Ipinag-utos
ni Papa Pio XI ang pagtatalaga na sa tuwing huling linggo ng Oktubre
ang Kristong Hari. Samantalang nagtakda naman ng panibagong araw ng
kapistahan ng Kristong Hari si Pope Paul VI noong 1969 na sa huling
Linggo ng pang liturhiyang kalendaryo ng simbahan o tuwing huling
linggo ng Nobyembre. Ngunit ano nga ba ang kahalagahan ng Kristong
Hari? Ang Kristong hari ay ang kapistahan ng pag-anyaya upang gawing
sentro si Hesus ng ating buhay. Sinasabi din dito ang paglagay nasa
gitna si Hesus at Siya ang dapat unahin bago ang iba.
Unang Istasyon ng Prusisyon ng Kristong Hari: Visita ni San Isidro Labrador (San Isidro II, Paombong, Bulakan) |
Noong
ika-15 ng Nobyembre 2013, araw ng Biyernes sinimulan ang misa
nobenaryo para sa kapistahan ng kristong hari. Ginanap ang misa
nobenaryo sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo sa pangunguna ng ating
bagong Kura Paroko na si Rdo. P. Carlo S. Soro. Ang misa nobenaryo ay
isinasagawa tuwing ika-6 ng gabi at 9 na araw bago ang Dakilang
Kapistahan ng Kristong Hari.
Ikalawang Istasyon ng Prusisyon ng Kristong Hari: Daan tungo sa Visita ng Mahal na Birhen ng Lourdes (Abulalas, Hagonoy, Bulakan) |
Noong
ika-23 ng Nobyembre, araw ng Sabado naganap ang Bisperas ng Kristong
Hari. Isinagawa ang paghahanda para sa kapistahan. Sama-samang
naglinis at nagdisenyo ng ating parokya ang mga lingkod ng simbahan.
Nakiisa dito ang ilang kabataan o ang PCY ng Ina ng Laging Saklolo.
Nakiisa din ang Redemptorist Mater Chorale sa pag-aayos, matapos
tumulong sila ay nagsagawa ng pagsasanay bilang paghahanda sa
kapistahan. Samantalang nakiisa din ang ating Kura Paroko sa
paglilinis at pag-aayos at matapos niang tumulong sa paglilinis, siya
ay nakiisa sa paghahanda at nagturo sa grand choir ng parokya.
Ikatlong Istasyon ng Prusisyon ng Kristong Hari: Visita ni San Pedro Apostol (San Pedro, Hagonoy, Bulakan) |
Ika-apat na Istasyon ng Prusisyon ng Kristong Hari: Daan tungo sa Visita ni San Pablo Apostol (San Pablo, Hagonoy, Bulakan) |
Isinagawa
ang Banal na Misa para sa Bisperas ng Kristong Hari sa ganap na ika-6
ng gabi. Pagkatapos ng misa para sa Bisperas ng Kristong Hari,
Inilibot at Itinanghal ang banal na sakramento sa parokya.
Samantalang habang nakatanghal ang banal na sakramento ang sambayanan
ay nagsasagawa ng isang oras na pagbabantay habang nagsasagawa ng
banal na oras.
Patungo sa Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, ang ika-lima at huling istasyon ng Prusisyon ng Kristong Hari. |
Noong
ika-24 ng Nobyembre taong 2013 naganap ang Dakilang Kapistahan ng
Kristong Hari. Maraming tao ang nakiisa sa naturang kapistahan upang
magbigay puri at magbigay parangal kay Kristo na ating Hari. Lahat ng
taong nakiisa sa prusisyon ay nagsuot ng puting damit upang magbigay
galang sa ating Kristong Hari. Ang prusisyon ay pinangunahan ng ating
Kura Paroko na si Rdo. P. Carlo S. Soro habang buhat niya ang Banal
na Sakramento. Ang prusisyon ay nagmula sa parokya patungo sa Kapilya
ni San Isidro Labrador sa San Isidro II, Paombong. Sumunod naman ay
tumungo sa Abulalas, sa Kapilya ni San Pedro Apostol, sa San Pablo at
matapos ay bumalik sa ating Parokya ng Ina ng Laging Saklolo. Matapos
ang tatlong oras na prusisyon ay sinimulan naman ang Banal na Misa.
Ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa pangunguna ni Rdo. P. Carlo S. Soro, Kura Paroko ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo. |
Ang naturang kapistahan ay matagumpay na naisagawa at tanda ng
pagpupugay sa Panginoon na binigyang-pansin ni P. Soro sa kanyang
homilya. Tunay nga na sa pagdiriwang na ito, ating sambit ang
pagsigaw ng ating Kura Paroko, “Mabuhay ang Kristong Hari! Mabuhay
ang Kristong Hari! Mabuhay ang Kristong Hari!”
Photo Courtesy: Maricel M. Robles and Ivea P. Domingo
Parokya ng Ina ng Laging Saklolo
San Pedro, Hagonoy, Bulakan
San Pedro, Hagonoy, Bulakan
No comments:
Post a Comment