Mula sa Editor: Tungkol sa tradisyon ng pagdarasal ng Orasyon o ang Angelus sa Hagonoy na naging kasanayan na ng mga pamilya, lalao na sa kabayanan ang tulang ito. Ipinapakita nito ang halaga ng pagsunod sa mga dasal ng Simbahan at sa pakikinig sa tunog ng kampana.
ORASYON NA!!!
Turong
namulatan at aking nakita
Sa
mahal kong ina at lola
Pagdarasal
ng "Orasyon"
Tatlong
beses maghapon.
Paggising,
sa ika-anim ng umaga
Sa
tanghali'y ikalabindalawa
Ika-anim
din ang pagkakataon,
Pagsapit
ng dapit-hapon.
Pagbatingaw
ng kampana sa mga oras na naturan
Mananampalataya'y
haharap sa simbahan
Ititigil
gawain, kahit ano pa man
Sa
kalsada o tahanan
Saan
man abutan
Orasyon,
inuusal
Nagpupugay,
nagbibigay-dangal
Sa
Inang Birheng minamahal.
Orasyon
ay panalangin, nagsasaysay sa atin
Kung
paanong ang Mahal na Birhen,
Binati
at pinagpahayagan
Ng
anghel, Gabriel ang ngalan -
Maria,
ikaw aniya'y pinagpala
Maglilihi,
sa sinapupuna'y ipupunla
Anak
ng Diyos na Dakila
Sa
santinakpa'y magliligtas, kaipala.
Birhen
Maria, masunuring anak ni Ana
Yumuko
at tinanggap, atas sa kanya;
Kahit
sa gunam-gunam, nakikini-kinita
Pasakit
na madarama
Balaraw
na sa puso'y matatarak mistula
Masaksihan,
paghihirap ng Anak na Sinta
Bilang
pagtupad sa utos ng Diyos Ama
Na
pagliligtas sa santinakpang may sala.
Kaya't
pagtugtog ng kampana
Sa
atin ito'y nagbabadya
"Orasyon
ay dasalin na!"
Sa
tana'y nagsisilbing paalala
Walang
hanggang pag-ibig ng Bathala
At
walang pasubaling pagsunod ni Maria
Katuparan
ng pangakong tao'y isasalba
Upang
sa langit, tayo'y magkasama-sama.
Photo Courtesy: Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Publication Director
No comments:
Post a Comment