Nuestra Señora delos Dolores de Turumba G. Benjie Guevarra |
Regina
Patriarcharum
Ang
matandang mga Santong nauna sa
kalangitan,
ay
ang banal na Patriarkang nuno ng
sangkatauhan;
sa
lahat ng mga ito ay REYNA ang
Birheng mahal,
ang
Regina Patriarcharum, na Reyna ng
kalinisan;
higit
siyang madakila't lalong higit na
marangal,
sa
lahat ng mga Santo't Patriarka ng
santinakpan;
Reyna
siya ng Patriarkang Adan, Noe at
Abraham,
ni
Jacob at dilang Banal ng yumaong
Lumang Tipan.
-----o-----
Ang
lahat ng katangian ng buhay ng
mga ito,
natupad
sa Birheng-Ina, na Ina ng buong
mundo;
kaya't
lubhang na-aangkop ang pamagat niyang
ito,
na
Regina Patriarcharum, ng Patriarkang mga
santo;
si
Adan ang unang taong nilagak sa
"paraiso",
na
dahil sa kasalanan ay "binawi, . .
.at nanglumo;
nguni't
sa Dios ay namahal ang "salaring
mga tao",
kaya't
Siya ay nangakong "Mesiyas ay
paparito".
-----o-----
Si
Adan ay ama nitong nagkasala nating
lipi,
na
nahubdan sa biyaya at nawalan ng
l'walhati;
si
Mariya nama'y Ina ng Mesiyas nating
Hari,
na
tumubos at nagligtas sa nasawi nating
lahi;
ibinangon
itong tao sa putikan at lugami,
sa
buhay na marangal pa sa buhay na
unang-yari;
tayo'y
anak na inampon ni Mariyang Inang
tangi,
naging
bagong-silang tayong lahing-banal, bagong
lipi.
-----o-----
Sa
paglakad ng panahon, itong mundo ay
sumama,
sinamba
ang diyos-diyosan at sinuway si
Bathala;
kaya
ang Diyos ay nagsisi't ginunaw ang
ating lupa,
nunong
Noe at mag-anak ang naligtas lang
sa baha;
nang
sa Arka'y nagsilunsad ang "pamilyang
pinagpala",
pasalamat
sa dambana'y inihain kay Bathala;
nuon
ang Diyos ay nangakong "itong
mundong madalita,
di
na Niya gugunawin sa bagsik ng gayong
baha".
-----o-----
Si
Noe ay isang banal, kaya siya ay
naligtas,
si
Mariya'y lalong banal, wala kahit
munting pintas;
sa
baha ng kasalanan na namana'y
nakaiwas,
sapul
siyang ipaglihi, sa biyaya'y nabatbat;
si
Bathala ay nangako sa kay Noe at
mag-anak,
nangako
rin kay Mariya ang Bathalang
Diyos-Anak;
ang
alay ng Nunong Noe na "hain
ng pasalamat",
ay
gahis ng sakripisyo na Misa ng Kanyang
Anak.
-----o-----
Si Abraham ay ang ama at NUNO ng bayang hirang,
na
ang pagsampalataya'y buong-buo at matibay;
lalong
higit si Mariyang sa Mesiyas ay
nagluwal,
na
sa lahat ng natubos naging Inang
espiritwal;
dahilan
sa kay Isaac naging ama si Abraham
ng
malaking kalahiang sa Mesiyas ay
nagbigay;
si
Mariya nama'y ina sa anak na
minamahal
at
lahat ng mga bansa'y magkakamit-kaligtasan.
-----o-----
Si
Jacob ang nanaginip "ng hagdan ng
lupa't langit",
na
larawan ni Mariyang hagdanan ng
san-daigdig;
ang
Dios-Anak ay sa kanya nanaog na
buong-linis,
at
kasama'y libong banal nang sa Langit
ay nagbalik;
sa
Birhen nga natupad ang hagdan ng
panaginip,
pagpapala
ng Maykapal sa tao ay nilalawit;
and
dasal at kabutihan nitong tao sa
daigdig,
inyaakyat
kay Bathala nitong Inang sakdal-linis.
-----o-----
Sa
Haring di-mamamatay, si Mariya'y Inang
mutya,
sa
tuktok ng karangala'y Reyna siyang
pinagpala;
sa
ibabaw ng lahat ng Patriarka mang
madakila,
Reyna
siyang Pintakasi na may trono at
dambana;
ang
Patriarkang mga banal na sa Langit
ay magara,
kasama
ng mga anghel na kay Maria'y
humahanga;
sa
paligid nitong Reyna nagpupuring
walang-sawa,
ang
Patriarkang nuno nating lahi nitong
taong aba.
No comments:
Post a Comment