Salamin ng Katuwiran Bb. Heart Cayanan |
Speculum
Iustitiae
Ang
Birhen kong Paraluma’y nilapatan ng sagisag, nang ang iwing
kagitinga’y lalo nating mabanaag; sa salamaning bubog siya ngayo’y
kusang itinulad, salamin ng katarungang mahiwaga sa pang-malas;
sapagkat sa Kanyang buhay ay ating ma-aanag-ag ang banal na pagaasal
at ugaling gintong payak; Speculum Justitiae ang Dakila
nating Dilag, sa Kanya ay aninuhin ang marikit Niyang hiyas.
---o0o---
Sa
dahon ng Santong Sulat “katarunga’y kabanalan at matimyas na
pagsunod sa Banal na Kautusan;” ang Utos ng Ating Diyos kung
tawagin nami’y “ilaw” at liwanag na sa tao’y parang sulong
tumatanglaw; bawat tao’y isa naming katulad ng salamain daw at sa
kanya’y nararapat masinag ang kabanalan; sa ganitong pagtuturing
ang Birhen tang Inang Mahal sa salaaming sakdal kinang ng Pagibig sa
Maykapal.
---o0o---
Bawat
wikang sa labi ng Birheng Ina’y namutawi ay wika ng katamisang sa
Dios lamang naghahari; sa kilos ng Birhen nating sakdal hinhin at
mayumi, kalinisan ng Maykapal ang pilit na nabubunyi; ang linis ng
pamumuhay at ang ganda ng ugali ay sinag ng kabanalang sa Birhen ay
namayani; kaya’t yaong katarungang tampok nitong Kristong Hari, ang
asa mo’y sa Salamin sa Birhen ta’y masusuri.
---o0o---
Sa
buhay n gating Ina ay pilit mababakas sa wagas na kabanalan ng
Maykapal nating liyag; kaya tayo’y tumingala sa banal po niyang
sinag, nang ang puso sa pagibig sa Dios natin ay magalab; bawat tao
ay salaaming dapat magsabog ng sinag na mistulang kabaita’t
kabanalang maliwanag; sa ganitong yaong dilim mahahawing mga ulap sa
Kristong hari natin ang sa mundo ay sisikat.
---o0o---
Bawat
saglit tayo sana kay Maria’y manalamin at bakasin ang ugalung
nararapat na taglayin; sa kanya pong halimbawa’y bakas Niya’y
taluntunin at kay Jesus na kandungan ang tiyak sa sasapitin; ang
katwiran ni Maria ang palagi nating sundin at si Jesus na Bathala ang
maligayang kakamtin; kaya tayo ay tumawag sa Dakila nating Birhen at
ang Kanyang kabanala’y pagmasdan at salaminin.
No comments:
Post a Comment