Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)
Showing posts with label Sagrada Familia Hagonoy. Show all posts
Showing posts with label Sagrada Familia Hagonoy. Show all posts

Saturday, August 27, 2016

FEATURE ARTICLE/TAMPOK NA ARTIKULO: A Jesuit's Reflections on the Papal Visit - Fr. Norberto Bautista, S.J.


How the Filipino Jesuits Prepared

The Jesuits prepared for the papal visit in various ways. The Jesuit Communications, Inc. (JESCOM) through its Executive Director, Fr. Nono Alfonso, S.J., covered the entire visit. JESCOM also produced audio CDs and videos about the visit. Fr. Manoling Francisco, S.J. of Tanging Yaman Foundation and a well-known composer of liturgical songs, led the over 100-strong choir and an orchestra during the Papal Mass at the Quirino Grand Stadium. Fr. Jose Quilongquilong, S.J., Rector of the Loyola House of Studies and President of the Loyola School of Theology, facilitated some interviews from the media at the Diamond Hotel in the company of His Eminence, Luis Antonio Cardinal Tagle and Fr. Federico Lombardi of the Holy See Press. Some Jesuits were also interviewed in the ANC Channel and ABS-CBN network about the Pope’s visit. There were 40 Jesuits who visited the Pope one evening in his residence. In that meeting, questions were posed by the Jesuits to the Pope and the Pope tried his best effort to answer them.


My Feelings on the Visit

I felt jubilant and ecstatic having known of the Pope’s coming! All the positive feelings came to me. Pope Francis, after hearing the Yolanda tragedy at the Vatican, meant to visit the victims right in their own hometown. He is really an excellent model of “Mercy and Compassion.” He leads by example. He makes true his words and promises. He is a man-of-action.

What he did and what inspired me and all of us

It was true enough that he was afraid of the threats that were made against him by extremist groups. However, that did not deter his excitement to meet the Filipino people. In all his appearances at S.M. Mall of Asia Arena, at the Manila Cathedral, at the University of Sto. Tomas, at the Quirino Grandstand, and in all his Masses, he exemplified holiness that is rooted from his love for those in the peripheries (this means margins, borders, outskirts).

When he met with the Yolanda victims, he skipped his lunch to meet and greet each and every one of the victims. This is a perfect example of the Ignatian cura personalis or personal care for each soul. He showed frustration and disappointment when he learned he had to leave Tacloban City early because of the typhoon. He really wanted to spend more time with the  poor and needy there.

He was humble enough to admit that he does not have all the answers to all questions. For example, when a young street girl shared her suffering and asked him why God allows evil in our lives, he just remained silent, and later on warmly embraced the girl like a real father. During his homily in Tacloban City, he talked about the suffering of the people there. Again, he did not afford any solutions to this but instead invited the congregation to gaze, look and contemplate “Jesus-on-the-Cross.” The main object of adoration and prayer is not him, it is Jesus, always Jesus.


Pope Francis showed the Ignatian charism in his words and actions. His availability to serve where there is most need propels him to visit the Philippines. He is a Jesuit missionary at heart – from the Vatican to Tacloban, in a very personal and intimate way, he showed Jesus’ mercy and compassion to the weakest, poorest, and smallest.

Rev. Fr. Norberto Luza Bautista, S.J.

What I would not forget from the Pope

I cannot forget images and words from Pope Francis when he said Mass at the Tacloban airport. First of all, he wore the same yellow jacket that all of the people there wore. He could have cancelled his trip because of the typhoon, but he did not. He said Mass outside in the middle of the storm. After learning that a young volunteer died because of an accident, he offered prayers for her, and even invited his parents to come and visit him in his residence in Manila. Words from him to the Tacloban victims like, “I may be late but I am here.” “Pray for me.” are strong and powerful words from him that I will never forget.

Pope Francis showed the Ignatian charism in his words and actions. His availability to serve where there is most need propels him to visit the Philippines. He is a Jesuit missionary at heart – from the Vatican to Tacloban, in a very personal and intimate way, he showed Jesus’ mercy and compassion to the weakest, poorest, and smallest.

Message: The Church in Hagonoy, Devotional Prayer and the Poor

We are the Church for the poor, with the poor, and of the poor. We take inspiration from the Gospel values of Jesus Christ and not from any ideology or philosophy. Like what Pope Francis said the Church is not a detached NGO. He prefers the image of a “battlefield hospital” of a church that “smells like sheep.” We have to question our complacencies and go out of our comfort zones, challenge ourselves on how we can serve the poor better like servant-slaves, humble and meek in our ways. We have to be disturbed and continue to work for Faith that does Justice, a type of justice that fights the evil of corruption most particularly. We also need to fight against consumerism, relativism, materialism, etc. that plague our society.

With our good works, we should not forget to pray and believe in the power of prayer. We pray to Jesus, Mary (e.g. Mary, Untier of Knots), and Joseph, St. Therese of the Child Jesus (patron saint of Pope Francis). We also continue to value and promote family values and battle against the forces that threaten quality family life (drugs, abortion, divorce, etc.).

One of the graces in the town of Hagonoy is religious and priestly vocations. Let us continue to pray for more good vocations. We do not have to look far to be a missionary like Pope Francis. Look around your neighbourhood and we are ‘sent’ by Jesus to serve the suffering around us. Do not abandon our piety and religiosity that we inherited from our ancestors long ago. Let us continue our church and religious practices, customs, and traditions. This is one gift of Hagonoy to the local and universal Church and to the entire Filipino people.

Rev. Fr. Norberto Maria Luza Bautista, S.J. hails from Sagrada Familia, Hagonoy, Bulacan. He was ordained a priest on April 22, 1995 and is a professed member of the Society of Jesus (S.J.) or the Jesuits. He is currently the Headmaster of the Ateneo Grade School and the Rector of the Church of the Gesu, Ateneo de Manila University.

Photo Courtesy:
GMA News | Rappler.com | Malacañang Photo Bureau

Saturday, September 29, 2012

KULTURA: Ipamagitan mo Kami, Sta. Elena: Ang Pistang Pasasalamat ng Barrio ng Marulao



    Ayon sa alamat, mayroong lumitaw na isang napakagandang babae sa nayon ng Marulao upang pangalagaan at tulungan ang mga tao doon. Sa kaningnigan ng kanyang mukha ay tinawag siya sa pangalang “Mariang Ilaw.” Sa paglipas ng panahon ito ay napaiksi sa tawag na “Marulao” na siya namang ikinabit na tawag sa aming lugar. At pati ang kailugan na nakapalibot sa Marulao ay tinawag ding Ilog Marulao. Marahil ang magandang babae na nakikita nila noon ayon sa mga nakasaksi ay si Apo Elena mismo.


Ang lumang larawan ni Sta. Elena na
pinatakasi ng Marulao na nakaluklok
sa bagong gawang simbahan ng
Parokya ni Sta. Elena Emperatris.
    Ngayong taon, ipinagdiriwang ang ika-72 na kapistahan ni Sta. Elena buhat ng ito ay maging isang ganap na parokya. Kakaunti pa lamang ang naninirahan noon sa baryo ng Sta. Elena, subalit unti-unti itong dumami sa paglipas ng panahon hanggang sa maging ganap na pamayanang maunlad.

     Taon-taon ipinagdiriwang ang kapistahan ni Sta. Elena tuwing ika-18 ng Agosto para parangalan ang kanyang kabanalan at kamatayan, bilang pasasalamat na din ng mga taga-Sta. Elena. Sinimulan ang pagpaparangal kay Sta. Elena sa siyam na araw na pagnonobena mula noong ika-9 hanggang ika-17 ng Agosto. Bagamat ito ay natapat ng may kalamidad tuloy parin ang mga taga-rito sa pagpaparangal sa kanilang patrona. Ngunit sa loob ng tatlong araw nawalan ng rangya ang pagpaparangal sa aming patrona, bulaklak ng santan ang inialay sa kanya. Ang ilang matatanda ay naluluha pa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ngayon lamang sila nag-alay ng santan sa nobenaryo ng santa. Kasabay ng paghupa ng malakas na ulan, ginanap ang pag-aalay ng rosaryong sampaguita sa ika-apat na araw ng nobenaryo para sa santa.


Ang imahen ni Sta. Elena Emperatris
 na pinaparangalan sa simbahan ng
parokya. Makikita naman sa itaas ang
imahen ni Sta. Elena Emperatris
Callejara o ang imaheng iprinuprusisyon.
     Ipinagdiwang ang Banal na Misa para sa Bisperas Mayores noong ika-17 Agosto sa ganap na 6:00 ng gabi. Naging simple at payak lamang ito, pangunguna ng aming butihin at bagong kura paroko, Rdo. P. Efren G. Basco kasama ang Hermano at Hermana - Ang Hermano para sa Banal na Santa Krus at ang Hermano para sa imahen ni Santa Elena ng Hagonoy.
   
     Kinabukasan, ika-18 ng Agosto, sinimulan ang pagdiriwang ng Banal na Misa noong ika-5 ng umaga. pinagdiwang naman ang Misa Mayor para sa Dakilang Kapistahan noong ika-9 at kalahati ng umagaa sa pangunguna ng Obispo Emerito ng Diyosesis ng Malolos, Lubhang Kgg. Cirilio R. Almario Jr., D.D. kasama ang iba pang mga pari. Nandoon noong pagdiriwang ang mga parokyano ula sa mga barrio ng Pugad, Tibaguin, Sagrada Familia at ang dalawang sitio ng barrio ng Sta. Elena: ang sitio ng Buga at ang sitio ng Tangos kasama ang kanilang mga patron. Kasama rin siyempre sa pagdiriwang ang Hermano at Hermana ng Sta. Cruz at ng imahen ni Apo Elena na kasunod ng mga deboto ng patrona na nagpapasalamat. Hindi naging hadlang ang malaking tubig sa pagpruprusisyon matapos ang misa na puno ng saya at biyaya. Itinampok sa prusisyon ang mga patron ng bawat baranggay na nasasakupan ng parokya. Si San Ignacio de Loyola na patron ng Isla ng Pugad, si San Rafael Arkanghel na patron ng Isla ng Tibaguin, ang Sagrada Familia na patron ng Malayak (lumang pangalan ng barrio ng Sagrada Familia), at ang banal na Santa Krus na kasama ni Santa Elena. Matapos ang prusisyon nagkaroon ng isang munting salo salo sa tahanan ng Hermanos Mayores para sa taong 2012-2013.

Santa Elena, Pintakasi ng Barrio ng Marulao, Ipamagitan mo po kami.
Santa Ana, Patrona ng Bayan ng Hagonoy, Ipanalangin mo po kami.

Mga Larawan ng Banal na Prusisyon:


Ang mga mananampalataya mula sa islang barrio ng Pugad (Patron: San Ignacio ng Loyola) na sakop ng Parokya ni Sta. Elena Emperatris.
Ang mga mananampalataya mula sa islang barrio ng Tibaguin (Patron: San Rafael Arkanghel) na sakop ng Parokya ni Sta. Elena Emperatris.
Ang mga mananampalataya mula sa barrio ng Sagrada Familia (dating Malayak) na sakop ng Parokya ni Sta. Elena Emperatris.
Ang mga masasayang mananayaw ni Apo Elena ng Hagonoy na sumama sa prusiyon para sa debosyon nila sa santang patrona.
Ang Hermana ng Pistang Pasasalamat ng Barrio ng Sta. Elena na nanguna sa prusisyon kahit nasalanta ng bagyo ang lugar.
(Itaas at Ibaba) Ang Sta. Elena Emperatris Callejara na sinasayawan ng mga mananayaw at pinatutugtugan ng musiko habang iniikot siya sa barriong pinagpala ng Marulao na ipinangalan sa kanya.
Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)

KULTURA: Araw Para sa Mahal na Ina: Ang Pagdiriwang ng Kapistahan ng Kapanganakan ni Maria sa Parokya ni Sta. Elena

     Isang pagbibigay daan sa ating Mahal na Birheng Maria. Isang paghahanda para sa kanyang kaarawan. Nagkaroon ng Banal na Triduo simula noong ika-5 ng Setyembre hanggang ika-8, talaga namang binigyan ng pansin ang Mahal na Ina sa pamamagitan ng pag-aalay. At sa bawat araw, patuloy ang mga deboto at debota ng Mahal na Ina. Ang mga sumusunod ang mga tagapagtangkilik ng Simbahan na nagputong ng korona sa imahen ng Mahal na Birhen noong nagdaang Banal 
na Triduo:

Unang Araw (Setyembre 5) – Gng. Aring Gutierrez at Gng. Nora Martin

Ikalawang Araw (Setyembre 6) – Gng. Carolina Carino at Gng. Priscilla Jose

Ikatlong Araw (Setyembre 7) – Gng. Rufina Martin at Gng. Severina Magbitang

Ang pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Ina na sinundan ng pagpuputong sa imahen ng korona tulad ng makikita sa larawan sa itaas.
    Sinundan ang pagputong sa korona sa Birheng Maria noong ikatlong araw ng isang Banal na Misa sa ilang sandali ay dumating na ang araw na pinakahihintay. Ganap na alas dose noong madaling araw ng kapistahan sinalubong ang mahal na birhen ng mga mang-aawit. Ginanap sa bisita ng Sagrada Familia, isang tradisyon sa lugar na ito na awitan siya bago pa man sumikat ang haring araw. Alas singko ng madaling araw isinagawa ang banal na prusisyon - isang tahimik na pagpaparangal na kung saan talagang madadama ang kapayapaan sa kapaligiran - nagbukas ng mga kandila ang mga deboto at kasabay ng paghakbang ng kanilang mga paa ang pagdarasal ng banal na rosaryo sa pangunguna ni Gng. Norma Martin. Nag-agaw ang liwanag at dilim ng makabalik sa simbahan ang banal na prusisyon. Inilagay ang karo sa gitna ng patio ng simbahan at inikutan ng mga kababaihan at matapos kinanta ang Salve Regina kasabay ang pagpaparangal ng Kura Paroko, Rdo. P. Efren G. Basco. Matapos ang pagpaparangal, inawit ang maligayang bati na nagdulot ng kasiyahan sa bawat isa.

Ang imahen ng Birhen ng Fatima na nagsilbing imahen na iprinusisyon noong naganap na Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birhen. Ginanap ang dawn procession sa pamamagitan ng kantahan mula sa bisita ng Sagrada Familia patungo sa simbahang parokya.
    Inumpisahan ang Banal na Misa sa pangunguna ni P. Basco at muling naghandog ng mga bulaklak ang mga prasedia ng Lehiyon ni Maria: an Praesidium Tala sa Umaga at Praesidium Stella Maris kasama rin ng Samahan ng Ina ng Laging Saklolo, at mga junior legionaries at lahat ng mga deboto ni Maria na dumalo sa pagdiriwang. Muling kinoronahan ang imahen ng Mahal na Birhen na ginampanan nina Gng. Lydia Ablaza at Gng. Edna Felipe.

Mga ilaw mula sa mga kandilang inihanda para sa ginanap na living rosary noong gabi ng pagdiriwang ng kapistahan. Makikita dito ang pagbuo ng isang rosaryo sa pamamagitan ng mga taong mamumuno sa pagdarasal na nakatapat sa bawat inilawang kandila.
     Noong gabi naman isinagawa ang living rosary na ginanap sa loob ng Simbahan. Dinaluhan ang pagdiriwang ng iba't ibang samahang pansimbahan ng parokya. Sa Unang Misteryo sa Tuwa gumanap ang mga taong may katungkulan at mga nag- aanunsyo kasama ng mga Sangguniang Barangay ng Sagrada Familia at Sta. Elena at ng mga Eco Aid. Sa Ikalawang Misteryo sa Tuwa naman nanguna ang mga propesyunal, mga guro at mga kumadrona sa aming nayon. Sa Ikatlong Misteryo naman ang mga ina ng tahanan at sa sinundan sa Ika-apat na Misteryo nang mga kabataan na minsan ng nalulong sa bisyo at sumuway sa kanilang mga magulang. Samantalang sa Ikalimang Misteryo nanguna ang mga katandaan. Sa bawat misteryo mayroong mga awitin na ihinanda ang Sta. Elena Parish Youth Choir (SEPYC) at sa paghahanda ng Parish Commission on Youth (PCY). Sa saliw ng kanta ng Salve Regina ay muling pinutungan ng korona ang imahen ng Mahal na Birhen, kasabay din nito ang pagbubukas ng ilaw sa buong simbahan. Magkaroon din ng munting salu-salo sa patio na inihanda ng mga parokyanong may ga mabuting kalooban. Ikinasaya ito ng mga nakiisa at ng mga bata na tuwang tuwa sa mga munting regalo. Isa itong araw na tumatak sa bawat isa – isang araw para sa Mahal na Ina – na kung kailang walang iniinda na kapaguran bagkus nadama ng bawat isa ang tunay na kasiyahan. Dahil dito, mas lalong lumaganap ang debosyon sa Mahal na Birhen sa aming parokya ni Sta. Elena Emperatris.

Viva la Virgen!!!


Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ng Iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

Photo Courtesy: Marvin M. Magbitang (Parish of St. Helena the Empress)