Regina Martyrum G. J.V. at Gng. Jazz Lopez |
Regina
Martyrum
Sa
lupon ng mga MARTIR na bayani
ng Maykapal,
ang
Birhen ay isang Reynang "martiryo
ang buong buhay";
ang
Martir ng mga martir, kung siya
ay tagurian,
na
ang puso at damdami'y may sundang
ng kapaitan;
kaya
siya'y Reynang tangi ng Martir na
di-mabilang,
karamay
ng kanyang Anak sa Kurus ng
katubusan;
sa
pag-ibig kay Bathala't pagsakop sa
Santinakpan,
siya'y
Reynang ang tiisin ay palaging
kaulayaw.
-----o-----
Ang
buhay ay inihain at ang dugo'y
ibinuwis,
huwag
lamang tumalikod sa kay Jesus na
inibig;
ang
libo mang kamataya'y susuungin niyang
labis,
huwag
lamang na magtaksil kay Bathalang
nilalangit;
kaya
merong mga martir na sa leon
inihagis
at
may ngiting napalamon sa hayop na
mababangis;
merong
mga martir na binato, pinalo at
hinagupit,
may
pinana, may sinunog, may nilunod pa
sa tubig.
-----o-----
Iba't-ibang
kalupitan sa martir ay pinalasap,
na
di-kayang ilarawang maka-hayop na
pahirap;
Poong
Birheng Maria natin, hindi ito ang
dinanas,
nguni't
higit pa rin dito ang natungga
niyang saklap;
tunay
siyang Haribini ng martir na
nangag-hirap,
sa
laki ng pagmamahal na sa puso'y
naglagablab;
buhay
niiya ay martiryong ang "tiisi'y
walang kupas,
dahilan
sa mutyang Anak, puso't diwa ay
nawasak.
-----o-----
Pagmamahal
ang dahilan ng tiisin ni Mariya,
na
ang puso'y nadudurog kung ang "Pasyo'y
maalala";
sapul
siyang magka-isip, yaong hula ng
propeta
ay
ang ditang iinumin ni Jesus na
Anak niya;
ang
laman ng Santong Sulat . . . nalalaman nitong
Ina,
kaya't
yaong pusong-ina'y kumikirot sa tuwina;
di-man
siya ipinako sa ituktok ng Golgota,
makalibong
naipako sa hirap ang kaluluwa!
-----o-----
Samsamin
nating lahat ang hirap ng mga martir,
anino
lang na maputla ng tiniis nitong
Birhen;
paano'y
"Ka-mananakop" ng Anak ang Inang
giliw,
kaya't
siya'y nasugatan, nang si Jesus ay
hampasin;
ang
sakit at dalamhating naging bunga
nitong krimen,
sa
puso ng Inang Birhen ay natipon
at tumining;
sa
hangad na itong tao ay iligtas
at kupkupin,
maligayang
. . . naki-ugnay, sa kay Jesus na tiisin.
-----o-----
Ang
Martir ay mga saksi ng pag-ibig
sa Maykapal
at
saksi ng Poong Jesus na tumubos
sa kinapal;
dapat
tayong maging saksi ni Jesus na
ating Mahal,
sa
pagyakap sa kurus ng pagtitiis nating
banal;
nasa
krus ang kabanalan at ang krus
ang karangalan,
sinasabit
nitong Reyna sa Anak na minamahal;
dapat
tayong maging saksi ni Jesus na
ating hirang,
at
parisan itong Reyna ng martir na
di-mabilang!
Page 7 of 9
Please press Older Posts for Page 8.
No comments:
Post a Comment