Regina
Prophetarum
Ang
propetang isinugo na humula sa
darating,
ay
may Reynang kinilala sa Babaeng
Inang-Birhen;
bawa't
hula na sinulat na kay Jesus ay
nahinggil,
ay
kaugnay ni Mariyang Ina Niyang
masintahin,
nang
tukuyin ni Isayas yaong Sanggol sa
Betlehem,
hindi
niya maaaring itong Ina ay itakwil;
siya'y
Reyna ng propetang sinugo ng Poong
giliw,
na
nagpuri kay Mariyang pagka-ina't
pagka-birhen!
-----o-----
Si
Isayas, sa dahon ng Lumang Tipan
nating aklat,
"pagka-birhen
ni Mariya'y malinaw na inilahad";
sa
lahi ng haring David, may Birhen
daw na sisikat,
maglilihi't
isisilang ang "Emmanuel" sa
liwanag;
ang
binnaggit sa Israel ng propetang
Heremiyas,
meron
(anyang) sa daigdig ay lilitaw na
Mesiyas";
at
sa hula ni Esekyel "santwaryo ang
Inang wagas,
na
pinid ang kanyang pintong sa prinsipe
lang bubukas".
-----o-----
Ang
lahat ng manghuhula'y walang palad na
makita
ang
l'wahati't kabunyian ng Mesiyas na
sininta;
malabo
at bahagya lang ang namasid ng
propeta,
samantalang
ang Apostol, ito'y lubos na nadama;
nguni't
higit kaninuma'y nasaksihan ni Mariya,
ang
lahat ng inihula at kay Jesus ay
nakita;
siya'y
Reyna't isang Inang naging bunying
propetisa,
na
ang hula'y "Magnificat" na awit
na katha niya.
-----o-----
Namalas
sa kanyang diwa ang lahat ng mga
bayan,
tatawagin
siyang laging "mapalad sa santinakpan";
nakita
ang awa ng Diyos na sa tao'y
mag-aakay,
at
ang lakas na dudurog sa palalong
mga hunghang;
babagsak
ang mayayabang sa trono ng karangalan,
ang
mababa'y itataas sa dakilang kabunyian;
ang
gutom ay bubusugin sa banal na
mga aral,
--
ito'y hula ni Mariya na Reyna ng
mga paham.
-----o-----
Ang
bibig ng nagsihula ay banal na
mga labi,
at
ang buhay ay malinis na may
banal na ugali;
kaya
sila sa marami ay pinili't itinangi,
at
nabantog na propetang si Bathala ang
nagbunyi;
nguni't
higit sa kanila itong Reynang
bukod-tangi,
walang
bahid-kasalanan, walang batik kahit munti;
siya'y
birheng nagniningning na banal ang
iwing budhi,
at
reyna ng manghuhulang sumikat na
bunying lipi..
-----o-----
Ang
darating ay lihim na hindi natin
nababatid,
pagka't
tayo'y tao lamang na mahina ang
isip;
sa
hula ng mga bagay na sa Langit
makakamit,
lumalaki
ang pag-asa't ang lakas ng pananalig;
ang
Reyna ang manghuhula, si Mariyang
sakdal-bait,
tayo
nawa ay akayin sa pangarap nating
Langit;
doo'y
ating madadama ang Maykapal na
pag-ibig
at
ligayang inihulang walang sawa't kahulilip.
No comments:
Post a Comment