Angat
na angat sa ating mga Pilipino ang kapistahang ito, ang pagdiriwang
ng Kapistahan ng Sto. Niño. Maraming bayan at lugar ang nakikiisa sa
pagdiriwang na ito. Tulad ng Lungsod ng Cebu, kilalang-kilala sila
sa kanilang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño na kung tawagin
nila ay Sinulog
Festival.
Ngunit sa kapistahan ng Sto. Niño dito sa ating bansang Pilipinas,
may ipinapaalala sa atin na dalawang bagay: (1.) minsa’y naging
bata ang Panginoong Jesus, at (2.) ang pagdating sa atin ng
pananampalatayang Kristiyano sa ating bansa.
Hindi
lang sa Lungsod ng Cebu nagkaroon ng kapistahan o sa ibang lugar at
bayan, nakiisa rin ang Parokya ng Nuestra Señora del Santissimo
Rosario sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño. Ganap na ika-7:30
ng umaga idinaos ang Banal na Misa sa pangunguna ng ama ng paropkya
na si Rdo. P. Quirico L. Cruz. Ayon sa kanyang homilya “Napakadakila
ng kapistahang ito dahil sa pagdating ng Imahen ng Sto. Niño sa Cebu
naganap ang kaluwalhatian ng Diyos sa bansang Pilipinas at dito
naganap ang unang pagbibinyag."
Pagkatapos
ng Banal na Misa, isinunod ang maringal na prusisyon sa karangalan ng
Sto. Niño. Napakaraming bata ang sumunod sa prusisyon at makikita sa
kanilang mga mukha ang kasiyahan sa kanilang mga dala-dalang imahen
ng Sto. Niño. Isa rin sa nagpatingkad ng Banal na Prusisyon ang mga
batang nagati-atihan - “Pit Señor” ang kanilang mga isinisigaw
kasabay ng kanilang pag-indak. Napakasaya at naging makabuluhan ang
naging pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Parokya ng Nuestra
Señora del Santissimo Rosario. Kailanman ay hindi na maiaalis sa
ating mga Pilipino ang ganitong pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto.
Niño. “PIT SEÑOR”
BUNYING
STO. NIÑO, Kaawaan Mo Kami!
Photo Courtesy: Ma. Theresa G. Perona
Parish of Nuestra Señora del Santissimo
Rosario
Photo Courtesy: Ma. Theresa G. Perona
Parish of Nuestra Señora del Santissimo
Rosario
No comments:
Post a Comment