Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Friday, January 24, 2014

PAGKILALA/TRIBUTE: Sulyap ng Virgen: Ang Mga Pagpakita ng N.S. dela Purisima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy



   Sa loob ng taong ito, naimibitahan ang imahen ng Mahal na Ina bilang Nuestra Señora del Purissima dela Inmaculada Concepcion de Asociada de Hagonoy o mas kilalang sa titulong Nuestra Señora dela Asociada sa iba’t ibang exhibit sa labas ng bayan ng Hagonoy. Minarapat na gawin ito upang ipalaganap ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa titulong ito. Kinikilala ang may halos 150 taong gulang na imahen ng Nuestra Señora dela Asociada bilang ikalawang patrona ng parokya, kasunod ni Sta. Ana na ina ng Mahal na Birheng Maria. At sa mga pagkakataong nabanggit, ninais ng tagapangalaga ng imahen na si Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr. na mas ipakita sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng debosyon at pamanang kalinangan ng Simbahan, lalo na sa pamimintuho sa Mahal na Ina.


Unang Pagpakita:
Maria: Kanlungan ng Pag-ibig ng Diyos
Parokya ni Sta. Isabel ng Unggaria
Sta. Isabel, Lungsod ng Malolos

Kapansin-pansin ang orihinal na kasuotan ng N.S. dela Purisima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy na karaniwang nakikita tuwing siya ay inilalagak o isinasalida.
   Unang nasulyapan ang Virgen dela Asociada sa kauna-unahang exhibit ng mga imahen ng Mahal na Ina sa bulwagan ng Parokya ni Sta. Isabel ng Unggaria sa Lungsod ng Malolos. Ang nasabing exhibit ay may temang Maria: Kanlungan ng Pag-ibig ng Diyos. Inumpisahan ito noong ika-30 ng Agosto sa pasimula ng nobenaryo para sa Kapistahan ng Kapangakan ng Mahal na Birheng Maria hanggang ika-7 ng Setyembre, ang Vesperas Mayores bago ang kapisthaan. Sa pagtatapos ng nasabing exhibit, nagkaroo ng isang maringal na prusisyon sa karangalan ng araw ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.


Ikalawang Pagpakita:
Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion
Parokya ng Inmaculada Concepcion - Katedral at Basilika Minore
Sto. Ni
ño (Pob.), Lungsod ng Malolos

Kapansin-pansin ang kakaibang kasuotan ng
N.S. dela Purisima dela Inmaculada Concepcion dela Asociada de Hagonoy.
   Sa ikalawang pagkakataon naman ay muling nasulyapan ang Virgen dela Asociada sa Parokya ng Inmaculada Concepcion – Katedral at Basilika Minore sa kabayanan ng Lungsod ng Malolos. Binuksan ang nasabing exhibit noong unang araw ng nobenaryo sa karangalan ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria. Nilahukan ang exhibit nang iba't ibang imahen ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang titulo bilang Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion. Kilala ang simbahan ng Malolos na itinatag noong taong 1580 bilang luklukan ng Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion de Malolos Coronada na kinoronahan sa pagbukas ng Ginintuang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos noong ika-10 ng Marso, 2012. Ipinakita dito sa exhibit na ito ang iba't ibang bersyon ng imahen ng Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion sa buong pilipinas tulad ng La Purissima Concepcion ng Sta. Maria, Bulakan, La Purissima Concepcion ng Malabon, Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje ng Antipolo, Nuestra Señora de Caysasay ng Taal, Batangas, Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje ng Antipolo, Nuestra Señora de Inmaculada Concepcion de Salambao ng Obando, Bulakan atbp. Bilang imahen ng Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion sa Hagonoy, naging gampanin ng Virgen dela Asociada na maging kinatawan na imahen ng Birheng Kalinis-linisan mula sa ating bayan.

   Dahil ang ating bansa ay binansagang Pueblo amante de Maria o “Bayang Sumisinta kay Maria”, ipinapakita ng debosyon ito kay Mariang Inang Birhen na tayong mga Pilipino Katoliko ay tunay na nagmamahal sa kanya. Sa kanyang pagiging Inang Mahal ni Kristo na ating Manunubos, nagiging mas malapit tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pamimintuho sa kanyang Ina.

Photo Courtesy: John Andrew C. Libao
                             National Shrine and Parish of St. Anne
                             Sto. Niño (Pob.), Hagonoy, Bulakan

No comments:

Post a Comment