Ano ba ang Bayang Levitico?
Ang Bayang Levitico: Isang Pagkilala sa mga Paring Anak-Hagonoy ay isang natatanging bahagi ng pahayagang ito na naglalayon na magbigay ng panig para sa mga paring anak-Hagonoy. Gusto nitong bigyang-pansin ang natatanging pamanang kalinangan ng Simbahan na nagmula sa bokasyon ng mga paring anak-Hagonoy na naging dahilan kung bakit tinawag ang bayan sa katawagang Bayang Levitico.
Bawat issue magbibigay ng tuon ang bawat bahagi ukol sa buhay ng piling bilang ng mga pari. Sila ay mga totoong Catholic Hagonoeño na nabuhay, tinawag at nahubog upang sundan ang mga yapak ni Kristo sa pagiging pari para sa Simbahan. Dito lubos nating tuklasin ang ganda at biyaya ng buhay-pari sa pagbabahagi ng ating mga kababayang inordenahan sa pagkapari ni Kristo.
Mga Paring Anak-Hagonoy
Vol. II, Issue 2, August 2013
Rdo. P. Herminio Victoria Dagohoy, O.P.
Sta. Elena, Hagonoy
Rdo. P. Narcisco Torres Estrella, Jr., O.P.
Abulalas, Hagonoy
Maaaring tignan ang artikulong ginawa sa pahayagang ito tungkol sa pagkakatalaga kay P. Dagohoy bilang Rector Magnificus ng Royal and Pontifical University of Santo Tomas, Manila. (Link) |
1.
Ano o anu-ano ang nakapag-impluwensya sa inyo
upang magpari?
Yung
vocation
ko ay hindi naman nalalayo sa kwento ng ibang pari. Yun nga lang,
nabigyan lang ng pansin pagkatapos ko sa kolehiyo. Katulad ng ibang
kabataan, hindi naman ako palagi sa simbahan, wala nga akong
natatandaang nilahukang samahang pansimbahan, religious
organization
o kaya ay naging sakristan man lang. Nagsisimba ako at nagdadasal
pero maliban sa mga ito, wala na akong matandaan. Ang alam ko lang,
bago matapos ang aking kolehiyo at habang ako'y nagre-review
sa aking board
exam,
wala akong interes isipin ang aking career,
nag-aapply
ako sa maraming kompanya pero wala sa aking isip na pumasok at
magtrabaho. Unti-unti nagiging attractive
sa akin yung pumasok sa kumbento. Duon nagsimula ang madalas kong
pagpunta at pagsisimba sa Sto. Domingo Church sa Quezon City kasi
dito dumadaan ang jeep na aking sinasakyan pauwi. Sa halos araw-araw
kong pagdalaw sa Sto. Domingo, nakilala ko ang ilang Dominiko na
siyang nagbigay sa akin ng orientation
sa religious
life.
Kaya bago pa ako kumuha ng board exam, alam ko na kung ano ang aking
gagawin at pupuntahan. Gusto kong maging religious!
2.
Ano o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o
tradisyunal na
debosyon ang
nakatulong upang mas
umunlad ang inyong bokasyon?
Wala
akong maisip, maliban sa malapit sa simbahan ang aking lola at ang
aking mga tiyahin. Noong bata pa ako madalas nila akong isama sa
simbahan, hindi ko alam kung ang mga exposures
na
ito ay naging dahilan, pero dumaan din kasi ako sa panahon o edad na
hindi mo nabibigyan pansin o halaga ang anumang spiritual
activities. Kaya
hindi ako yung "from cradle to the altar type." Basta
dumating lang yung panahon na alam kong magpapasaya at magbibigay
kahulugan sa buhay ko yung pagpasok sa kumbento.
3. Ano po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang
parokya (para sa mga lumaki sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod sa pagpapari?
One
day at a time ang
aking buhay sa convent.
Ibig sabihin, mahabang proseso din ng discerment
ang aking pinagdaanan. Hindi ako yung "ideal
religious",
hindi rin naman ako pasaway. Ginagawa ko lang ng mabuti yung mga
work na naka-assign
sa akin. Hindi rin ako yung "outstanding"
but
definitely I am not complacent.
I
have my own share of struggles, doubts, and disappointments. But one
thing I learned inside the convent is to love myself and accept my
own limitations.
Alam ko kung hanggang saan ako at alam ko kung ano ang kaya kong
gawin. Sa kumbento ko natutunan yung tanggapin at matutunang
makipamuhay sa lahat ng uri ng tao, sa mga apostolates
or ministries
ko nakita kung papaano ka hindi pababayaan ng Diyos, hindi niya
ibibigay lahat pero hindi ka naman niya iiwanang walang-wala.
4. Ano pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga
tumatangkilik sa pahayagang ito upang mas
yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa
pagpapari?
What
made me persevere? Simply grace!
At siguro kung may iba pang dahilan kung bakit ako nananatili dito
sa buhay relihiyoso, yung mga kwento ng mga taong aking na
encounter,
their life stories fired me up to continue believing, their
inspiring stories made me realize how gracious God is. Most of the
time, they showed me the God whom I preach.
1. Ano o anu-ano ang nakapag-impluwensya sa inyo
upang magpari?
Ako ay isang
Pilipinong manggagawa sa Taiwan noong aking masumpungan ang pagtawag
ng Diyos sa akin, taong 1999. Hindi ko pinangarap na maging pari
sapagkat ang nais ko ay ang makapangibang bansa at makapagtrabaho
upang itaguyod ang aking pamilya at para na rin sa aking personal na
mga pangarap. Natatandaan ko noong mga panahon ng aking
pagtratrabaho, mahilig akong pumunta sa sentro ng Taipei kapag tapos
na ako o kung wala akong overtime sa trabaho. Nagbabasa ako ng
libro sa isang coffee bar doon, naglalakad-lakad o kaya naman ay
nagmamatyag sa mga taong nasa paligid ko. Sa mga ganitong pagkakataon
ako naging mapag-isip para sa aking buhay, pangarap man o sa
panghinaharap. Tinatanong ko ang sarili ko kung masaya ba ako sa
kasalukuyan kong kalagayan. Maganda ang kinikita ko sa Taiwan, maayos
naman ang kalagayan ng pamilya ko sa Pilipinas, may maganda akong
relasyon sa aking nobya, at may kaibigan ako sa Amerika na tumutulong
sa akin upang makapagtrabaho doon bilang isang rehistradong nars.
Kung tutuusin, umaayon sa akin ang tadhana dahil abot kamay ko na ang
mga pangarap ko. Masaya ako subalit sa kalooban ko alam ko na hindi
sapat ang mga pangyayaring ito upang maging tutoong masaya ako; alam
ko na may kulang subalit hindi ko ito lubos na maipaliwanag na
kalaunan ay naging isang palaisipan sa akin.
Simula
pa sa pagkabata ay naging madasalin na ako. Ito
ay turo sa akin ng aking Ina at ng aking mga tiyahin na madasalin
din. Pagdarasal ang natural na paraan na ginagamit ko sa mga panahon
ng aking pagdududa o pagkabalisa, katulad na lamang ng sitwasyon na
nabanggit ko. Idinaan ko sa dasal ang katanungan ko at hindi naman
ako nabigo. Makalipas ang ilang buwan ng pag-iisip, pagdarasal at
pag-iisa, natagpuan ko ang aking sarili na tumutugon sa panawagan ng
Diyos sa akin. Maliwanag sa aking puso na tinawag ako ng Diyos upang
‘maglingkod.’ Ang konspeto ng pagpapari ay sumunod na lamang
pagkatapos nito. Masasabi ko na umayon ang bawat pagkakataon mula
nang ako’y tumugon na maglingkod sa Diyos, dahil nakilala ko ang
isang Pilipinong dominikano na naging pastol ng komunidad ng El
Shaddai na kinabibilangan ko noon. Siya ang nagpakilala sa akin sa
Order of Preachers at tumulong sa akin upang makapasok sa komunidad
ng mga Dominikano sa Taiwan.
Bilang
pagbubuod ng mga sinabi ko para sa unang katanungan, ang mga
nakaimpluwensiya sa akin upang magpari ay ang mga sumusunod:
1.
Ang aking paghahangad na tuparin ang mga
pangarap ko.
pangarap ko.
2.
Ang pagtuturo sa akin ng aking Ina at mga tiyahin na
maging
madasalin.
3. Ang ugali ko na minsan
ay mapag-isa at magnilay.
4. Ang mga pangaral na
narinig ko sa paring Dominikano na
gumabay sa akin.
2. Ano o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o
tradisyunal na debosyon ang nakatulong upang mas
umunlad ang inyong bokasyon?
a.
Ang sama-sama naming pagdarasal ng rosary o Angelus
sa bahay man o paaralan.
b.
Ang sama-sama naming pagsisimba
bilang pamilya tuwing araw ng Linggo at pistang pangilin.
bilang pamilya tuwing araw ng Linggo at pistang pangilin.
c.
Ang pagnonobena sa patron ng aming baryo o sa Mahal
na Birhen lalo
na tuwing buwan ng Mayo at Oktubre.
d. Ang pagbabahagi ng
Salita ng Diyos sa isang maliit o
malaking grupo.
3. Ano po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang
parokya (para sa mga lumaki sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod sa pagpapari?
Nag-aral
at nagtapos ako ng high
school sa
paaralan ng aming parokya, ang SACHS (St. Anne's Catholic High School) na ngayon ay kilala na bilang
SACS (St. Anne's Catholic School). Sa paaralan na ito ako nahubog upang magamit ko ang mga
natutuhan kong pagdarasal sa aking ina. Nuon,
madalas akong maging punung-abala sa mga dasal, misa at proyektong
may kinalaman sa debosyon o pananampalataya sa SACHS.
Ako
din ay isang miyembro ng koro sa parokya ni Sta Ana. Ang
aming grupo, ang Immaculate
Conception Choir
(ICC), ay kumakanta sa Banal na Misa tuwing Sabado ng hapon. Bilang
isang miyembro ng korong ito, mas lalo kong natutuhan kung papaano
makisalamuha at makisama sa kapwa at makapaglingkod sa Diyos.
Ang
mga taunang prusisyon ng bayan, lalo na ang Mahal na Araw, na kung
saan ay tumutulong at sumusunod kami sa ‘karo ng Poon’ ng aking
tiyahin. Malaking tulong ito sa akin upang pahalagahan ang debosyon
at kultura ng aming angkan at ng parokya.
4. Ano pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga
tumatangkilik sa pahayagang ito upang mas
yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa
pagpapari?
Para
sa akin, magandang umpisahan ang pagtuturo ng dasal at mga debosyon
sa inyong mga anak, kamag-anak o kakilala habang sila ay maliliit pa.
Hindi man nila ito masyadong maintindihan at seryosohin ngayon,
balang araw ay may tiyak na matatandaan nila ang mga ito at
babalikan. Higit kailan pa man, mas lalo natin silang tutukan ngayon
dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya, na-aagaw nito ang
isipan at wili ng mga bata at kabataan. Tuloy, ang mga tradisyon
natin, lalo na ang patungkol sa pananamapalataya ay hindi na nagiging
kaaya-ayaya sa kanila. Mas
pipiliin nila ang maglaro, magtelepono, mag-internet kaysa dumalo sa
gawaing pangsimbahan.
Palagian
sana tayong magtatag o dumalo sa mga gawaing pansimbahan upang mas
makaakit tayo at makapagbigay daan sa pagpapalaganap ng debosyon,
gayun din ng pagtuturo ng mga aral ng Simbahan. Para sa mga
‘matatanda’ ng simbahan, sila dapat ang magpasimula at magtalaga
ng mga gawain na ito upang mahikayat natin ang marami lalo na ang
mga kabataan ng ating parokya. Ang mga kabataan ay hindi lamang
pag-asa ng ating bayan bagkus gayun din lalo na ng ating Simabahan.
Magpalaganap
at suportahan ang mga gawain ng ating parokya o komunidad tungkol sa
pagbabasa, pagsasalu-salo at paghahayag ng Salita ng Diyos. Ayon
kay San Pablo, nag-uumpisa ang pananampalataya sa pakikinig sa
mensahe, lalo na sa mga mensahe ng ating Panginoon (Rm 10.17).
Ugaliin sana
nating buksan ang ating Bibliya at basahin at pagnilayan ang mga
Salita ng Diyos. Huwag natin itong ikahiya, lalo na ang hayaan na
maging isang palamuti lamang ito ng ating ‘altar’ sa bahay kung
saan ang alikabok lamang ang nakikinabang.
Suportahan
natin ang mga gawain ng Parokya (ng kura paroko o Obispo), lalo na sa
pinasyal na aspeto. Ang parokya ay hindi sa kura paroko o sa Obispo
kundi para sa mga mananampalataya. Huwag tayong mag-atubili o
manghinayang na magbigay ng tulong, sa gawa man, talino at talento o
sa pinansyal man sapagkat para rin ito sa ating pag-unlad, personal
man o pang komunidad. Higit
sa lahat, kinalulugdan ng Diyos ang mga taong mapagbigay.
Maglaan
ng panahon na manalangin para sa Simbahan at sa mga ministro ng
Simbahan. Gayun din, para sa bokasyon sa pagpapari, pagiging
relihiyoso at pagmamadre. Ang
bokasyon ay isang regalo mula sa Diyos. Ang obligasyon natin ay
tanggapin ito. Subalit ito din ay ating misyon – na maging
kasangkapan o daluyan tayo ng biyayang ito para sa mga pinili,
hinirang o itinalaga ng Diyos para sa tawag na ito.
No comments:
Post a Comment