Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 24, 2014

PORTFOLIO/MGA LARAWAN: Ang Prusisyon ng mga Misteryo ng Santissimo Rosario


Mula sa Editor: Isa itong pagpaparangal na Mahal na Ina sa pamamagitan ng pagganap ng mga imahen na ginagamit sa iba't ibang kaganapan tulad sa Mahala na Araw at sa Flores de Maria bilang mga misteryo ng Sto. Rosario. Pinamunuan ito ng Hermandad dela Asociada y delas Flores de Maria de Hagonoy noong ika-28 ng Oktubre, 2013. 

Photo Courtesy: 
Virgilio M. Bautista, Ulysses Ernesto F. Reyes, John Andrew C. Libao at Arvin Kim M. Lopez
(Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)

Pagpapaliwanag: 
Presentacion D. Imbang (Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana)

ANG MGA MISTERYO NG SANTISSIMO ROSARIO

Mga Misteryo ng Tuwa:


UNANG MISTERYO NG TUWA:
Ang Pagbati ng Anghel Gabriel kay Santa Maria



Ang pagbati ng Anghel Gabriel kay Maria – sinabi ng anghel kay Maria na siya ang hinirang ng Panginoon at magiging tagapagdala ng Anak ng Diyos. Siya ay napupuno ng grasya at dahil dito sinunod ni Maria ang kalooban ng Panginoon.
IKALAWANG MISTERYO NG TUWA:
Ang Pagdalaw ni Santa Maria Inang Birhen kay Elisabet



Buntis ng anim na buwan si Elisabet na pinsan ni Maria at inalagaan niya ito haggang sa manganak si Juan Bautista.
IKATLONG MISTERYO NG TUWA:
Ang Kapanganakan ng Panginoong Hesukristo sa Bethlehem



Ang Pagkapanganak kay Jesus ni Maria – Nanganak ang Ina ng Diyos sa isang sabsaban sa Bethlehem isang gabi at iniluklok Siya roon, ang Hari ng Sanlibutan.
IKA-APAT NA MISTERYO NG TUWA:
Ang Pagdadala sa Panginoon sa Templo ng Herusalem



Sa tradisyon ng mga Hudyo, dinadala ang anak sa Templo upang ialay sa Diyos. Sa pagdadala nina Jose at Maria kay Jesus, naging pasasalamat nila ang pagsilang sa bata.
IKALIMANG MISTERYO NG TUWA:
Ang Pagkakakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem



Ang Pagkawala ni Jesus at ang pagkakita sa Templo – dito nagprusisyon silang mag-anak mula sa Jerusalem at napansin nilang nawawala si Jesus. Nakita nila si Jesus na kasama ang mga matatanda ng bayan sa Templo at nangangaral. Nagtaka ang mga tao sa kanyang karunungan, na sa murang edad ay alam na Niya ang napakaraming bagay. 


Mga Misteryo ng Liwanag:


UNANG MISTERYO NG LIWANAG:
Ang Pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan



Ang Pagbibinyag ka Jesus – sa Ilog Jordan, sa edad na tatlumpu, nagpabinyag si Jesus kay Juan Bautista. Nagbukas ang kalangitan at narinig ang tinig ng Diyos na nagsasabi na iyan ang Anak kong minamahal na lubos kong kinalulugdan. Dito nagsimula ang pagpapahayag ni Jesus sa Kanyang tatlong taon na ministeryo.



IKALAWANG MISTERYO SA LIWANAG:
Ang Kasalan sa Cana



Ang Kasalan sa Cana – dito gumawa ng unang milagro ang Panginoon sa pagkaubos ng alak sa pagtitipon. Pinagsabihan ni Maria si Jesus na tulungan ang mag-asawa dahil mapapahiya sila. Iniutos ni Jesus na magdala ng mga tapayan ng tubig at noon Siya nagdasal at ito'y naging alak.
IKATLONG MISTERYO NG LIWANAG:
Ang Pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos



Ang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kaharian ng Kanyang Ama – sa pangangaral ni Jesus, ipinahayag Niya ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Sa pagkakarinig nito, maraming tao ang nagsipagtalima at nagbago.
IKA-APAT NA MISTERYO SA LIWANAG:
Ang Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesukristo



Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus – sa pag-akyat Niya kasama nina Pedro, Juan at Santiago sa bundok ng Tabor, nakita nila na nagningning ang kasuotan ng Kristo. Lumitaw sina Elias at Moises na pawag mga katuwang ng Tagapagligtas at naging pagpapakita ng kaligtasan sa mga alagad.
IKALIMANG MISTERYO SA LIWANAG:
Ang Huling Hapunan ng Panginoon at ng mga Alagad



Ang Pagtatatag ni Jesus ng Banal na Eukaristiya – sa Huling Hapunan sa panahon ng Paskwa, tinipon ni Jesus ang mga alagad, nagsalu-salo at dito Niya itinalaga ang mga ito upang alalahanin Siya sa paghahati-hati ng tinapay at sa paginom sa kopa ng alak.


Mga Misteryo ng Hapis:


UNANG MISTERYO NG HAPIS:
Ang Pananalangin ni Hesus sa Hardin ng Herusalem



Ang Panalangin sa Halamanan ng Hetsemani – Dito nagsimula ang pagpapakasakit ng Panginoong Jesukristo kung sana nanalangin Siya para sa pagpapalakas mula sa Ama. Sa pagkakadakip sa Kanya ng mga Hudyo, lumabas ang taksil na si Judas at hinalikan ang Kristo bilang pagpapakilala.
IKALAWANG MISTERYO SA HAPIS:
Ang Paghahampas kay Hesus sa Haliging Bato



Ang Paggapos kay Kristo at paghahagupit sa Haliging Bato – Sa pagdurusang nakamit mula sa mga pagbibintang sa Kanya, Siya'y pinalo, tinandyakan at pinahirapan.
IKATLONG MISTERYO SA HAPIS:
Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik kay Hesukristo



Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik kay Jesus – sa pagdaloy ng dugo sa katawan ni Jesus, hinubaran Siya ng damit at sinuotan ng pula, sinuotan ng koronang gawa sa tinik at idiniin sa Kanyang ulo, pinagmalupitan at hinamak ng mga sundalo.

IKA-APAT NG MISTERYO SA HAPIS:
Ang Pagpapasan ni Hesukristo ng Krus



Pagpasan ni Jesus ng Krus – sa daan patungong Golgotha, ipinadala kay Jesus ang krus. Siya'y tinadyakan, tinulak at tatlong beses Siyang nadapa sa harapan ng madla.
IKALIMANG MISTERYO SA HAPIS:
Ang Pagpako at Kamatayan ni Hesukristo sa Krus



Ang Pagpako kay Jesus sa Krus – ang naging pagdurusa ng Kristo ay umabot sa rurok nito sa pagkapako Niya sa Krus. Kumalat ang dugo at sinibat Siya ng sundalo kung saan lumabas ang dugo at tubig mula sa Kanyang tagiliran. Dito Niya sinabi ang kanyang mga huling wika at nalagutan ng hininga.


Mga Misteryo ng Luwalhati:


UNANG MISTERYO SA LUWALHATI:
Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo



Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus – sa ikatlong araw mula noong Siya'y mamatay, sumilaw ang liwanag sa libingan ng Kristo. Hinanap Siya dito ng dalawang babae, ngunit di Siya madatnan. Dumating ang mga anghel upang sabihin sa kanilan na Siya'y muling nabuhay. Nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena at pinagsabihan itong pupunta Siya sa lupain ng Galilea.
IKALAWANG MISTERYO SA LUWALHATI:
Ang Pag-akyat ni Hesukristo sa Kalangitan



Ang Pag-akyat ni Jesus sa Kalangitan – sa takdang oras, itinagubilin Niya ang Kanyang pamana sa mga alagad at bumalik sa piling ng Ama sa kalangitan.
IKATLONG MISTERYO SA LUWALHATI:
Ang Pagbaba at Pagbabasbas ng Banal na Espiritu kay Maria at sa mga Apostol



Ang Pagpanaog ng Banal na Espiritu kay Maria at sa mga Apostol – sa pagtitipon ng mga alagad, dumating ang ipinangako ni Jesus, ang Espiritu Santo na nagbigay sa kanila ng kakayahan na ipangaral ang Mabuting Balita ng may kapangyarihan at dito nagsimula ang Inang Simbahang Katolika.
IKA-APAT NA MISTERYO SA LUWALHATI:
Ang Pag-aakyat kay Maria sa Kalangitan



Ang Pag-aakyat kay Maria sa Kalangitan – sa takdang oras din, isinama ni Jesus ang kanyang Inang walang bahid ng kasalanan. Katawan at kaluluwa, buo siyang iniakyat sa langit na tahanan.
IKALIMANG MISTERYO SA LUWALHATI:
Ang Pagpuputong ng Korona kay Maria bilang Reyna ng Kalangitan at ng Lupa



Ang Pagpuputong kay Maria ng Korona bilang Reyna ng Langit at Lupa – sa piling ng Santissima Trinidad, iniluklok si Mariang kalinis-linisan at naging Reyna sa langit na tahanan at sa lupa na naging tahanan.


Ang Pagpaparangal at Pagpuputong ng Korona sa
Nuestra Señora del Santissimo Rosario


Ang Paglalagay ng Rosaryo at Pagpuputong ng Korona sa Imahen ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario
Ang Pag-awit ng Salve Regina at ang Pagpaparangal kay Maria sa pangunguna ni Rdo. P. Juvenson C. Alarcon, Katuwang na Pari, Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana.
Ang Paglagak sa Nuestra Señora del Santissimo Rosario sa carroza para sa Prusisyon ng mga Misteryo ng Stmo. Rosario.

No comments:

Post a Comment