Ano ba ang Bayang Levitico?
Ang Bayang Levitico: Isang Pagkilala sa mga Paring Anak-Hagonoy ay isang natatanging bahagi ng pahayagang ito na naglalayon na magbigay ng panig para sa mga paring anak-Hagonoy. Gusto nitong bigyang-pansin ang natatanging pamanang kalinangan ng Simbahan na nagmula sa bokasyon ng mga paring anak-Hagonoy na naging dahilan kung bakit tinawag ang bayan bilang Bayang Levitico.
Bawat quarter magbibigay ng tuon ang bawat bahagi ukol sa buhay ng apat (4) na mga pari. Sila ay mga totoong Catholic Hagonoeño na nabuhay, tinawag at nahubog upang sundan ang mga yapak ni Kristo sa pagiging pari para sa Simbahan. Dito lubos nating tuklasin ang ganda at biyaya ng buhay-pari sa pagbabahagi ng ating mga kababayang inordenahan sa pagkapari ni Kristo.
Mga Paring Anak-Hagonoy
Vol. I., Issue 2., June 2012
Lubhang Kgg. Pedro Natividad Bantigue, D.D.
Sta. Monica, Hagonoy
Rdo. P. Bartolome Saguisin Bernabe
Sto. Rosario, Hagonoy
Rdo. P. Vicente Amado Bernardo Manlapig
Sta. Monica, Hagonoy
Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Sta. Monica, Hagonoy
Lubhang Kgg. Pedro Natividad Bantigue, D.D.
Sta. Monica, Hagonoy
Ang mga halimbawang mabuti ng mga kapwa pari na naglilingkod sa Diyos. Ang pagiging mapagmahal sa sarili, sa kapwa at sa Diyos. Ito ang mga nakaimpluwensya sa akin.
Sta. Monica, Hagonoy
Ano
o anu-ano po ang nakaimpluwensya sa inyo upang magpari?
Ang mga halimbawang mabuti ng mga kapwa pari na naglilingkod sa Diyos. Ang pagiging mapagmahal sa sarili, sa kapwa at sa Diyos. Ito ang mga nakaimpluwensya sa akin.
Ano
o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon
ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?
Ang
pagdarasal
araw-araw, lalo na noong ipinagdarasal ako ng aking magulang sa
Diyos. Sana maging pari daw ang kanilang anak na si P. Pedro at
naging pari nga sa katunayan. Ipinakita din nila sa akin ang halaga
ng pagiging isang mabuting halimbawa at mapagbigay sa kapwa, mula
noong bata hanggang tumanda.
Pagdating
sa mga debosyon, ang hindi ko pinababayaang debosyon ay sa santo na
pinagkuhanan ng aking pangalan, si San
Pedro Nolasco. Ito’y sapagkat ipinanganak ako noong ika-31 ng
Enero, 1920 na kapistahan niya. Palagi akong nagdarasal sa kanya
upang ako ay maging mabuting pari.
Bilang
anak ng Hagonoy, nagdarasal din ako kay Apo Ana. Si Apo Ana ay tunay
na patron ng mga paring anak-Hagonoy. Siya ay patrona na
pinagdarasalan upang maging mabuting pari ang mga taga-Hagonoy sa
mahabang panahon.
Ano
po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki
sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili
sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod
sa pagpapari?
Madalas
ako sa parokya
noong bata pa ako. At isa sa mga mahahalagang bagay na kailangang
tignan sa parokya ay ang kabutihan na naghahari sa pamayanan, ang
kabutihan ng mga tao. At siyempre nakatulong din ang mga kapwa pari,
ang mga pari noon sa Simbahan at pati na din ang mga paring
taga-Hagonoy. Sa pagtutulong-tulong ng mga ito nabubuo ang pagiging
isang pari ng isang taga-Hagonoy.
Ano
pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga tumatangkilik sa
pahayagang ito upang mas yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa
pagpapari?
Magpakita,
parisan ang kapwa pari sa pagsasagawa ng mga tungkulin sa sarili, sa
ibang tao at sa Diyos. Sapagkat ang pagiging pari ay pagiging isang
mabuting Katoliko, isang mabuting halimbawa. Bilang isang obispo,
palagi kong inaalala, “Maging mabuting pari sa lahat ng panahon
hanggang sa buhay na walang hanggan.” Ito’y dahil ang kabutihan
ng mga pari ang nag-aanyaya sa pagiging pari ng mga kabataan. Kaya
naman dapat isabuhay ng aking mga kapatid na pari, lalo na sa mga
taga-Hagonoy ang paggawa ng mabuti. Dapat magkaroon ng magandang
gawain, mabuting ugali sa lahat ng sandali hanggang makarating sa
kaluwalhatiang walang hanggan. Amen.
Rdo. P. Bartolome Saguisin Bernabe
Sto. Rosario, Hagonoy
Una
ay ang pagkakamulat sa akin ng
aking mga magulang, na matutong magdasal at magsimba at magrosaryo araw-araw. Tinuruan din ako ng aking mga magulang na magsismba
tuwing unang Biyernes. At naaalala ko nung bata ako, yung mga
matatandang nakakakita sa akin na nagsisimba, napapansin ako at
sinasabihan nila ako na maganda daw na magpari ako. Kakaturo siguro
sa akin at kakasabi sa akin ng mga matatanda, hanggang sa umabot ako
ng high
school,
iyon ang pumukaw sa akin.
Ano
o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon
ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?
Palagi
kong naaalala na
palagian ang pagkakaroon ng debosyon sa Mahal na Birhen at kay San
Jose. Kaya naman, sa kanila palagi ako tumutungo para sa aking mga
panalangin noon at noon pa. Ipinanganak ako sa barrio ng San Jose,
ngunit lumaki ako sa barrio ng Sto. Rosario. At noong naging pari ako,
palipat-lipat ang aking mga nadestinong parokya,
kung
hindi sa parokyang pintakasi ang Mahal na Birhen ay si San Jose. Kaya
naman simula noon hanggang ngayon, mahalaga ang debosyon sa
mag-asawang Maria at Jose sa paglago ng aking bokasyon.
Ano
po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki
sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili
sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod
sa pagpapari?
Ang
tinapusan kong high
school ay
ang paaralan ng parokya, ang St.
Anne’s Academy.
At noon kapag mayroong mga retreats, kinukumbida
ang mga paring Redemptorista na mahusay magbigay ng mga retreat
at
nakatulong sila sa aming paghubog. Ito ang nagbigay sa akin ng
magandang karanasan at ito rin ang isa sa mga nagdala sa akin tungo
sa pag-unlad ng aking bokasyon.
Ang pamilya ni Apo Ana, Apo Joaquin at ng Inang Maria ay isang natatanging debosyon sa Hagonoy na kinakailangang pahalagahan, ayon kay P. Bernabe. |
Ang
magagawa ng mga taga-Hagonoy para sa pagpapanatili, pagpapalakas at
pagpaparami ng bokasyon sa pagpapari ay yung kanilang malaking
debosyon kay Sta. Ana. Yung mga magulang na may debosyon sa Banal na
Pamilya nina Sta. Ana, San Joaquin at sa Mahal na Birhen, magandang
ipagpatuloy nila ang ganitong debosyon. Ito’y sapagkat nagpapalakas
ito ng bokasyon at iyon ang nakita kong takbuhan noon ng aking mga magulang at ang aking mga tiyuhin at tiyahin. Doon sila pumupunta sa lolo at
lola ng Panginoong Jesukristo upang magdasal at mamintuho. At anumang pangangailangan nila, doon
sila lumalapit. At kung iyon ay mapapanatili ng mga taga-Hagonoy, di
mapapabayaan ang mga angkan ng Diyos.
Rdo. P. Vicente Amado Bernardo Manlapig
Ano
o anu-ano po ang nakaimpluwensya sa inyo upang magpari?
Masasabi
ko na ito ay ang pagdala sa akin ng kapaligiran at ng pamilya.
Naalala ko pa noon ang mga matatanda sa Sta. Monica lalo na si Anda
Felix, kapatid ng Apo Melencio na sinasabihan kami na magdasal palagi
ng orasyon. Basta kapag tumunog ang malaking kampana ng simbahan
tuwing ika-anim ng gabi, uuwi kami para magdasal. Tapos noon ang
pagdarasal ng rosaryo, na aaminin ko nahabaan ako masyado noong araw.
Pero noong
ako ay pumasok ng seminaryo, di naman pala ganoon kahaba ang rosaryo.
Nagkaroon ako ng debosyon sa iba’t ibang mga santo, pero
magkakasama kaming pamilya sa pagdarasal. Pati nga ang mga pinsan ko,
magkakasama kami kasi palagi kami noon sa bahay ng Inang Ipang na
parang pangalwang nanay namin na nagasikaso sa akin. Kaya naman
malapit kaming magpipinsan at nagkakasama kami sa pagdarasal.
Ano
o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon
ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?
Si San Gabriel ng Birhen ng Kalungkutan ay isa sa mga naging masisipag na semi- narista noong panahon niya. Sa kanya kumuha si P. Manlapig ng inspirasyon upang maging mabuting nagpapari. |
Bukod
dun sa mga nasabi ko na kanina, kasama na din sa mga debosyon ang
pagsisimba tuwing Linggo. Maalala ko, tuwing madaling araw,
gigisingin ako ni Inang. Malamig noon ang pakiramdam ko, yung unan,
yung kumot, di mo maiwanan. Ang misa sa Hagonoy noon ay alas kwatro,
kaya gising naman ako kahit malamig at lalakad kami papuntang
simbahan. Kasi Sta. Monica lang naman kami, paglagpas ng tulay ng
barrio, malapit na ang simbahan. Tapos yung mga adorador
naman
ang kasama naming pauwi, dahil natapos na sila sa bihilya na umaabot
noon ng madaling araw. Nakikita ko na nakukuha natin yung mga
inspirasyon na iyon sa kapaligiran na kinalakihan mo.
Itong debosyon na ito ay hindi naman dahil sa mga
gawain, kundi ang pagpunta sa rurok ng bawat pagdalangin: Bakit? Dun
matatagpuan na ang diwa ng lahat ng ito ay ang pagmamahal ng Diyos
sa atin kahit tayo ay sakim at makasalanan. Kahit sinira natin ang
tiwala Niya, minahal pa rin Niya tayo. Sa gawain ng mga Katoliko,
mahalaga na tignan iyan, lalo sa pagdiriwang natin ng Banal na Misa. Ang misa siguro
ang masasabi kong pinakasentro ng lahat ng gawaing Katoliko. Bawat Linggo,
dapat napapalawak natin ang pang-unawa ng tao para sa Misa. At dito
ko lubos na naunawaan ang bokasyon ko dahil tinawag Niya ako, sumagot
naman ako. Pero siyempre ang sagot, mula din sa pagiging bukas-palad
ng Diyos. Kaya naman palagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa
pagiging lubos Niya sa akin.
Pagdating
naman kay Apo Ana, siya siyempre ang lola ni Jesus at ina ng Mahal na
Birhen. Sa loob ko, napagninilayan ko na ang kultura natin sa Hagonoy
ay talagang makapamilya. Nakukuha ko iyon sa relasyon ko sa mga
matatanda, kay Anda Felix. Sa kanya ko natutunan ang maraming bagay. Nakikita ko na noon pa si Apo Ana na kinagisnan ng mga taga-Hagonoy.
Palagi siyang patatawagan at tunay talagang siya ay mabait. Palagi ko
siyang nakikitang mabuting ehemplo kasi kay Apo Ana natuto si Inang
Maria upang tumugon sa tawag ng Diyos. Kaya masasabi kong lubos ang
pagdarasal ko sa patronang si Apo Ana. At dala talaga ito ng pagiging
makapamilya ng ating mga kababayan – si Apo Ana nga naman ay
patrona ng mga mag-anak.
Ano
po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki
sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili
sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod
sa pagpapari?
Noong
seminarista ako, magkakasama kaming mga seminarista na tumitingala sa
mga pari kapag nasa parokya kami. Halimbawa, noong nasa St.
Anne’s pa
ako, mayroon kaming grupo ng mga kalalakihan na mahilig sumimba at
magdasal. Tuwing unang Biyernes, maalala ko palaging may kumpisal at
maganda iyon, lalo na ang pagtunog ng kampana na nag-aanyaya palagi
sa mga tao. Gustong gusto ko iyon e, yung mga gawain tulad ng
kumpisal at pagsisimba, yung bango ng insenso na maganda ang dating,
nakawiwili. Yung misa, Latin at palagi naming binubuno iyon e kahit
nakatutulog sa misa. Si P. Celestino “Tinoy” Rodriguez ang Kura
Paroko noon at palagi kami noong may misa sa Latin. Kapag Mahal na
Araw, mga prusisyon at saka Simbang Gabi, mahal na mahal ko din ang
mga iyon. Sa Sta. Monica, makikita kami ng inang ko na nandoon sa may
isang gilid ng simbahan tuwing Simbang Gabi. Inaabangan ko nga palagi
ang pagkanta ng “Gloria” pagdating na ng Pasko.
Pagdating
naman sa Mahal na Ina, debosyon sa Ina ng Laging Saklolo ang talagang
nauso sa amin noong panahon namin. May isang pari sa Hagonoy noon, si
P. Manuel Guerrero at napupuno ang kapilya ng Sta. Monica dahil
mang-iimbita siyang magnobena, walang misa noon, nobena lamang.
Tapos, may homiliya siya ng kaunti pero walang misa, nobena lamang.
Lubos
na nakatulong din si Msgr. Bantigue na noo’y kalihim ng Arsobispo
ng Maynila sa pagpasok ko sa seminaryo. Nagpauwi siya ng brochure
at
tinuruan niya ako para malaman ko ang kailangang gawin. Pagkatapos ko
ng unang taon sa high
school nagplano
na kami ng inang ko. Noong dumating sa Anda, ayaw niya muna pero
pumayag din noong ikatlong taon ko na. Noong high
school ako
pinasimulan ni Bro. Reynaldo Gutierrez yung Lehiyon
ni Maria sa
eskwelahan na nagpalago din sa aking bokasyon. Maganda ang mga gawain
sa parokya at sa paaralan kaya masasabi kong lumakas ang loob ko na
pumasok muli. Tumulong sa amin noon si P. Tirso Tomacruz, at binigyan
naman ako noon ng sapat na pondo para sa pagpasok sa seminaryo.
Mayroon pang dumating na ibang tagapagtangkilik at awa ng Diyos
nagkapuno-puno.
Ano
pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga tumatangkilik sa
pahayagang ito upang mas yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa
pagpapari?
Lagi
tayong magpasalamat sa Diyos sa biyaya na marami tayong mga pari na
mga taga-Hagonoy. Ito ay biyaya, ngunit isa din itong hamon. Lahat ng
pagkakataong ito na ipinapakita ay isang hamon tulad ng pagtawag sa
akin ng Panginoon, ganun din naman ang nangyayari at mangyayari sa
iba. Kaya naman para sa mga seminarista, lalimin ninyo ang pagtingin
sa dahilan ng inyong pagtugon sa tawag. Talagang maganda kung ang
pagtugon ay lubos at walang pasubali. Madaming dahilan para lumihis
tayo sa landas o malibang masyado. Sa panahon ngayon, nagugulat ako
sa mga nagpapari dahil sa napakaraming bagay na maaaring
kalilibangan, bakit ang biyaya ng bokasyon ay tinatanggap pa din. Sa
iyong pumapanayam sa akin, naguguglat ako dahil sa napakaraming
linilibangan na mga bagay ng kabataan, pawang pumalaot ka sa lahat ng
iyon. Napakabigat na hamon iyon at sa lahat ng ito, nawa lahat ng mga
kabataang parang ikaw ay dapat tumitingin nang mabuti. Kasi iyon ang
pagmumulan ng pananaw para dumeretso ang isang magpapari. Sa
pag-aayos ng mga hamon na iyan ang magdadala sa tamang pagpunta sa
dapat karoroonan sa bokasyon sa pagpapari. Hindi na ang sarili ang
magiging sentro noon kundi sa Panginoon na. Kaya ang halaga ng iyong
relasyon sa Diyos ang magdadala sa inyo. Kasama ng pananalangin ng
Mahal na Birhen, magtatagumapy tayo. Napakabuti ng Diyos! Salamat sa
Diyos!
Mga
Parokyang Nadestino:
Katuwang
na Pari
Parokya
ng Nuestra Señora del Carmen
Barasoain,
Malolos City
(Abril
1963 – Pebrero 1967)
Katuwang
na Pari
Parokya
ni San Diego de Alcala
Polo,
Valenzuela City
(Pebrero
1967 – Abril 1968)
Katuwang
na Pari
Parokya
ni San Pascual Baylon
Obando,
Bulakan
(Abril
1968 – Oktubre 1968)
Kura
Paroko
Parokya
ni San Miguel Arkanghel
Dampol,
Plaridel, Bulakan
(Oktubre
1968 – Abril 1974)
Kura
Paroko
Parokya
ni San Juan de Dios
San
Rafael, Bulakan
(Abril
1974 – Pebrero 1993)
Kura
Paroko
Parokya
ng Nuestra Señora dela Asuncion
Bulakan,
Bulakan
(Pebrero
1993 – Hunyo 2005)
Kura
Paroko
Parokya
ng Nuestra Señora del Santo Rosario
Maysan,
Valenzuela City
(Hunyo
2005 – Disyembre 2013)
Rdo. P. Anacleto Clemente Ignacio
Alam mo sa amin, yung mga magulang ko nakikita ko sila palaging nagsisimba. At aktibo sila sa mga gawaing pansimbahan, bata pa lamang ako. Sinasama ako palagi ng aking tiya upang magsimba. Kaya naman nakikita ko yung kanilang mga ginagawa, nasanay ako nun na palaging pumunta ako ng Simbahan. Naalala ko pa nga noon, alas otso ng gabi mayroong mga nagdarasal sa simbahan. Malapit lang kami noon sa simbahan kaya maririnig kaagad ang mga nagrorosaryo kaya sumasabay din kami. Kailangan sususnod kami sa nagdarasal at kailangan lahat kami ay nagdarasal. Tapos bago kami matulog, tinutugtog din ang kampana para magdasal at ipinagdarasal namin ang mga namatay.
Noong
panahon na iyon kasi e, marami noong mga tapat talaga sa Simbahan,
mga saradong Katoliko kung baga. Yung mga magulang ko, tapos yung mga
kamag-anak sa amin malapit sa Simbahan. Kaya siguro yung kapaligiran
na kinalakihan ko, malaki ang naging epekto para sa akin sa aking
bokasyon sa pagpapari kahit hindi ko talaga inisip na papasok ako sa
seminaryo nuong bata ako. Noon
naming pumasok ako ng seminaryo, ayun unti-unti ay umunlad at lumago
ang aking bokasyon.
Ano
o anu-ano pong mga pampamilyang tradisyon o tradisyunal na debosyon
ang nakatulong upang mas umunlad ang inyong bokasyon?
Kung
pag-uusapan ang debosyon, noong ako’y nag-aaral, meron akong isang
tiyahin na ang kanyang debosyon ay kay San Jose. Palagi
iyong nagdarasal kay San Jose para daw ako’y tulungan at makatapos.
Yun ay isa sa mga debosyon niya, kaya pati ako nagkaroon ng
pagpapahalaga kay San Jose. Pero
natatandaan ko noong ako’y bata pa, sa barrio naming sa Sta.
Monica, si Sta. Monica at si Sta. Lucia, iyon ang mga gustong gusto
ko. Kapag pista ni Sta. Monica at tuwing pista ni Sta. Lucia, nandun
palagi ako. Yung kay Sta. Lucia kapag pista niya, parang pista na din
ng buong barrio. Dahil sa debosyon na ito ng mga matatanda,
nakaepekto talaga ito sa akin. Kaya noong pari na ako, basta pista ni
Sta. Monica o pista ni Sta. Lucia, umuuwi ako para magmisa. Kasi
kapag pista nila nagsisimula yan ng umaga hanggang gabi. Kaya naman
magmimisa ako, kapag nakarating ako magmimisa ako. Iyon sa tingin ko
ang nanatili sa akin, ang pamimintuho sa kanila. Doon naman sa lugar
namin sa Quinbalaon, pinagpipista ang Santa
Cruzan
na isa ding gusto kong pinagpipista. Ang pagpaparangal sa Krus talaga
ang isang hindi ko makakaligtaang pamimintuho.
Dahil
syempre sa St. Anne’s ako
nag-aral at siya ang patrona ng parokya. Para tuloy doon ako nahubog
sa pamamatnubay ni Apo Ana sa pag-aaral sa kanyang paaralan. Kapag
nagpruprusiyon, naalala ko gusting gusto ko yung Sta. Anang antigo,
yung pamamayari ng Pamilya Laderas. Naging malaking bahagi ng buhay ko ang
pag-aaral at pagtuturo noon sa St.
Anne’s. Kaya kapag
kapistahan ni Sta. Ana tuwing Hulyo, pipilitin kong magmisa, makauwi
sa Hagonoy bilang pasasalamat sa kanyang nagtaguyod sa akin para
maging pari. Palibhasa’y malapit kami noon sa bayan, kaya siya ang
nakapagbigay sa akin ng impluwensya sa aking pagkapari.
Pagdating
naman sa patrona ng bayan, isa talaga sa naging mahalagang bahagi ng
buhay ko ay si Apo Ana.
Tatlo sa mga natatanging debosyon ni P. Ignacio: 1.) Apo Jose de Hagonoy, na mula sa kanyang mga tiyahin (larawan mula kay Julian Liongson), 2.) Apo Lucia de Hagonoy na pinaparangalan sa Sta. Monica (larawan mula kay Gideon Raymundo) at 3.) Apo Monica de Hagonoy na patrona ng kanyang barrio (larawan mula kay Julian Liongson). |
Ano
po ba ang naitulong ng inyong pinagmulang parokya (para sa mga lumaki
sa Hagonoy) o komunidad sa Hagonoy (para sa mga sandali lang nanatili
sa Hagonoy) sa pagpapalakas ng inyong pagnanais para sa paglilingkod
sa pagpapari?
Syempre
dahil nag-aral ako sa St. Anne's tinuruan kami ng mga madre noon na
magdasal. Pero mas
napaunlak akong pumasok sa seminaryo noong naging sakristan ako. Ang
katuwang na pari kasi noon sa parokya ay si P. Ramon Vera at ang Kura
Paroko ay si P. Celestino "Tinoy" Rodriguez. Iyong isa kong
tiya upang makapagaral ako ay sinali ako sa sakristan kasi libre ka
sa St. Anne's noon kapag sakristan ka. At noong sakristan ako,
nakatira kami kina P. Vera nakikita namin na napakaraming seminarista
noon sa Hagonoy. Sina Msgr. Vengco noon at P. Teng Manlapig nakikita
namin noong mga seminarista pa lang sila. Nagsisimba ang mga
seminarista noon, dalawampu sila: major at minor. Tapos lagi kaming
nagseserve at pinapakain pa sila noon nina P. Vera matapos ang misa,
masaya. Kapag hapon naman, nagdarasal sila para sa mga nobena at
pagkatapos ay naglalaro naman. Sa pagkakakita ko sa kanila, nakita ko
na masarap pala maging seminarista. At noong tinanong na ako kung
gusto kong maging seminarista, sabi ko "Sige po."
Kaya
naman napasok na ako sa loob ng seminaryo sa Guadalupe. Doon
na ako nagminor tapos tuloy-tuloy na iyon. Noong natapos ako sa
kolehiyo, napagisip-isip din ako na dahil sa hirap ng buhay ay
lumabas muna ako. Nagturo muna ako sa St. Anne's noon ng isang taon
at matapos naman ng isang taon ay bumalik na ako. Nagkaroon pa kami
noong ng mga problema noon matapos ang isang taon sa aming rektor at
dahil doon nagkaroon kami ng kaso, kami ng iba kong kaklase. Ngunit
kami naman ay tinulungan ng mga CICM Fathers at pinatuloy sa kanilang
seminaryo sa Taytay, Rizal. Pati mga obispo noon tumulong tulad ni
Obispo Felix Perez ng Imus na pinatuloy kami sa Tagaytay hanggang sa
kami ay nakatapos. Pero kahit ganun, hindi kami napalabas dahil sa
nangyari sa amin at nanalo kami sa ipinaglaban namin ngunit hindi
naman namin tinaliwas ang utos ng mga nakatataas sa amin. Tinignan
naman kung makatwiran ang aming pagtutol, at sinabi naman na maaari
kaming ordenahan sapagkat nagkaroon naman kami ng sapat na dahilan.
Pero pagkatapos naman noon nakatutuloy pa naman kami sa San Carlos at
bukas naman kami para sa kanila.
Nakatutuwa
nga na sa Hagonoy, kapag nalaman na papasok ng seminaryo, maraming
tutulong sa iyo. Naalala ko si P. Tirso Tomacruz na mayamang pari,
nagbibigay sa amin kapag mayroong kailangan at kahit noong namatay na
siya ibinigay niya ang kanyang yaman sa mga mapagkakatiwalaan, sa
kanyang mga pamangkin kaya patuloy ang pagbibigay para sa mga
seminarista. Kahit yung mga kamag-anak ko noon, yung lolo at lola ng
apo kong seminarista ngayon si Ivan Panganiban, kapag umuuwi ako
binibigyan ako ng t-shirt kasi may pagawaan sila noon ng tela. Ang
tao noon ay kapag nalaman na nag-aaral ka sa seminaryo, madali kang
tulungan, bukas ang kanilang loob. Dun sa ganoong paraan kahit kamo
ay mahirap kami, nakatapos naman ako kahit papaano sa tulong ng mga
mapagbigay na tao at mga kamag-anak.
Ano
pong mensahe ang nais ninyong ibigay sa mga tumatangkilik sa
pahayagang ito upang mas yumabong ang bokasyong Katoliko lalo na sa
pagpapari?
Itong
pahayagang ito ang Catholic
Hagonoeño ay isang
magandang gawa at sana ay lumago pa ito. Dahil sa nakikita ko, ito’y
isa talaga sa mga maganda at dapat gawin para muling magbalik ang
bokasyon sa pagpapari sa ating bayan. Ngayon alam naman natin na
laging nababanggit na maraming pari sa bayan ng Hagonoy. Ngunit
ngayon, bihirang bihira na ang naoordenahang pari sa ating Diyosesis
na taga-Hagonoy. Parang hinahanap-hanap ko pa na basta Hagonoy,
madaming bokasyon diyan, madaming pari diyan. Kaya itong pahayagan na
ito ay isang magandang gawain upang bumalik ang mga bokasyon sa
pagpapari sa bayan. At ito rin ay isa ding paraan para yung mga pari
na ay magkaroon din ng pagkakaisa, upang pasiglahin ang samahan, yung
Kapatiran ng Kapariang
Taga-Hagonoy. Maganda rin
ito bilang pangakit para sa bokasyon, kasi yung halimbawa na dala ng
pahayagang ito ay nagbibigay ganda sa pagtingin ng mga
mananampalatayang taga-Hagonoy sa pagpapari.
Kaya
binabati ko ang mga nag-aayos ng pahayagang ito, kasi mahalag ang mga
gawa dito, di lamang para mas dumami ang mga kaalaman ukol sa Hagonoy
kundi para din ang pagtingin o pagbigay pansin kung bakit dumami ang
bokasyon sa bayan. Yun kasing mga dahilan na iyan kung bakit dumami
ang mga pari, magagamit iyan para malaman natin kung paano
makahikayat muli ng mga kabataan para umunlad ang bokasyon sa
pagpapari. Kung ano ang mga pamamaraan noong, yung mga nakitang
halimbawa at pagiging makadiyos ng pamilya, ito ang mga nakatulong sa
bokasyon sa pagpapari sa bayan. Iyon ang mga palatandaan na dito sa
ganitong mga pamamaraan nagkakaroon ng bokasyon. Malaking tulong ang
ginagawa ng lathalain, lalo na sa pagtutulngan ng mga nagsusulat para
dito para makahikayat ng mga tao na lumaki sa pananampalataya.
Mga
Parokyang Nadestino:
Katuwang
na Pari
Parokya
ng Inmaculada Conception - Katedral
Poblacion,
Malolos, Bulakan
(1974
- 1977)
Kura
Paroko
Parokya
ni Sta. Isabel
Sta.
Isabel, Malolos, Bulakan
(1977
- 1986)
Kura
Paroko
Parokya
ni San Marcos Ebanghelista
San
Marcos, Kalumpit, Bulakan
(1986
- 1990)
Kura
Paroko
Parokya
ni San Ildefonso
Poblacion,
Guiguinto, Bulakan
(1990
- 1999)
Kura
Paroko
Parokya
ni Santiago Apostol
Poblacion,
Plaridel, Bulakan
(1999
- 2007)
Kura
Paroko
Parokya
ni San Pedro Apostol
Tungkong
Mangga, City of San Jose del Monte
(2007- 2013)
Page 3 of 6
Please press Older Posts for Pages 4-6.
No comments:
Post a Comment