Ang
mga Katoliko ay maraming pinaniniwalaang mga taong banal o kung
tawagin natin ay mga mga santo. Bahagi ito ng kulturang minana pa
natin sa mga Kastila na kung saan mayroong mga halimbawa tulad nila
na siyang mga naging inspirasyon ng mga Katoliko sa buhay. Bawat isa
ay may itinatanging pintakasing mga santo, kung minsan pa nga ay
kinikilala nilang ninong o ninang nag mga santo at santa. Sila ang
tumutulong upang manalangin sa Panginoon para makamit o makamtan ang
natatanging kahilingan. May mga Santo na kani-kaniyang kataga o
titulo. At tulad ng mga Santo sa bayan ng Obando, Bulakan sa kanila
lumalapit upang humingi ng panalangin sa kanilang kahilingan upang
mgkaroon ng anak o supling. May mga patrong naging gabay na
tumutulong upang higit na mas mapabilis ang pagtugon ng Panginoon sa
pagbibigay o paggawad ng kahilingan ng tao.
Ang
Barrio ng Dita:
Isang
Pagbabalik-tanaw
Naisulat
na sa isa sa mga artikulong ginawa tungkol sa barrio ng San Pascual
ang tungkol sa kasaysayan ng visita ng Dita. Ayon sa artikulo ni El
Gideon G. Raymundo (Ang Ika-105 Taong Kapistahan ni San Pascual Baylon):
“Dita
ang dating pangalan ng pook sa dulong bahagi ng matandang nayon ng
Sto. Rosario na dulo rin ng Hagonoy, sapagkat matatagpuan rito ang
maraming halamang mapait na kung tawagi`y Dita. ang pook na ito ay
isang masukal at tunay na malayo sa kabayanan, sinasabi sa isang
librong sinulat ng yumaong Msgr. Aguinaldo na tubo sa lugar na ito,na
ang halos kabuuan ng lupain ng dita ay pagaari noon ng mga Trillana
sa Mercado at binili ni Padre Mariano Sevilla na siya namang nagbenta
sa mga sinaunang nanirahan sa lugar na iyon, sinasabing noong taong
1907 ay nagdala ang kura ng Sta. Ana na noon ay si Padre Mariano
Sevilla ng isang maliit na imahen ni San Pascual Baylon at iniutos na
maging siyang patron ng bagong nayon, kaya't kaagad agad ay nagpagawa
ng isang bisitang dampa ang mga taga rito at itinampok nila ang
Imahen ni San Pascual na ibinigay ng Kura, dinagdag rin ng mga taga
rito ang isang maliit na imahen ni Santa Clara at ng Mahal na Birhen
ng Lourdes upang maging pintakasi rin ng bagong nayon.”
Nakatala
dito ang makasaysayang pagluklok kay San Pascual Baylon bilang patron
ng lugar na ito. Malaki ang kinalaman nito sa pagbabago sa bayan.
Ayon sa isang panayam kay Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr., paring
anak-Hagonoy at dating Kura Paroko ng Parokya ng Nuestra Señora del
Santissimo Rosario, may isang pangyayari na nagdulot nito. Kilala
noon ang lugar na tinawag na Dita dahil sa punong may parehong
ngalan. Ayon kay P. Lina, nilalaga ang mga dahon ng punong ito upang
gawing tsaa na naging panlaglag sa mga batang hindi pa ipinapanganak.
Upang sugpuin ang gayong kaisipan, naisip ni P. Mariano Sevilla na
noo'y tumulong sa pagbuo ng barriong ito na ilagay ito sa
pangangalaga ni San Pascual Baylon. Si San Pascual Baylon kilalang
banal at may malaking debosyon sa Banal na Sakramento. Ngunit isa rin
siya sa mga patrong nahihilingan sa pagkakaroon ng anak. Ang apelido
niyang Baylon (bailon) ay nangangahulugang "SUMAYAW" na
siyang ginagawa sa parokya na nakapangalan sa kanya, ang Parokya ni
San Pascual Baylon sa Obando, Bulakan.
Ang
mga Pransiskanong Santo at ang Barrio ng Dita
Sa
pagsusuri sa naganap, dito makikita ang pinaghuhugutang dahilan sa
paglaganap ng debosyon sa mga Pransiskano. Sa simbahan ni San Pascual
Baylon sa Obando na itinatag noong 1754 bilang visita ng Parokya ni
San Francisco de Asis sa Meycauayan ng mga prayleng Pransiskano
nagmula ang debosyong ito. Tradisyunal sa bayan ng Obando ang
pagindayog para sa panganganak na naging tatlong araw na kapistahan
simula ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo. Malaki ang naging epekto ng
debosyon na ito sa pag-unlad ng pamimintuho ng mga taga-San Pascual
sa nasabing patron, kasama na ng dalawa pang patron sa Obando, ang
Nuestra
Señora de Inmaculada Concepcion de Salambao at
si Sta. Clara de Asis.
Ayon
sa kwento ng ilang matatanda may isang tindero ng alimango sa bayan
ng Hagonoy ang nagpakita sa isang mag-asawa. Sinabi nitong sila ay
patungo sa karatig bayan, sa bayan ng Obando sa ikalawang linggo ng
Mayo. Nag-alay sila ng panalangin at sumayaw sa daan o yong tinatawag
na Fertility
Rites
at ginawa nga ng mag-asawa ang bilin ng tindero ng alimango. At
laking gulat nila ng makita nilang ang tindero ng alimango ay kamukha
ng isang santong nakalagak sa altar at sila ay biniyayaan ng isang
anak na lalaki.
Ang imahen ni San Pascual Baylon ng Visita ni San Pascual Baylon sa Hagonoy, Bulakan. |
Ito
ang dahilan kaya sa loob ng 106 na taon nang pagiging visita ng
pamayanan ng Brgy. San Pascual, Hagonoy, sumikat ang debosyon sa mga
santong Pransiskano na pinasikat mula sa Obando, isang lupaing
pinangalagaan ng mga Pransiskano. Kaya naman mistulang lugar na
Pransiskano ang barriong ito ng Dita sa kabuuan ng Hagonoy na hango
naman sa pangangalaga ng mga Agustino simula pa noong 1581.
Makikita
dito ang dahilan kung bakit ang ating mga santo ay hindi lamang sa
isang lugar mayroon. Ang pagkalat ng debosyon ng mga tao ang ugat ng
pagkakaroon ng mga santo sa isang lugar at sa iba pang lugar. Ang
pagdedebosyon magpasa hanggang ngayon ay dala-dala parin parin mga
bawat Katoliko. Bagamat nawawala na sa ilan, marami parin ang
naniniwala at namamanata na ipagkakaloob ang kanilang natatanging
kahilingan sa Panginoon sa tulong ng mga dasal at panalangin ng
kanilang patrong pinipintakasi.
Photo Courtesy: Elena V. Macapagal
Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario
Sto. Rosario, Hagonoy, Bulakan
No comments:
Post a Comment