Regina
Angelorum
Ang
Birhen ay isang Reyna na sa
Langit pinutungan
at
ang AMA ang nagputong, na sa
lahat ay Maylalang;
si
Jesus na Kanyang Anak, ay Hari ng
santinakpan,
kaya
Siya'y Haribini ng lahat ng
sangkinapal;
mayroon
po siyang TRONO sa rurok ng
kalangitan,
libong
anghel ang sa kanya'y mapitagang
nagbabantay;
O,
Reyna ng mga anghel, mutyang Birheng
Inang mahal,
ang
hukbo ng mga anghel ay hukbo
mong nagdarangal!
-----o-----
Si
Jesus ay isang Hari, at Hari ng
mga anghel,
kaya'y
Reyna manding ganap ng anghel ang
Inang giliw;
ang
lahat ng katungkulang sa anghel ay
nahabilin,
ay
gawaing lalong wagas na sa Birhe'y
nagniningning;
ang
anghel ay "espiritung
sugo ng Dios na butihin,
at
lingkod ng mga taong dapat nilang
tangkilikin";
siam
na koro silang lahat na may
banal na tungkulin,
na
maglingkod at tumulong sa ilalim
nitong Birhen.
-----0-----
Ang
anghel ay mensahero
ni Bathala sa daigdig,
ang
arkanghel ay dakilang embahador
nitong Langit;
taga-gawa
ng himala ay ang Koro ng
Virtudes,
pumipigil
sa demonyo'y ito namang Potestades;
sa
anghel ang nangunguna'y Principadong
ubod ng dikit,
Dominacion
ang
sa kanila'y may lakas na umuugit;
sa
paghukom ni Bathala, ang Tronos
ay ginagamit,
karamay
sa pag-gagawad ng hatol na
ubod-higpit.
-----o-----
Sa
dunong at kaalaman, ang Kerubin
ay balita,
ang
Serapin
nama'y bantog sa pagsintang madakila;
ang
tungkulin nilang ito'y sa Birhen tang
masanghaya,
at
lalunang maka-reyna, maringal at mapagpala;
si
Mariya ang dinalhan ni San Gabriel
"ng hiwaga",
at
siya ang Birheng-Inang punong-puno ng
himala;
ang
Mag-ina ang dumurog kay Satanas na
kuhila,
at
humawi sa karimlang bumalot sa ating
lupa.
-----o-----
Si
Mariya, bilang Ina . . . si Jesus ay
inutusan,
ang
Dios-Tao'y tumalima sa nasa ng Birheng
mahal;
bawa't
nais niya'y batas sa Anak ng
Walang-Hanggan,
gasino
pa sa anghel na utusan lang ng
Maykapal;
ang
dunong man ni Mariya sa Kerubin
ay lampasan,
at
sa apoy ng pagsinta, Serapin ma'y
nalaluan;
kaya
siya yaong Reyna ng anghel na
mga banal
na
sa lahat ng sandali'y laan nilang
paglingkuran!
-----o-----
Nang
subukin ni Bathala sa Langit ang
mga anghel,
nagawa
ang pagbabaka, naghimagsik itong Lusbel;
nagbangon
at sumalasa si San Miguel na
Magiting,
at
hinyulog sa impyerno ang hukbo ng
mga taksil;
nuon
daw ay ipinakita ang misteryo niyong
Belen,
si
Jesus na naging Tao sa piling ng
Inang Birhen;
hindi
nais na sumamba ang palalong si
Lusiper,
samantala,
nagsi-samba ang mabuting mga anghel.
-----o-----
Ang
"koro" ng mga Virtud
.
. . gumagawa ng mga himala,
ang
Potestad
ay
pumigil kay Satanas na kuhila;
Principado
ay
sa anghel nangungulong walang sawa,
Dominacion
ang sa kanila'y may poder ng
pangasiwa;
ang
Trono
ay
tumutulong sa paghukom ni Bathala,
ang
Kerubin
ay sa dunong natanghal at nadakila;
ang
Serapin
.
. . nag-aalab sa pag-ibig mabathala,
silang
lahat ay may REYNA, si Mariyang
pinagpala!
-----o-----
Ang
anghel ay taga-ingat, patnubay ng mga
tao,
siyang
naging tagatanggol sa simbaha't mga
templo;
nangulo
sa piling bayan at "lumupig sa
demonyo",
nang
sa Langit ay subukin silang lahat
sa "misteryo";
yao'y
unang pagbabaka, nang si Lusbel ay
nagbago
at
ayaw na pailalim sa Maykapal na
totoo;
si
San Miguel at ang lahat ng tapat
na espiritu,
naghandog
ng paglilingkod sa Birhen at
Diyos-Tao!
-----o-----
Nuon
pa ma'y nakita na't namasdan ang
bunying Reyna,
ng
mabuting mga anghel, na nuon pa'y
humanga na;
paglupig
sa kasamaan sa mundo ng pagbabaka,
ang
Birhen ay di-titigil na magpuno at
manguna;
kaya
itong mga anghel ay patnubay sa
tuwina,
sa
ilalim ng mabait at butihing Birhen
Maria;
lingkod
sila at alipin ng mapalad nating
Ina,
sa
Langit man at sa lupa, sa buti
ng kaluluwa.
-----o-----
Itaas
ang mga mata at masdan ang
Birheng mahal,
sa
pilling ng kanyang Anak sa trono
ng kalangitan;
sa
paligid ay naroon ang anghel na
di-mabilang,
umaawit,
nagpupuri, nagdiriwang, nagdarasal;
ang
kanilang mga sigaw sa tuwa ay
di-magmayaw'
MABUHAY
ANG AMING REYNA,
MABUHAY
ANG BIRHENG MAHAL;
O,
Regina Angelorum, O Reyna ng
kabanalan,
hindi
kami magsasawang magpuri sa iyong
ngalan!
No comments:
Post a Comment