Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, April 27, 2013

KULTURA | CULTURE: Ang Encuentro ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at si Sta. Veronica: Isang Tradisyong Pang-Martes Santo sa Hagonoy
































   Isang matandang tradisyon ang taun-taong ginaganap pagpatak ng Martes Santo sa Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana. Hindi ito nakikita sa ibang lugar dahil kadalasan ay nagsisimula lamang ng Miyerkules Santo ang mga prusisyon sa ibang mga parokya, ngunit Martes Santo pa lamang ay nagsisimula na sa Hagonoy. Ang natatanging ginaganap sa araw na yaon ay ay ang Encuentro o “salubong” nina Sta. Veronica at ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, na kung saan, sinasariwa ang pagpupunas ni Veronica ng kanyang birang sa mahal na mukha ni Jesu-Kristo. Dito’y nabanaagan ang tatlong mukha ng Kristo, na bagamat wala sa Banal na Kasulatan ay naaayon naman sa Banal na Tradisyon ng Simbahang Katolika. Ang encuentro na ito ay hindi nalalayo sa tradisyon ng mga Katolikong Pilipino sa pagsasalubong ng Virgen de Alegria (Birhen na Nagagalak) at ng Jesus Resucitado (Kristong Muling Nabuhay) tuwing Domingo Resurrecion (Linggo ng Muling Pagkabuhay).

Ang pagsalubong ng mga imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at ni Sta. Veronica, isang tradisyon sa Hagonoy tuwing Martes Santo na ginaganap sa Hagonoy, Bulacan.

     Maipipinta sa mga mukha ng mga gumanap na kababaihan ng Jerusalem ang tigib ng Hapis sa dinaranas na pagpapakasakit ni Jesu-Kristo patungong Kalbaryo. Pinangunahan ng Komisyon ng Kabataan ang maikli ngunit puno ng aral na pagsasadula ng pagsalubong kay Jesus ng mga tumatangis na mga kababaihan ng Jerusalem at ang pagpunas ng birang ni Veronica sa mukha ni Hesus.

     Ginaganap ang encuentro sa isa sa mga visita ng parokya tuwing Martes Santo, upang magmistulang paglalakbay sa daan ng Krus para sa mga mananampalataya. Ang nasabing tradisyon ay pinangungunahan ng isang prusisyon mula sa pambansang dambana patungong Visita ng San Nicolas sa unang grupo at mula naman sa Tangos patungong Visita ng San Nicolas na pinagdausan ng encuentro. Nagkaroon ng isang Banal na Misa bilang pinakamataas na panalangin sa pangunguna ni Rdo. P. Juvenson C. Alarcon, paring pantulong ng Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana at nagtapos sa isang prusisyon patungo naman muli sa Pambansang Dambana. Isa itong tunay na matandang tradisyon na sa kagandahang taglay nito ay masasabing ikinagagalak na gawin ng mga taga-Hagonoy. Isang maganda at dinarayong gawain tuwing Semana Santa sa Hagonoy na mas nagbibigay ganda sa mga gawaing nagpapalalim ng ating pananampalataya sa Panginoong Jesu-Kristo.

Ang paring nanguna sa pagbabasbas ay ang bagong pari nakatalaga sa parokya, si Rdo. P. Juvenson
Alarcon na mula sa Daet, Camarines Norte. 

Ang pagganap ng mga miyembro ng Komisyon ng Kabataan ng Parokya at Pambansang Dambana
ni Sta. Ana bilang mga naghihinagpis na mga babae ng Jerusalem na siyang kasama ng prusiyon ng
caroza ni Sta. Veronica. Makikita sa kaliwa si Christian Flores na kalihim para sa pahayagang ito.

Ang pagsalubong ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at ni Sta. Veronica sa harapan ng Visita ni San Nicolas de Tolentino sa San Nicolas, Hagonoy, Bulakan na siyang napiling lugar para sa encuentro.

Photo Courtesy: Julian P. Liongson
                          National Shrine and Parish of St. Anne

                          El Gideon G. Raymundo
                          Parish of Nuestra Señora del Santissimo
                          Rosario

No comments:

Post a Comment