Si
San Martin ng Porres ay isinilang noong ika-9 ng Disyembre, taong
1579 sa Lima, Peru sa Timong Amerika. Mula sa pagiging isang maitim
na alipin, isa siya sa mga naging unang santo mula sa Timong Amerika.
Siya rin naman ay kilala bilang isa sa mga pinakasikat sa mga
Dominikong Santo. Siya ay nakilala sa mga kahanga-hanga niyang
panggagamot sa mga maysakit, lalo na sa mga bata. Namatay noong ika-3
ng Nobyembre sa kanyang sinilangang bansa. Iyon din ang araw ng
kanyang kapistahan na ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika taun-taon.
Ang parola ng bayan ng Hagonoy, Bulakan kung saan ginaganap ang Pistang Dagat sa karangalan ni San Martin de Porres. |
Sa
Parokya ni Sta. Elena sa Hagonoy, sa dakong Isla ng Pugad ,mahigit na
sa apatnapung taong nang ipinagdiriwang ang kapistahan na ito San
Martin. Espesyal at naiiba ang pista na ito sapagkat ito ay “Pista
sa Dagat” o kaya naman ay “Pistang Dagat.” Ayon sa matandang
kuwento, taong 1970 noong ito ay pinasimulan ng mga Misyonerong Madre
na nagmula pa sa Pakistan. Sa pangunguna ni Sr. Ofcillion at mga
kasama pinasimulan ito sa isla ng Pugad dahil noong panahong iyon ay
masyadong hitik at sagana ang kabuhayan sa dagat, maging sa ilog ng
Hagonoy. Kaya naisipan ng mga Misyonerong Madre na magdiwang ng
pistang pasasalamat sa karagatan para sa karangalan ni San Martin ng
Porres. Simula noon hindi naputol at naging tradisyon na ang
kapistahan sa dagat.
Ang pagsama-sama ng mga bangka na may sakay na mga mananampalataya ng Pugad at mga kapwa-barrio na sakop ng Parokya ni Sta. Elena Emperatriz na naghahanda para sa Banal na Misa. |
Dinala ang imahen ni Apo Elena sa bangka upang makasama sa pagdiriwang ng Pistang Dagat sa isla ng Pugad, Hagonoy. |
Nito
lamang ika-6 ng Nobyembre sa ganap na ika-2:00 n.h. ay muling
ipinagdiwang ang Pistang Dagat. Sa halip na ika-3 ng Nobyembre,
isinagawa ito noong ika-6 ng Nobyembre araw ng Sabado ang dahilan ay
itinapat ng araw ng Misa sa Isla. Habang nagtitipon ang mga bangka
inumpisahan ito sa simpleng pagoda habang inaantay ang iba pang mga
dadalo nag-iikot ikot ang mga bangka sa bukana ng dagat na tila nag
iimbita pa ng mga bangka. Naki-isa ang iba’t ibang samahan, ang
Isla ng Tibaguin, Brgy. Sagrada Familia, pati na ang mga taga-Sta.
Elena, lalo na ang buong suporta ng buong Isla ng Pugad. Matapos ang
pagoda nagtipon ang mga bangka malapit sa Parola ng Isla, para doon
mismo isagawa ang Banal na Misa. Ang lahat ng patron na sakop ng
Parokya ni Sta. Elena, ay nakasakay sa isang sudsod na bangka na
nagsilbing Altar. Nakaikot sa sudsod ang maraming mga bangka. Ang
Banal na Misa ay pinangunahan ng dating kura paroko na si Rdo. P.
Efren G. Basco. Sa kanyang homilya binigyan niya ng diin na
ipanalangin naming ang mga taga Tacloban at ang iba pang sinalanta ng
Bagyong Yolanda. Dahil noong araw na iyon ay kasalukuyang dinaranas
ng mga ito ang pananalasa ng Bagyon na siyang pinaka malakas na bagyo
sa buong mundo. Sinabi din ni P. Basco na dapat kaming magpasalamat
dahil hindi natin naranasan ang ganoong kalamidad. Lalo na ang mga
biyayang aming natatanggap lalo na sa dagat mga biyayang galing sa
Panginoon. Kahit na malakas ang hangin at may alon, pinagpala kami
dahil makulimlim man ay hindi umulan. At naging matagumpay ang
pagdiriwang ng kapistahan.
Ang bangka kung saan nakahanda ang imahen ni San Martin de Porres, gayun din naman kasama ang altar ng pagdiriwang. |
Natapos ito sa payak na salu-salo sa mga
bangka. Sadyang dito ipinapakita na sa lahat ng biyayang tinanggap ng
mga taga-Hagonoy, ito ay walang iba kundi ang katubigan na kung saan
hinihingi lagi ng mga anak ng Pugad ang pagpipintikasi ni San Martin
de Porres.
San
Martin de Porres, Ipanalangin mo kami!
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang
Parokya ni Sta. Elena Emperatriz
Sta. Elena, Hagonoy, Bulakan
No comments:
Post a Comment