (Pob.), Angat, Bulacan



To: Rev. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.

Rev. Fr. Anacleto Clemente Ignacio


  Msgr. Rico and Fr Ety, Happy 40th Sacerdotal Anniversary! Indeed you are faithful priests of God. He will reward you.

God bless!

Rev. Msgr. Angelito Juliano Santiago, H.P.
Senior Member
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Rev. Fr. Simplicio S. Sunpayco, S.J.
Lucas Infirmary
Loyola House of Studies
Ateneo de Manila University
Loyola Heights, Quezon City

Rdo Padre Ety Ignacio at Rico Santos:

   Pagbati ko sa inyo ay puno ng pasasalamat sa Panginoon na sa loob ng 40 taon kaibigan, kasama at katulong kayo Niya sa pag-aalaga sa mga sambayanang Kristiyano sa iba’t ibang bayan pinaglinkuran ninyo. Araw-araw dulot ninyo sa kanila ang Magandang Balita at ang Eukaristiya. Panalangin ko na magpatuloy ang inyong mabuting gawain lalo na sa mga napapabayaan hanggang ayon sa hamon ng Santo Papa ang pastol ay “mag-amoy tupa” sapagkat nakagumon kasama nila sa hirap at ginhawa!

Inyong kababayan,

Rdo. P. Simplicio Sangalang Sunpayco, S.J.
Nakatatandang Miyembro
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.


Office of the School Director

Our Lady of Peace School

Malabang, Lanao del Sur



To: Rev. Fr. Anacleto C. Ignacio

Rev. Msgr. Enrico S. Santos, H.P.


   Amidst the tempest and storms we journey thru, knowing that we are in the company of season men of God, we are blessed! Fr. Ety and Msgr. Rico, Happy 40th Sacerdotal Anniversary! Keep the fire burning!

Your kabayan,

Rev. Fr. Rogelio Dizon del Rosario, M.J.
Senior Member
Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.



Ika-1 ng Disyembre, 2013



Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon



at



Ika-40 Anibersaryo ng Pagkapari
Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P at
Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio

Parokya ng Sto. Niño
Parada, Sta. Maria 3022 Bulakan

Homilya
Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.

Magandang umaga po sa inyong lahat. Kami po ni Fr. Ety, sabay po kaming naordenahan nito, noong unang araw ng Disyembre, 1973. Tara po dito Fr. Ety, samahan mo ako, nagpapakilala tayo. Muli, magandang umaga sa inyong mga taga-Parada! Tayo po’y magpalakpakan! Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos! Ipinapakita nito na araw-araw ng ating buhay, biyaya ng Diyos iyan. Buti nga po gising pa rin po tayo, biyaya po ng Diyos iyan, ang buhay. Kasi po kung hindi po tayo magigising, hindi tayo mabubuhay. Kaya naman po, pakisabi nga po sa katabi ninyo, “Salamat sa Diyos!” “Salamat sa Diyos!”

Isipin na lang po ninyo iyan, mahalaga ang bawat araw. Ang po ang sabi sa atin ng Panginoon sa Unang Linggo ng Adbiyento, “Ihanda natin ang daraanan ng Pangioon!” Ang tanong po’y ito: “Handa ba tayo?” Tignan po natin ang nangyari sa Tacloban, isipin natin. Kung mangyari nga po ito sa atin, handa po kaya tayo? Magtatanong po ako, kayo po Lolo, ilang taon na po kayo ng asawa mo? (Lolo: 54 taon na po) Tignan n’yo po yan, 54 taon na po silang magkasama. Tignan n’yo yan, kami naman ni Fr. Ety, 40 taon nang naglilingkod bilang mga pari. Kaya po tignan po ninyo, maganda po na dapat bago po kayo matulog sa gabi, dapat po tayo’y nananalangin, nagpapasalamat sa Diyos! Iyan po talaga ang No.1 na dapat nating gawin. Tignan po n’yo yan, palakpakan natin ang Panginoon! Magtatanong po ulit ako kay Lolo .Lolo, paano po naman po bago kayo magdasal, ano po sinasabi ninyo kay Lola? Ano po sinasabi ninyo? Di ba po, “I… love… you!” Tapos po, dapat po may ano? Dapat po may halik, di ba po? Opo dapat po may halik! Gayon po dapat ang uri ng pagmamahal para sa mga asawa. Kasi po, di ba kabayan, sa ating mga pamilya noong bata tayo nasa Hagonoy tayo. Sabi nina Mama at Papa, “I love you!” sabay halik, “Mwah!” Iyon po ang pagpapakita ng pagmamahal, hindi kailangang sinasabi, nararamdaman. Ngayon hindi poi to dapat tuwing katandaan lang. Sa mga nanay po dito, yung pong mga asawa ninyo ay dapat minamahal ninyo at ganun din naman sa mga asawa n’yo. Dapat sinisimulan kaagad yun sa umpisa pa lang, hindi yung kung kalian matanda na, o hindi po yung kailang nasa burol na saka po nagsasabi ng “I miss you” o “I love you.”

Yung tinagal po na iyon na pagmamahal, iyon din naman ang nakikita natin sa Banal na Misa. Ano tawag doon? Sacrifice. Yun pong buhay na ito na ibinigay po natin, na pinagsumikapan natin, kaya ito’y kailangan nating ipagpasalamat! Special po ang bawat araw. Kaya kami po ni Fr. Ety, 40 years, kami po’y nagtagal, pero so what? Hindi lang dapat ngayon, kundi dapat sa bawat araw dapat ay espesyal at dapat ipagpasalamat! Ito’y sapagkat ang bawat araw ay biyaya mula sa Panginoon. E, di kapag po nawala sa piing mo ang isang tao, hindi mo kinausap, nakasama ng matagal, magsisisi ka. Parang sinasabi mo, “Bakit hindi ko nasabing mahal ko siya?” Dito po nakikita, ano po baa ng kailangan pasalamatan? Iyon po ay ang biyaya ng sacrifice. Dapat sa bawat araw, mahalin ninyo ang inyong mga anak at ang inyong mga asawa, kahit po ang inyong mga biyenan. Kayo po ba Tito, may biyenan pa po kayo? (Tito: Meron po.) Mahalin po ninyo Tito! Kaya, it should be every day. Kailangan every day kayo nagpapasalamat sa Panginoon. Dito natin nakikita na God is good! Sabihin po natin ‘yon, God is good! All the time yan. Kaya naman sabihin natin, God is good! Sasagot naman po kayo ng, All the time! God is good! (Mga Mananampalataya: All the time!) All the time! (Mga Mananampalataya: God is good!) Palakpakan po natin ang Panginoon!

Dapat po tayo magpasalamat, sa bawat araw, sa pagdiriwang po ng Banal na Misa – isa itong thanksgiving. Kahit ano pa po ang meron kayo, kung ano po ang kalagayan ninyo, kailangan magpasalamat kayo sa Panginoon! Dahil sabi nga ni San Pablo, In all things, give praise to the Lord. (Sa lahat ng bagay, purihin natin ang Panginoon!) Salbahe man ang asawa mo, magpasalamat ka sa Diyos! Salbahe man ang biyenan mo, magpasalamat ka sa Diyos! Alam po n’yo, galing po ako sa Baliwag, sa Parokya ni San Agustin? Sino ang ina ni San Agustin? Si Sta. Monica, siya ang ina ni San Agustin. Bakit naging banal si Sta. Monica? Isipin na lang ninyo, salbahe ang kanyang asawa, salbahe ang kanyang biyenan, at naging salbahe rin ang kanyang anak na si Agustin. Ano po ang ginawa niya? Hindi po siya nagalinlangan, nagdasal po siya. Ipinagdasal niya ang asawa niya, “Sana po bumait ang asawa ko.” Sa awa ng Diyos, ano nangyari? Bumalik sa Panginoon at ang kanyang asawa, at di lamang iyon, sobra-sobra pa. Alam po n’yo nangyari? Namatay pa siya na kapiling ang Diyos.

Kaya po kapag kapiling po ninyo ang mga asawa at biyenan ninyo, tignan po ninyo – kapag mabait po ang asawa ninyo, happy po kayo, pero kapag hindi po mabait ang asawa ninyo, holy po kayo kasi nagsasacrifice po kayo. Kaya po ibig sabihin niyan, nasa mga tao po iyan, makikita po natin na lahat, mabait man o hindi, may biyaya mula sa Diyos. Kay naman po, there’s nothing special about us. Nagkataon lamang po na kami ni Fr. Ety ay nahirang ng Diyos na maging pari. Pero, in all honesty, mas saludo po kami sa sacrifice ng mga mag-asawa, ng mga pamlya. Sobra po ang sacrifice ninyo! Mayroon po sa inyo, imagine po ninyo, 54, 47 na taon nang magkasama, mas grabe po ang sacrifice. Kaya naman po, please, huwag po ninyo kami ilagay sa itaas. Huwag po ninyo kami ilagay sa harap porket kami ang pari, please po huwag. Malaki po ang sakripisyo nang mga nasa pamilya. Kaya naman po, palakpakan po natin ang lahat ng magulang na nandito ngayon. Kami naman pong mga pari, sa awa ng Diyos, hindi naman napapabayaan, nakakakain pa kami. Ikaw ba Fr. Ety, nakakakain ka pa dito sa parokya? (Fr. Ety: Nakakakain naman) Forty years na kami ni Fr. Ety, mga kapatid. Kaya, kaming dalawa’y nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat mas banal pa tayo, mas mabait pa tayo at mas pinagpapala tayo, dahil kasama natin ang Diyos! Amen.


Mga Larawan ng Pagdiriwang:
Photo Courtesy by: Floriza S. dela Peña
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Unang Linggo ng Adbiyento na pinangunahan ni Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio (Sta. Monica) na Kura Paroko ng Parokya ng Sto. Niño sa Parada, Sta. Maria, Bulakan. 
Ang sama-samang pagdalangin sa Ama sa langit sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng pagiging pari ni Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P. at Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio.
Ang pasasalamat ni Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio sa kanyang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga parokyano sa pagdating sa parokya upang sumama sa pagdiriwang.


















Ang sama-samang pasasalamat ng mga kaklase sa seminaryo nina Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio at ni Rdo. Msgr. Enrico Saguinsin Santos, H.P.


Page 3 of 6
Please press Older Posts for Page 4.

2 comments:

  1. Fr Rico Santos - sexual predator ka..hindi ko malaman kung paano ka tumagal pagsuot ng abito at mag celebrate ng eukaristya...hanggang ngayon hindi malagpasan ng buktima mo ang panghahalay mo. Nasaan ang hustisya sa mga lagim ng likod ng abito mo...

    ReplyDelete
  2. Sana po matulungan nyo kami magkaroon hustisya nangyari sa asawa ko..ilang ulit na sya nagtangka magpakamatay, durog na durog ang kanyang pagkatao at naaapektuhan na ang aming pagsasama dahil sa kanyang bipolar depression... paki imbestigahan po at baka marami pang biktima si Fr Rico sa panghahalay na malaking kasiraan sa Simbahang Katolika..handa po kami humarap kahit saan..pakiusap sana may marating ito...Salamat po...

    ReplyDelete