Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos

Parishes of the Vicariate of St. Anne, Roman Catholic Diocese of Malolos
These are the parishes of the Vicariate of St. Anne (Hagonoy, Calumpit and Paombong in Bulacan)

Saturday, January 03, 2015

KILUSAN: Kilusang Block Rosary Blg. 10


Isang munting samahan, 
mula sa tatlong pamilya.
Lumawig at dumami ang bilang
ng mga nagbabahay-bahay kasama ang
Mahal na Ina.


   Ang pag-usbong ng Block Rosary Blg. 10 ng barrio ng Sagrada Familia ay nagmula sa pagutulungan ng mga mananampalataya ng bisita sa pangunguna nina Gng. Felisa Reyes, Gng. Ato Magtoto at Gng. Inez Tamayo. Sila ang nagpalaganap ng samahan at nagtatag ng samahan ng Block Rosary sa Sagrada familia noong ika-27 ng Disyembre, taong 1953. Ito ipinasa nila sa kanilang mga kamag- anak kung kaya sila ay tumagal ng 61 na taon sa kanilang apostolado at debosyon sa Mahal na Ina.

Ang pagprusisyon sa imahen ng Ina ng Laging Saklolo, patrona ng Kilusang Block Rosary na iniikot sa Sagrada Familia.
   Ang kanilang samahan ay naglalayon na mapalaganap ang pamimintuho sa Mahal na Ina at mapagbuklod ang pamayanan sa pananampalataya. Isa sa kanilang apostolado ay ang pagbabahay-bahay ng imahen ng Mahal na Ina sa mga bahay ng mga Katolikong pamilya upang mapagbuklod sila sa pagdadasal at mas mapalalim ang kanilang pananampalataya. Sa tuwing sasapit ang ika-27 ng Disyembre ay kanilang ipinagdiriwang ang kanilang anibersaryo bilang samahan ng simbahan sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na misa at prusisyon para sa karangalan ng Mahal na Ina.

Ang pagpruprusisyon kasama ang mga kabataan ng Visita ng Sagrada Familia.
   Sa kasalukuyan, sila ay patuloy sa pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Ina, patuloy din ang kanilang paghihikayat sa mga pamilya upang dasalin ang Santo Rosario. Noong ika-28 ng Disyembre taong kasalukuyan ay kanilang ipinagdiwang ang kanilang 61 na taon bilang samahan, isang samahan na may matatag at may pananampalataya sa ating Panginoon at sa pamimintuho sa ating Mahal na Ina.

Ang paglibot ng mga kasapi ng Block Rosary Blg. 10 sa naging pagdiriwang ng anibersaryo.
   Mula sa isa sa kanilang mga kasapi na ninais na hindi magpakilala, nabuo ng manunulat na ito ang panayam na ito:

Q: Nagtagal na po ang samahang pansimbahan sa loob ng 61 taon. Ano po ang masasabi ninyong sikretong taglay sa patuloy na pag-iral ng inyong samahan?

A: Pinapanatili namin ang pagkakabahagi ng mga tungkulin namin. Siguro isa na rin sa katangiang taglay ng aming samahan ay pagiging magkakamag-anak. Isang tunay na pamilya. Isang pamilya na nakasentro sa pagkalinga at paggabay ng ating Mahal na Ina.

Q: Paano po ba napapalakas ng mga hamon ang patuloy na pagtawag ng paglilingkod na buhat ng debosyon para sa inyong apostolado sa Simbahan?

A: Nakikita namin ang kaligayahan sa aming paglilingkod. Ang paglilingkod na bukal sa puso.

Q: Sa inyong palagay, patuloy nga po ba ang pagyabong o unti-unti pong nalalanta ang iba sa inyong kapisanan? Anu-ano po bang mga hakbang ang inyong pinagsusumikapang gawin sa pagtugon dito?

A: Para sa akin ay patuloy naman ang pagyabong ng aming samahan. Pinagsusumikapan namin ang pagpapahalaga sa aming mga kasapi at ang pang gigising sa mga nanlalamig na kasapi.

Q: Ano pong mensahe ang inyong maibibigay para sa inyong kapwa-kasapi sa inyong samahan pati na rin sa mga kabataan na nagnanais maging aktibo sa paglilingkod sa Simbahan?

A:Tanawin natin bilang isang biyaya ang palilingkod sa Diyos. Bagamat may mga bagay na dapat isakripisyo ay magiging daan natin patungo sa langit Maliit o malaking bagay man ang mahalaga ay ang ating taos sa pusong paghahangad na maglingkod sa ating Diyos.

Photo Courtesy: Charles Lyndon d.G. Perez (Parokya ni Sta. Elena Emperatriz)

No comments:

Post a Comment