Mula sa Editor: Isang magandang tradisyon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang Simbang Gabi, isang natatanging nobenaryo sa karangalan ng parating ng Diyos Anak na si Hesus at pati na rin sa paglilihi ng Mahal na Birheng Maria. Isang pagpapakita ng tradisyong ito na ginagawa sa mga parokya sa Hagonoy ang tulang ito.
SIMBANG GABI
Hangin
ay mahalumigmig
Tubig,
kahit walang yelo'y malamig
Sa
balana'y nagpapahiwatig
Kapaskuha'y
nasa paligid.
Buong
mundo'y nagdiriwang
Pagsapit
nitong araw at buwan
Dakilang
petsa ng kapanganakan
ni
Kristong Bunyi at Hirang.
Madlang
Hagonoeño, hindi babayaang
Pagsilang
ng Anak ng Maykapal
Humayo
at dumatal
Nang
ganuon lamang.
Kaugaliang
iniwi at inalagaan
Ng
sangka-kristiyanuhan
Pinagyaman
nitong ating bayan
Simbang
gabing pinagpupuyatan.
Ito,
ayon sa kasaysayan
Pagbibigay-pagkakataon
ng kastilang kaparian
Sa
mananampalatayang tanan
Makapagsimba
bago tumungo sa kabukiran,
o
tumugpa sa karagatan.
Pasasalamat
sa patuloy na biyaya
Kaalinsabay
ng paghingi ng awa
Basbas
sa huli at aning masagana
Bunga
ng pagsisikhay at pagtitiyaga.
Ayon
pa sa ipinamanang bilin
Sa
pagsisiyam na walang liban
Asahang
matutupad at kakamtin
Itinaas
sa Diyos na kahilingan.
Mula
nuon hanggang ngayon,
Laging
hintay, ganitong okayon.
Gabi
pa'y handa na ang kauotan
Hinihintay,
alarma ng kalikasan.
"Tik-tilaok!",
tili ng manok - ang inaabangan
Hudyat
ng pagbangon, pagbibihis ng agaran
Upang
mauna sa simbahan
Baka
maubusan ng upuan.
Maliwanag
sa daan
Masinag
pa ang buwan
Sama-sama,
pamilya at barkadahan
Naglalakad,
walang patid ang kuwentuhan.
Patyo
ng simbahan
Naglalagablab
sa ilaw na kawan-kawan
Nag-aanyaya
sa buong bayan
"Halina
at tayo'y magdiwang."
Di
mawawaglit sa isipan
Bibingka't
puto bumbong, may libreng mainit na tsaa
Mabibili
paglabas, matapos ang misa
Sa
agahan, mag-anak, ito'y pagsasaluhan.
Banal
na Misa ay buhay
Awitin
ay masasayang tunay
Ginigising
pananampalatayang wari'y maibay
Upang
manumbalik, sigla ng malay,
Damdaming
nagpanibago,
Sigla
ang baon paglabas ng simbahan
Tila
bagong tao
Pagdating
sa tahanan.
Lundo
ng nobenaryo
Kasiyahang
todo-todo
Isang
Misa de Aguinaldo
Pagpupuri
sa Mahal na Kristo.
Photo Courtesy: John Andrew C. Libao
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
Sto. Niño, Hagonoy, Bulakan
Page 6 of 6
Please press Older Posts for the October Special Issue.
No comments:
Post a Comment