Tungkol sa Section/Bahagi:
ALA-ALA: Mga Tula ni Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A.
Isa sa mga kinikilalang ama ng bayan ng Hagonoy ay ang namayapang pari na si Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo, P.A. (+2003). Bukod sa isa siya sa mga nagng pinakamahusay na Kura Paroko ng Parokya ni Sta. Ana sa Hagonoy, kanya ding tinayagang mahirang ang kanyang simbahang inalagaan bilang pambansang dambana. Sa loob ng 21 taon na naging Kura Paroko siya at sa huling taon ay Rektor, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya bilang isang banal at huwarang pari ni Kristo. Kaya naman, lubos siyang tinatangkilik sa buong Hagonoy at kinikilala din naman ng mga pari sa Diyosesis ng Malolos, sa Arkidiyosesis ng Maynila at iba't iba pang sakop ng Simbahang Katoliko.
Ngunit bukod sa kanyang pagpapagawa sa Simbahan ni Sta. Ana kasama na din ng iba pa niyang naitaguyod sa loob ng nagdaang mga taon, iniwan din niya para sa susunod na henerasyon ang kanyang mga akdang tula. Ang mga tulang ito ang kanyang mga nailimbag sa mga libro na bagamat hindi na mabibili ay isinasapuso ng mga taga-Hagonoy. Kaya naman upang hindi masayang ang mga gawang ito, nais namin na ipakita ang mga ito sa inyo para na din mabasa at tangkilikin.
Mula ang mga tulang ilalathala namin dito bawat quarter sa tatlong libro ng mga tula ni Msgr Aguinaldo: Mabangong Kamanyang: Katipunan ng mga Tula sa Karangalan ng Mahal na Birheng Ina ng Diyos (1965), Mga Kwintas na Ginto (1990), Mga Butil ng Diyamante (2000) at Takip-Silim (2003). Nawa inyong mamasid, basahin at tangkilikin ang mga akdang ito ng isang dakilang makata at dakilang pari ng Diyos!
Tungkol sa mga Tula:
Dahil sa muling pagkakahanap sa librong Mabangong Kamanyang: Katipunan ng mga Tula sa Karangalan ng Mahal na Birheng Ina ng Diyos (1965), naging bukas para sa lahat ang laman ng sinaunang akda na ito. Isa itong pagpaparangal para sa ikadadakila ng Diyos sa pamamagitan ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ang akdang ito ay isinaayos noong kanyang ika-25 anibersaryo bilang pari o bodas de plata na naganap noong siya ay Kura Paroko ng Parokya ni San Miguel Arcangel de Mayumo sa San Miguel, Bulakan. Isa itong patotoo sa pagmamahal ni Msgr. Aguinaldo sa Mahal na Ina at paano siya nakabuo ng isang taon ng mga tula sa kanyang karangalan.
Mula sa:
Aguinaldo, Rdo. Msgr. Jose B. Mabangong Kamanyang: Katipunan ng mga Tula sa Karangalan ng Mahal na Birheng Ina ng Diyos. Baguio City: Catholic School Press,1965.
Ika-1
ng Enero
Dakilang
Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Pandaigdigang
Araw ng Panalangin para sa Kapayapaan
Mabuting
Balita: Lk. 2: 16 – 21
Imahen
ng Mahal na Ina: Maria, Ina ng Diyos (Theotokos)
Sancta
Dei Genetrix
Bukod-pinagpala
sa babaeng lahat
ang
Birhen Mariyang nahirang na DILAG;
paano
ay INA and kanyang pamagat
at
DIYOS ang Bunsong naging kanyang Anak;
Ina
ka ng DIYOS, O, Inang Mapalad,
wala
kang kaparis, wala kang katulad;
Inaawitan
ka ng aking panulat,
idinadambana
ka sa puso ng lahat.
*
* * * *
Ang
kisig at giting ng Anak na tangi,
sa
ina'y naging gintong palamuti;
ang
dangal ni Kristong Bathala at Hari,
kay
Mariya'y saplot namang nagpabunyi:
KAYA,
dumudulog ang mundong duhagi
sa
INA NG DIYOS na inang napili;
SANTANG
INA NG DIYOS . . . . kaming abang lipi,
Idalangin
Mo po, nang 'di masawi.
*
* * * *
Higit
ka sa Reyna't mga Emperatris
na
bantog sa yama't lakas ng daigdig;
sapagka't
INA KA NG DIYOS SA LANGIT,
sa
lakas Mo, kami'y lubhang kumakapit;
sa
Anak Mong Diyos ng aming pag-ibig,
gamitin
ang lakas ng Iyong tangkilik;
wala
nang lalampas sa dangal Mong labis,
ISA
LAMANG IKAW, NA INANG MARIKIT!
*
* * * *
O
INA NG DIYOS . . . .kabanal-banalan,
hayaang
maglambing kami sa kandungan;
ibulong
kay Jesus ang aming hinakdal
at
pilit na ito ay malulunasan;
kami'y
anak Mo rin na nananambitan,
matimyas
sa Iyong nakiki-ulayaw;
sa
Anak na Mutya ay ipamagitan
at
Iyong lawitan ng tanging patnubay.
*
* * * *
Ika-2
ng Pebrero
Kapistahan
ng Pagpapakita ng Panginoon
Pandaigdigang
Araw para sa Buhay Relihiyoso
Mabuting
Balita: Lk. 2: 22 - 32
Imahen
ng Mahal na Ina:
Nuestra Señora de Purificacion y Candelaria
Nuestra Señora de Purificacion y Candelaria
(Our Lady of Purification and the Candles)
Nunc
Dimitis
Apat-na-pung
araw si JESUS, matapos na isilang,
sa
templo ng Herusalem, inyalay ng Inang mahal;
sa
batas ni nunong Moyses, tumalima siyang tunay,
ang
bigay ay kalapating panubos sa Bunsong Hirang;
di
man Niya katungkula'y sumunod sa kautusan,
pagka't
Siya'y "birheng lantay" na 'di naman nadungisan;
nguni't
Siya'y halimbawang sa pagsunod ay uliran,
kaya
Siya ay aliping natampok sa kabanalan.
*
* * * *
Nang
ihain ni Mariya sa templo ang mutyang ANAK,
inihain
Niya Siya sa altar ng dusa't saklap;
sa
lagim ng kamatayan si Kristo ay iniharap,
yamang
sa kaalipinan ay Siya ang magliligtas;
pagkatapos
ay nabalik si Jesus na parang lagak
sa
palad ng Birheng Inang sa "biktima'y mag-iingat";
iniyukol
Niyang buo sa Maykapal yaong Anak,
na
ang nasa ay matupad ang loob ng Amang Liyag.
*
* * * *
Nuon
nama'y iginuhit ng tadhana ng Maykapal
na
sa templo, si Simeon at si Ana'y matagpuan;
laking
tuwa nang makita ang Sanggol ng kaligtasan,
at
kinuha ng propeta sa bisig ng Inang Mahal;
kinalong
nang buong suyo't sa kasi ng Diwang Banal,
pasalamat
ang nabigkas sa natamong kasiyahan;
"maaari
na po ngayong kunin ako, Poong Banal,
pagka't
aking nakita na, ang Mesiyas naming hintay."
*
* * * *
Ang
badya pa ng propeta, - "ang Sanggol na Manunubos
ay
tanglaw ng sanlibutan, sa Israel. . . . Puring lubos";
hula
niya'y "magdurusang walang hunab nga si JESUS'
sa
puso ng Kanyang Ina'y may balaraw na tuturok;
pitong
sakit ang tatarak na espadang dusa't lungkot,
oras
niyang masaksihan ang hirap ng Bunsong Irog;
marami
daw matitisod sa kay Kristong Mananakop
at
maraming sa Israel, mahahango sa himutok."
*
* * * *
Pusong-Ina
ay payapa sa narinig niyang hula,
na
sa nais ng Maykapal, magtiis ma'y nakahanda;
matimtiman
Siyang Ina, sa madugong sabing DULA,
sapin-sapin
man ang hirap, . . . . laan Siyang tumalima;
si
Mariya ay larawan ng ANAK na mabathala,
na
ang buhay ay martiryo at kurus ng dugo't luha;
dapat
Siyang pamarisan nitong taong maralita
sa
pagiging laging tapat sa pagsubok ni Bathala.
*
* * * *
T'wing
Pebrero, ikadal'wa ay pista ng CANDELARYA,
ito'y
ang Puripikasyon nitong mapalad na Ina;
merong
basbas sa kandila na sulo ng mga grasya,
larawan
ng Poong Jesus na Anak ng Birheng Ina;
ang
prusisyon ay larawan nang "si Jesus ay dinala
at
sa templo'y inihandog ng mairog na si Mariya;
tayo
naman ay dapat ding "buhay nati'y italaga
at
sa Diyos ay ihandog yaring puso't kaluluwa."
*
* * * *
Ika-11
ng Pebrero
Pag-alala
sa Mahal na Ina ng Lourdes
Pandaigdigang
Araw para sa mga Maysakit
Mabuting
Balita: Mk. 8: 1 - 10
Imahen
ng Mahal na Ina: Birhen ng Lourdes
AngBirhen
ng Lourdes
Peb.
11, 1964
Ang
damit ay puting-puti na "bihis ng Birheng Mahal",
sa
baywang ay merong asul na bigkis ng kabanalan;
mula
ulo hanggang paa'y larawan ng kahinhinan,
may
talukbong na mahaba't nakatapak sa batuhan.
*
* * * *
Sa
paa ay merong isang bulaklak na tila rosas,
sagisag
ng kabaitang sa Birhen ay isang hiyas;
at
sa noo'y may koronang mga talang kumikislap
at
ang mga palad . . . . nakadaup . . . . may Rosaryong hawak-hawak.
*
* * * *
Sa
hiwagang "anyong ito", itong Birhe'y napakita
sa
mapalad at mahinhing "pastol na si Bernardita"'
sumambulat
ang habilin doon, nitong ating Reyna
at
ang Lourdes naging bukal ng himala't madlang grasya.
*
* * * *
Mula
noon ay natayo ang maraming mga Grotto
at
bantayog nitong Birhe'y natanghal sa bawa't dako;
kaya
ngayon sa San Miguel, Pasinaya natin dito
at
pagbasbas sa isa pang "banal nating monumento".
*
* * * *
Mahal
na Birhen ng Lourdes, ang San Miguel naming bayan,
nagtayo
nang isang grottong bantayog ng pagmamahal;
tanda
itong, lagi Ikaw sasabugan ng kamanyang
at
sa mundo'y isang Inang, tapat na paglilingkuran.
*
* * * *
Mula
ngayo'y bantayog kang palaging titingalain
at
ang banal na Rosaryo, araw-araw dadasalin;
ang
puso mong sakdal linis ay ulirang gagayahin
at
ngalan mo ang tuwina'y, kalasag ng bayan namin.
*
* * * *
Ika-25
ng Marso
Dakilang
Kapistahan ng Pagbabalita ukol sa Panginoon
Mabuting
Balita: Lk. 1: 26 - 38
Imahen
ng Mahal na Ina:
Nuestra Señora dela Anuncacion
Nuestra Señora dela Anuncacion
(Our Lady of the Annunciation)
Ecce
Ancilla Domini
Sa
silid na tahimik, ang Birhen ay nagdarasal,
sa
hula ng Lumang Tipa'y matimtimang nagninilay;
bigla
na lang nagliwanag, . . . . si San Gabriel ay lumitaw
na
sugo ng Panginoon sa napiling paraluman;
"Aba
Ginoong Mariya," - ang bati ng sugong banal,
"punong-puno
Ka ng grasya, suma-iyo ang Maykapal;"
nagulat
ang Birheng Mariya, . . . . nakislot sa napakinggan,
para
bagang nagigitla't sa nangyari'y nabaghan.
*
* * * *
"Huwag
kang matakot," - anang anghel na nagpaliwanag,
"pagka't
Ikaw ay nagkamit nang grasya ng Poong Liyag;"
nuon
Niya ibinunyag, . . . . . . . na sa Kanya'y nagbabalak
na
manaog ang Dios Anak, . . . . . . ang tutubos na Mesiyas;
"Ikaw"
anya'y "maglilihi't . . . . . . magsisilang Ka nang Anak
at
JESUS ang ingangalan sa Supling Mo sa liwanag;
Ina
Ikaw na hinirang, sa Anak ng Sakdal-taas,
ano
baga ang sagot Mo, . . . . . Ikaw baga'y pumapayag?"
*
* * * *
BINABATI
KITA
Binabati
Kita, O Reyna ng bait,
Inang
laging Birhen na talang marikit;
Babaeng
maganda,
aming
bagong Eba,
kaligtasan
namin ang Iyong nakamit
sa
pagsang-ayon Mo sa Sugo ng Langit.
*
* * * *
Iyong
pinayapa ang magulong buhay
at
hinango kami sa kaalipinan;
Kalapating
puti
Ikaw,
Inang tangi,
sa
gunaw ng sama, kami ay inagaw
at
kami'y sinagip, nang huwag mamatay.
*
* * * *
Binigyan
ng tanglaw ang matang nabulag,
nilagot
ang taling gapos nitong bihag;
naglaho
ang sama
sa
Iyong sanghaya
at
naging Ina Kang tungkod sa paglakad,
Iyong
isinilang ang Bunying Mesiyas!!
*
* * * *
Binabati
Kita, mapalad na Birhen
at
sana'y pawiin sa amin ang krimen,
sakdal
Ka ng linis,
Santa,
walang dungis,
ang
mabuting asal, ilimbag sa amin
at
ang iwing buhay ay pakabanalin.
*
* * * *
BIYENRES
SANTO
Pagdiriwang
ng Pagpapakasakit at Kamatayan ng Panginoong Jesu-Kristo
Mabuting
Balita: Jn. 18: 1 – 19.
Imahen
ng Mahal na Ina: La
Pieta
(Ang Birheng Maria na pasan ang katawan ni Jesu-Kristo)
Pieta
Kalong-kalong
ni Mariya ang Anak na minamahal,
na
hindi na makakilos, bangkay nang 'di-makagalaw;
buhat
sa Krus ay kinalag at sa sabik na kandungan,
inihimlay
na para bang pahimakas at paalam;
ang
pighati ay sa dibdib, natarak na mga punyal
at
sinalpok ng daluyong sa dagat ng kapaitan;
meron
kayang lulungkot pa sa malungkot na larawan,
nitong
Inang kumakandong sa Anak na walang malay?
*
* * * *
Ang
Anak na taga-ako sa sala ng mga tao.
naka-haya
sa kandungan nitong Inang nanlulumo;
matagal
ding walang kurap, tinitigan itong Kristo,
ang
Katawang pasang-pasa't ang sugat na sagad-buto;
para
Niyang nadarama ang hirap na nanagano.
sa
nalapak na balikat, sa natadtad Niyang noo;
ang
latay ng mga palo ng berdugong buktot, lilo,
at
ang mukha, na larawan ng hirap na walang tuto.
*
* * * *
Yaong
kamay na kay daming binasbasa't pinagpala,
may
butas ng mga pakong dugong buhay ang naglawa;
yaong
paang sa Hudea ay naglakad at gumala,
di
na ngayon maigalaw sa pagdalaw sa kawawa;
yaong
matang kumikislap sa sulyap ng pagka-awa,
hindi
na rin maidilat at may piring na kulaba;
at
ang labing bawa't wika'y gintong aral ni Bathala
ay
hindi na kumikibo at namamad na ring dila.
*
* * * *
Sa
lungayngay niyang ulo'y nabakas ng Inang Birhen
ang
pagtangong walang tutol sa sam-bundok na tiisin;
kamatayang
sakdal-pait ay tinanggap na magiliw
sa
layuning magka-buhay ang nasawing taong sakim;
sa
sugat na sa katawa'y nakikitang ubod lalim,
naanag-ag
nitong Ina ang nagawang krimen natin;
sa
kawawang kalagaya'y natunton ang dusa't lagim
na
inako at tinubos sa hinangong lipi natin.
*
* * * *
Karamay
ang Inang Birhen sa hirap ng Kanyang Anak,
kaya
tayo, sa Mag-ina ay maawa at mahabag;
ang
dula ng sakripisyo sa bundok ng dita't saklap
ay
masuyong sinakbibi . . . . na 'di natin madalumat;
sa
Mag-inang namamanglaw, ang puso ko'y umiiyak
at
kandilang nauupos at tinghoy na umuundap;
maitim
na mga ulap ang sa diwa'y kumakalat,
dumadamay,
nagsisisi, . . . . at talang kukurap-kurap.
*
* * * *
Patawarin,
O Ina ko, ako nga po ang maysala
sa
natamo Ninyong hirap sa pagtubos sa Golgota;
ako
rin po ang berdugo na humampas, nagparusa,
at
tumaga niyong Kurus at nag-atang din sa Kanya;
akong
lahat ang . . . . nagputong ng tinik na kinorona
pagka't
ako ang salaring walang pusong nagkasala;
kaya
ako'y sumasamong iyang dugong nabubo na,
ihugas
sa nagtitika't nagsisising kaluluwa.
*
* * * *
Ika-1
hanngang Ika-31 ng Mayo
“FLORES
DE MARIA”/”FLORES DE MAYO”
Tradisyunal
na Pagdiriwang ng Pag-aalay ng mga Bulaklak sa Mahal na Ina
Imahen
ng Mahal na Ina: Nuestra
Señora
delos Flores
(Our Lady of the Flowers)
Flores
de Mayo
Ang
BUWAN NG MAYO
ay
muling dumalaw sa lupang mapalad,
ang
kasama niya'y
dating
luwalhati, katuwaa't galak;
ang
nasasamyo na'y bangong halimuyak
ng
nagririkitang sariwang bulaklak;
dumadampulay
na ang hanging mailap,
na
ubod ng sayang papaga-pagaspas;
sapagka't
ang Mayo'y
buwan
ng bulaklak na lubhang marilag.
*
* * * *
Iyang
KABATAANG
sa
sariling pugad ay nagsi-uwi na,
nagkakantutuwang
sa
BUWAN NG MAYO'Y magkasama-sama;
nabubuklod
silang binata't dalaga
ng
bigkis ng isang banal na panata;
tinutuhog
nila ang mga sampaga
at
mga bulaklak na ubod ng ganda;
ang
FLORES DE MAYO'Y
ginagawa
nilang hari nang sasaya.
*
* * * *
Parang
paru-paro
at
mga bubuyog sa hardin ng tuwa,
na
ang "kabanalan"
ay
"nektar" na pita sa puso at diwa;
nagtitiklop-tuhod
sa mga dambana
at
dumadalangin sa INA NG AWA;
ikinararangal
sa Poong Bathala
ang
panunuparan sa banal na gawa;
bulaklak
na alay
ay
dasal ng bunying dalaga't binata.
*
* * * *
Ang
FLORES DE MAYO
ay
PAMIMINTUHO sa MAHAL NA BIRHEN,
ang
mga bulaklak
ay
sagisag niyong handog na dalangin;
namimintakasing
taos sa damdamin,
sa
INANG MASUYO'Y nagtatamong aliw;
upang
makamtan mo'y "basbas na magiliw"
ang
"debosyong ito'y gawing mataimtim";
ang
FLORES DE MAYO'Y
batis
ng biyayang 'di dapat sayangin!.
*
* * * *
Ika-15
ng Agosto
Dakilang
Kapistahan ng Pag-akyat ng Birheng Maria sa Kalangitan
Mabuting
Balita: Lk. 1: 39 – 46.
Imahen
ng Mahal na Ina: Nuestra
Señora
dela Asuncion
(Our Lady of the Assumption)
Quae
est ista quae est Ascendit?
Sino
IYANG UMAAKYAT sa rurok ng mga Langit,
na
animo’y nagniningning sa busilak yaong bihis ?
Tila
hukbong nagbabangon sa laot ng himpapawid
at
sa sa bangis ng kaaway ay gumahis at lumupig ;
Tinalo
pa ang liwayway ng umagang mapangakit
at
dinaig pa si pebong hindi kayang makaparis.
Sa
kimpal ng mga ulap na karosang ginto’t pilak,
nakalulan
IYANG REYNANG maringal na UMAAKYAT ;
mga
abay na naglingkod ay angel na mapamihag,
na
awitan ng awitang tila “ koro ng pasikat “ ;
bawa’t
tinig na marinig ay musika at palakpak,
na
bati sa Poong Reyna sa PRUSISYON NG PAG –AKYAT!
Ang
Pinto ng Langit noo’y nabuksan sa katuwaan
na
tila mayroong pista na doon ay nagdiriwang ;
nang
pumasok si Mariya’y ang awita’y di magmayaw,
kaya
pala’y sinalubong ni Kristo ang Inang Hirang ;
binate
ng Panginoon ang Reyna ng Kalangitan,
inilikmo
sa luklukan sa gawi ng kanyang kanan.
Sabihin
pa ang pagkat’wa, buong langit ay nagsaya,
ang
papuri ng serapi’y tila saliw ng orkesta ;
samantala’y
ipinutong kay Mariya ang korona
at
nagpugay ang bayaning mga Santo’t bunying Santa ;
sa
puso ng Reynang bantog ay umapaw ang ligaya,
pagka’t
Siya mula noon sa grasya “ TESORERA “
Lupa’t
Langit ay puno ng ligayang walang maliw,
kaya’t
taong naglalakbay, tungkulin mo ay sumaliw ;
hanggang
doon kay Bathala ang insenso’y paakyatin
at
kalabitin ang kudyapi sa pag-awit na magiliw ;
makisama
sa pagpuri ng banal na mga anghel
at
ang BIRHRN SA PAG-AKYAT ay samahan ng dalangin.
Iwaksi
mo iyang lungkot , pahirin mo iyang luha,
magdiwang
ka sa PAG-AKYAT nitong REYNANG pambihira ;
sa
Langit ay Reyna Siyang matanggulin . . . . makalinga,
nakikinig
sa daing mo’t nagbibihis sa kawawa ;
Siya’y
Reynang merong lakas pagka’t Ina ni Bathala,
Kaya
ngayon sa Pag-akyat may dahilan kang matuwa!
Ika-22
ng Agosto
Kapistahan
ng Pagkakaputong ng Korona sa Mahal na Birhen
Mabuting
Balita: Mt. 23: 13 – 22
Imahen
ng Mahal na Ina: Nuestra
Señora
del Cielo y Tierra
(Our Lady of Heaven and Earth)
Ang
Koronasyon ng Reyna ng Langit
Sa
palasyong mal’walhati pumasok ang bunying Reyna,
ang
koro ng mga anhel… sumalubong na masaya;
bumati
sa Birheng Reyna’t ang handog na ala-ala
ay
pagalang at pagsuyong mababangong sampaguita;
ang
Hari ng mga haring si Jesus na kanyang sinta,
sumalubong
at sa langit inakay ang mutyang ina;
sa
laot ng palakpakan at awit ng ng Santo’t Santa,
sa
maningning niyang trono’y niluklok sa kanan niya.
Bilang
putong sa tagumpay ang korona nitong Birhen
ay
putong na tatlong uri ang tampok na maluningning;
korona
ng mga Doktor, ng mga Martir at mga Birhen
at
ang tungkod namang ginto sa kamay ay isinalin;
at
ang wika :” Aking Ina, maghari kang walang maliw
sa
anghel at madlang tao na may awa, mahabagin;
Ikaw
po ang taga-ingat sa kaban ng grasyang angkin,
ipinamigay
sa sinuman at anumang ‘yong naisin.”
Matapos
ang sapin-saping pagtitiis na masaklap,
nagliwayway
ang umagang walang sawang tuwa’t galak;
pagkalagok
ng mapait na dita ng madlang hirap,
sa
rurok ng luwalhati’y itinampok, iniakyat;
Siya’y
anak ng Dios Ama at Ina ng Diyos Anak,
Esposa
ng diwang Banal itong reynang binusilak;
sa
taas ng mga langit sa tuktok ng alapaap
dumudunghal
si Mariya sa pagbati nating lahat.
Dalisay
na kababaa’t pagka-birheng walang dungis
ang
dahilan ng l’walhati nitong dilag na marikit;
naging
dapat ipaglihi ang Mesiyas ng pag-ibig,
palibhasa’y
Ina ng Diyos ay Reyna ng lupa’t langit;
Yamang
siya ay nagtiis sa pagsubok sa daigdig,
sinaplutan
ng ligayang lubhang walang kahulilip;
dahil
Siya’y hindi hibang sa yaman ng sandaigdig,
hinirang
na Ingat-Yaman ng yaman ng buong langit.
Noong
Siya’y koronahan , kay mariya’y ibinigay
ang
poder sa sanlibutan at sa buong kalangitan;
kay
Jesus na Kanyang Anak ay walang di makakamtan
sa
pagsamo nitong Inang iniibig, minahal;
siya’y
Reynang kabaitan at pag-ibig ang kat’wiran,
luningning
ng pagka-awa’y ang batis ng kalooban;
ang
patawad at ang aliw, madlang tulong, kabanalan,
ilalawit
sa tuwina sa may nais na nilalang.
Tayo’y
dapat na umasa’t sa Birhen ay magtiwala
na
Reyna ng madlang tao . . . . namumudmod ng biyaya;
hingin
natin gabi’t araw ang tangkilik at kalinga
na
pilit na iyaabot nitong Ina sa kawawa;
magagawa
ang tumulong, pagkat Reynang pinagpala
at
gagawa namang lagi sapagkat Ina ng Awa;
sa
Reyna at Inang Mahal ay magdasal tayong lubha
at
tumawag nang malimit sa trono ng madlang awa.
Ika-8
ng Setyembre
Kapistahan
ng Pagkakasilang sa Birheng Maria
Mabuting
Balita: Mt. 1: 1 – 6, 18 – 23
Imahen
ng Mahal na Ina: La
Virgencita |
Maria
Bambina
(The Little Virgin | The Child Mary)
Ang
Pagsilang ng Aking Reyna
(Setyembre
8)
Ngayon
Ikaw isinilang
isang
araw na ganito
at
ang banal na si Ana
ang
nagluwal po sa iyo ;
ang
nipot sa mundong ito
ay
hiwaga at milagro !
Pagka’t
Ikaw po ang Reyna
na
pinuspos ng misteryo,
binatbat
ng madlang grasya’t
ibinukod
Kang totoo.
Walang
dungis na babae,
salamin
ng kalinisan
mula’t
sapul ipaglihi
ay
perlas ng kabanalang ;
iniiwas
sa kasalanang
mana
kay Rba at Adan!
Pagka’t
Ikaw , Haribini,
ay
hinirang ng maykapal
na
Ina ng manunubos
ng
abang sangkatauhan.
Nang
Ikaw po’y ipanganak,
sumilang
ang tuwa’t galak
na
hintay ang mundong itong
sa
pighati’y natitigmak;
parang
araw ay sumikat
sa
daigdig na maulap !
Pagkat
ikaw ang Babaeng
kay
Satanas ay yumurak
at
sa liping sawimpalad
katulong
Kang magtataas.
HAPPY
BIRTHDAY, aking ina,
aking
Reyna, aking Buhay,
sa
iyo pong Kaarawan,
ako’y
iyong-iyo lamang ;
“ang
buo kong katauhan,
yama’t
ari’y Iyong tunay !”
Gawin
Mo po ang nais Mo’t
Ako’y
iyong kasangkapan
at
aliping ------Reyna Ikaw
na
susunding walang hanggan.
Nang
Isilang si Mariya
Sa
talatang bibigkasin ay nais kong ibandila
at
itanghal ang larawan, ng isinilang itong Mutya;
nang
ang Birhe’y ipanganak . . . punong-puno ng biyaya,
nuon
pa man ay Santa na, sakdal banal na nilikha;
dahil
Siya ay napiling Inga ng Dios na dakila,
pinuspos
sa kabanalang walang kulang, walang sawa.
Liban
lamang sa kay Hesus, Verbong nagkatawang –tao,
kaluluwa
ni Mariya’y marilag sa buong mundo;
dinakila
siyang lubha at binatbat ng misteryo,
na
higit sa mga anghel at sa lahat man ng Santo;
sa
tiyan pa niyong Ina’y nabunton na at nanagano
ang
lahat ng kabanalan,bago Siya nipot ditto.
Ang
batayan ng lahat ng bukog-tanging kabanalan
ay
“ sapagkat si Mariya’y Ina ng Dios na nahirang “
sa
lampas ng karangalan sa lahat ng karangalan
ay
lampas ding mga grasya sa Birhen ko’y ibinigay;
kaya
Siya ay marapat na sa lahat ay itanghal
at
masayang ipagdiwang ang mal’walhating Pagsilang.
Kaya
Siya’y may taguring “ Sipres ng Bundok ng Siyon “
at
Sedro ng bundok ng Libanong ubod ng yamungmong;
Olibonng
marilag, hirang, parang araw sa pagtukoy,
pagkat
taloNiyang lahat sa grasya ang dilang poon;
akibat
ng katungkulang Siya’y ating tagatanggol,
dahilan
sa mga tao’y . . . . dilang grasya’y iniyukol.
Ang
lalong katakataka . . . . yaong Kanyang kaluluwa
nang
masama sa katawa’y . . . . nagliliwanag na talaga;
ang
ilaw ng karununga’y tumanglaw sa isip Niya,
sa
tiyan pa niyong ina’y parang taong malaki na;
ang
yaman ng mga grasya doon ay nakilala na,
kaya
yaong pusong-bata, nagalab na sa pagsinta.
Sa
tyan ng sintang ina, sa siyam na buwang singkad,
bawat
saglit na magdaan . . . . napupunan ang pagliyag;
kaya
liban na biyayang “ sa sala ay maka-iwas, “
kabanalan
Niya’y lalong lumalaki’t tumitingkad;
bukod
duon sa biyayang sa Kaniya’y inihiyas,
nagkamit
pa Siyang lalo ng biyayayng walang kupas.
Kaya
nuong ipanganak itong Birheng Inang Marya,
higit
sa lahat ng Santo, Siya’t totoo ng Santa;
ito’y
ating ikatuwa, sapagkat iwing grasya
ay
para sa ating anak at di-lamang pos a Kanya;
sa
lahat ng mga grasya’y tagapamagitan Siya,
pintakasi
ng daigdig, ating ina at pag-asa.
Ang
wika ni San Bernardo ----- “si Mariya ay alulod,“
ang
awa ng Panginoon sa Kaniya’y umaagos;
sa
Kanya ngang mga palad ang grasya ng Poong Diyos,
makakamit
nating lahat, kaya tayo’y manikluhod;
sa
pagsilang ni Mariya’y magdebosyon tayong lubos,
at,
atin ang kayamanang aagos na walang lagot.
Ika-12
ng Setyembre
Pag-alala
sa Matamis na Ngalan ni Maria
Imahen
ng Mahal na Ina: Dulce
Nombre de Maria
(Sweet Name of Mary)
Matamis
na Ngalang Mariya
Matulaing
ngalan na sa langit galing,
ang
Ngalang Mariya ng Mahal na Birhen;
may
tamis ng pulot kung ating sambitin,
at
sa ating puso’y may timyas na angkin;
animo
ay awit tuwinang diringgin,
na
sa nalulumbay may dulot na baliw;
sa
dibdib na wasak sa dusa’t hilahil
ay
batis ng tuwa ang handog sa atin.
Ito
ang pangalan na kaibig-ibig,
katulad
ng Jesus . . . . walang kasing tamis;
ang
dala ng puso’y pagsintang malinis
at
katiwasayan na hulog ng langit;
animo’y
bulaklak na sa bango’y labis,
nasasamyo’y
tuwa’t ligaya sa dibdib;
mal’walhating
ngalang napapanaginip,
may
sukling biyaya tuwing sinasambit.
Mataas
na ngalan na lubhang dakila,
na
buhat sa dunong ng Poong Maylikha;
tuwing
bibigkasi’y nangangayupapa,
ang
anghel sa langit at tao sa lupa;
kahit
sa impyerno . . . . pagalang ay lubha,
nagsisipangatog
ang mga kuhila;
kahulugan
nito’y sa dagat ay tala,
at
magandang reyna, magandang diwata.
Ang
pangalang ito’y nagbibigay-lakas
upang
mapasuko ang demonyong sukab;
binibigyang
tanglaw ang isip ng bulag,
ng
hindi maligaw sa banal na landas;
pinapagsisisi’t
pinababalikwas
ang
makasalanan na may asal-hudas;
luha’y
pinapawi at nagiging galak
sa
sakmal ng dusa’t sakbibi ng mahirap.
Sa
Ngalang Mariya’y magbigay-pitagan,
nang
merong sandata sa pakikipaglaban;
hanggang
sa sandali na huli ng buhay,
sasambit-sambitin
ang banal na ngalan;
si
Maria’y Pinto ng Langit at Hagdan,
pintuhuin
sana sa lahat ng araw;
Siya
ang gabay mo, Siya’y Taga-akay,
Kaya
tawagan Mo ang Kanyang Pangalan.
Ika-15
ng Setyembre
Pag-alala
sa Birhen ng mga Kalungkutan
Mabuting
Balita: Jn. 19: 25 - 27
Imahen
ng Mahal na Ina: Nuestra
Señora
delos Dolores
(Our Lady of Sorrows)
Sa
Iyong Balaraw
Sa
laot ng hirap, dusa’t kapaitan
ang
sinasambit ko’y ang Iyong pangalan;
sa
salpok ng tukso’t madlang kalungkutan,
tinatawagan
ko’y ang Iyong larawan.
Kung
aking limliim ang saro at pait
na
iyong tinungga nang buong pagibig;
ako
‘y nahihiya na hindi magtiis,
sa
dapyo ng dusa na gumigiyagis.
Kung
aking pagmasdan ang hapis mong mukha
sa
harap ni Kristong nakapakong lubha;
natutuhan
kong timpiin ang luha,
at
samahan kita sa pagdaralita.
Masarap
magtiis kung merong pagibig
kung
dahil sa Diyos matamis magsakit;
kung
panong sa rosas ay mayroong tinik,
sa
bawat korona’y merong pagtitiis.
Kaya
nga’t sa iyong balaraw sa puso,
nababanaag
ko’y ibayong pagsuyo;
sa
iyong tiniis sa Mahal na Bunso,
“magbata”
ang Iyong sa amin ay ituro
Sa
natak ng luha’t saklap ng binata,
hinango
mo kami sa palad ng aba;
patnubayan
kaming sa iyo’y gumagaya,
at
huwag malunod sa pagkakasala.
Birheng
Dolorosa
Sa
ituktok ng Golgota’y may kurus na nakatirik,
sa
paana’y may babaeng nakatayo’t tumatangis;
yaong
matang nahihilam sa luha ng dusa’t hapis,
sa
Anak na nakapako’y malungkot na nakatitig;
saksi
Siya sa hirap na hinamak ng busong ibig,
kaya
halos malagot ang hininga sa hinagpis.
Sa
saklap ng dulang yaon ng pagtubos nitong mundo,
puso
niya’t kaluluwa ay nawindang sa siphayo;
palibhasa’y
isang inang nagmamahal ng na totoo,
ang
sundang ng kapaita’y sumagad sa kanyang buto;
matatarok
kaya natin ang lumbay ng Inang ito
na
sa laot ng tiisin ay aliw ng madlang tao.
Tuwing
Kanyang mamalasin ang kawawa Niyang Anak,
nagugutay
ang damdamin at ang puso’y nawawalat;
walang
pusong di durugo maging bato mang matigas,
kung
Makita yaong Anak sa kurus ng madlang hirap;
bawat
hampas, bawat pasa, bawat dugong dumadanak
ay
sugat sa pusong-ina na mahapdi’t umaantak.
Pagtubos
ng Manunubos, nakita ng Inang irog
ang
lahat ng alimura’t pagdusta sa Bunsong Hesus;
ang
katawan ay natadtad sa sugat na makirot
at
namatay sa bangis ng mga dusang walang lagot;
meron
kayang makatulad itong inang maalindog
sa
hirap at pagdurusang kinalong ng Kanyang loob.
O
Ina kong nahahapis, sa piling Mong ubod-panglaw,
marapating
samahan Ka nitong busong dumadamay;
sa
puso ko’y pagningasin ang apoy ng pagmamahal
at
ang sugat nitong Jesus ay huwag kong malimutan;
bahaginan
Mo po ako ng dalita Mong natikman
at
ikintal sa puso ko’y pagkahabag na dalisay.
O
Birhen kong Dolorosa at Ina ng madlang-hapis,
ang
nais ko’y samahan Ka sa kurus ng pagtitiis;
ang
ibig ko’y aliwin Ka sa dusa mong di-malirip,
upang
ako ay matutong sa sala ko ay tumangis;
sa
puso kong mapaglaro’y ituro mo at iyukit,
“na
gamot sa kasalanan ang subyang ng mga tinik.”
Tulungan
Mo yaring lingkod na anak Mong talipandas,
na
supilin bawat hilig na masama’t makamandag;
sa
Kurus ng Iyong Anak ay matutong maging maging tapat,
at,
mamatay muna ako bago ako ay lumabag;
palakasin
ang mahina . . . . magbata ng madlang hirap,
at,
ang kurus ay ituring na pananggol naming lahat.
Ika-7 ng Oktubre
Pag-alala sa Birhen ng Kabanal-banalang na Rosario
Mabuting Balita: Lk. 1: 36 - 38
Imahen ng Mahal na Ina: Nuestra Señora del Santissimo Rosario (Our Lady of the Most Holy Rosary)
Regina Sacratissimi Rosarii
Reyna
ka po ng Rosaryo na kumpol ng panalangin
at
hardin ng mga rosas na dangal Mong inaangkin;
ang
hiwaga ng buhay Mo’t ni Jesus na Iyong giliw,
sa
Rosaryo’y nasasamyo na pabango ng dalangin;
animo
ba’y isang batis ng biyayang ang aliw-iw
ay
lunas sa may-dalita, sa may-lumbay nama’y aliw;
O,
Reyna ka ng Rosaryo, nagpupuri kaming tambing,
kaming
abang mga anak ay masuyong idalangin.
Ang
Rosaryo’y tanikalang ating makukunyapitan,
upang
hindi mangahulog sa bangin ng kasalanan;
ito’y
hagdang nakasandal sa Langit ng kagalakan,
aakyatan
ng debotong may hinakdal sa Maykapal;
aklat
ito ng pag-ibig ng Mag-Inang ... yaong buhay
ay
hirap at pagtitiis PAGSAKOP sa sinukuban;
ito’y
lakas at sandata ng kristyanong lumalaban
sa
masamang sa daigdig ay kalabang umaangal.
“Tuwa,
hapis at l’walhati” ang Misteryo ng Rosaryo,
na
hiwagang nangyayari sa buhay ng isnag tao;
merong
tuwa, merong hapis at l’walhati mandin tayo,
sapul
tayong ipanganak hanggang iwan itong mundo;
sa
TUWA ang Birhe’y naging buhay na tabernakulo,
nang
sa Kanya ay nanaog ang Bathala nating VERBO;
tayo
nama’y mga templo nitong Espiritu Santo,
sa
komunyon nama’y naging banal, buhay na sagraryo.
Sa
HAPIS ang nilalaman ay krus ng pagtitiis,
pagtubos
ng Panginoon sa sala ng sandaigdig;
si
Jesus ay naghingalo at dugo ang ipinawis,
iginapos
sa haligi’t walang awang hinagupit;
sa
noo ay ipinutong ang likaw ng mga tinik,
ipinako
at namatay, mabuhay lang tayong labis,
bawat
isang sumusunod kay Jesus ng pag-ibig,
pasan
ang krus ng tiisin sa GOLGOTA ng daigdig.
Kulang
pa at kulang
Ang
ating papuri at ang ating handog at mga kamanyang,
sapagkat
sa langit ang Birhen ay ating Abogadang
mahal;
Siya
nga ang Ina, Ina nating lahat na ating tanggulan,
at,
dito sa lupa ay Ina ng awa na tinatawagan;
Mag-dumulog
tayo
at
mangayupapang puno ng paggalang
sa
lahat ng araw sa Kanyang paanan!
Ika-21 ng Oktubre
Pag-alala sa Pag-aalay kay Maria sa Jerusalem
Mabuting Balita: Lk. 21: 1 - 4
Imahen ng Mahal na Ina: La Niña Maria
(The Child Mary)
Paghahain ni Maria
Ang
banal na mag-asawang si San Joaquin at si Ana
ay
tumandang walang bunga sa banal na pagsasama;
kaya
sila’y dumalangi’t sa Maykapal namanata,
kapag
sila’y magaanak ... ihahain
sa Diyos Ama;
ihahandog
sa Maykapal ang susupling nilang bunga
at
sa templong dalangina’y maglilingkod na maaya.
Si
Maria ang sumipot sa mapalad na magulang
na
l’walhati ng Israel at tuwa ng kanyang bayan;
isang
sanggol na Babae na reyna ng kagandahan,
sapul
niyang ipaglihi’y may isip na’t tanging banal;
Siya
ang napiling Ina ng Mesiyas nitong tanan
na
ilaw
ng sandaigdigan
at araw
ng kaligtasan.
Sa
tiyan ng kanyang ina na asa mo ay dambana
humandog
na itong Sanggol sa Maylalang na Bathala;
inihain
ang sarili, buong buo, buong laya,
na
alipin ng pagsinta sa Maykapal na dakila;
nuong
Siya’y tatlong taon ang magulang
ay niyaya
at
sa Templo ay hinangad ihain ang puso’t diwa.
Buhat
sila sa Nasaret nilakad ang Herusalem
na
walumpung “leguas”
naman ang layo ng lalakarin;
merong
ilang kamag-anak na umabay sa lakbayon
ngunit
naron ang pulutong ng maraming mga anghel;
narong
siya ay kilikin ni Santa Ana at Joaquin,
narong
Siya ay akayin sa paglakad na mahinhin.
Nang
sapitin iyong Templo’y hinalikan ang magulang
at
hininging pagtalikod sa mundo ay bendisyunan;
ang
hagdanan niyong templo na may-labing-limang
baytang
ay
pinanhik nitong batang tatlo
pa lang taong gulang;
at
sa paring si Zacarias
inihaing matimtiman;
puso
niya’t kaluluwa sa pag-ibig sa Maykapal.
Inihandog
ni Maria hindi ginto’t hindi pilak,
hindi
bango ng kampupot o marikit na bulaklak;
inihai’y
ang katawan at ang yaman niyang lahat
aa
sangla ng kanyang pusong Diyos lamang ang pangarap;
nais
niya’y buong-buo sa Maykapal ay yumakap
at
lipos ng kabanalang humandog na walang
pingas.
Tuwang-tuwa
si Maria pagkabirhe’y inihain
at
ang iwing
kalinisa’y
hindi niya sisirain;
ang
alab ng kanyang puso’y pinagningas sa pag-giliw,
na
animo’y isang bulkang lagablab ay walang maliw;
mamamatay
muna Siya huwag lamang paglahuin
ang
banal na kagitingang namumulaklak sa damdamin.
Labing
da’lwang taon siyang sa templo ay nanirahan
at
doon ang nasasamyo ay
bango ng kanyang buhay;
halimuyak
ng bulaklak ng magandang kabanalan
kay
Maria’y namumukod sa kahapong tinalikdan;
isang
talang mahiwaga ang uliran niyang buhay
na
may sinag ng matimyas na Reyna ng kalinisan.
Ika-8 ng Disyembre
Dakilang Kapistahan ng Birhen ng Inmaculada Concepcion
Mabuting Balita: Lk. 1: 26 - 38
Imahen ng Mahal na Ina: Virgen dela Inmaculada Concepcion
(Virgin of the Immaculate Concepcion)
Inmaculada Concepcion
Ang
unang retrato
ng ibig kong kunin
ay
ang kaluluwang
aalang
kasing-ganda ng Mahal na Birhen;
buhay
na
sagraryo
na lipos ng ningning,
nililok
ng Diyos, ... kay lugod malasin!
sa
Kanya nalagak si Jesus na gili
sa
siyam na buwan,
nang
Siya’y nanaog pagtubos sa atin,
“sagraryo
ngang buhay, kay dangal, kay giting!”
Pag
gawa ng tao ng kanyang tahanan,
ang
gagawin niya’y
ang
makasisiya sa puso’t isipan;
nang
gawin ng Diyos ang Kanyang tirahan,
na
sa lupang ito ay pinanaugan:
ginawa
sa piling mga kagamitan
at
walang katulad,
ginawang
palasyong Kanyang kinalugdan,
“dunong
at pag-ibig ang kinasangkapan!”
Sa
Puso ng Diyos ay lasong mapait
ang
dumi at sama,
tanging
kalinisan sa Kanya’y matamis;
ang
bawat marumi’y hindi Niya nais,
anumang
masama’y kamandag sa dibdib;
kaya,
nang likhain ang palasyong-langit,
pinuspos
sa linis
ang
Mahal na Birheng sagraryong
makinis
at
ang kaluluwa’y pinagandang labis !
Kalinis-linisan
sa balat ng lupa
ang
palasyong ito,
ang
diwa ng Birheng puno ng sanghaya;
iwing
kaluluwa ... bahid man ay wala,
ni
hindi nagmana ng salang masiba;
sakdal-linis
Siya, malinis na lubha,
Inmaculada
ka,
sapul
ipaglihi’y busilak Kang mutya,
di
ka nadungisan ng dumi at sama!
Regina Sine Labe Concepta
Sa
bunton ng mga tao at nilikha sa daigdig
ang
Birhen ay bukod-tanging naging REYNANG sakdal-linis;
kakaiba
sa lahat ng nilalang ng Poong ibig,
pagkat
Siya’y itinampok sa dambana nitong langit;
sa
sala ni NUNONG ADAN ay nagmana tayong tikis,
tayong
lahat na nilalang ay sumilang na may dungis;
ngunit
itong Reynang Birhen, sapul nuong unang saglit,
siya’y
puno ng biyaya, pinaglihing walang-batik.
Siya’y
hirang ni Bathala, naging Ina ng Mesiyas,
kaya
sa salot
ng sala’y
di
nahawa’t iniyiwas;
alang-alang
sa kay Jesus, Anak Niyang iyaanak,
kaya
gayong sa biyaya’y pinabanal at binatbat;
asa
mo ba’y isang Arka na sa baha ay naligtas
nang
gunawin ng Diyos Ama itong mundong talipandas;
ang
lahat ay nangamatay sa pagbahang
walang hunab,
ang
hindi lang naparamay ay si Noe at mag-anak.
Ang
katulad ni Maria ay ang sigang nasa ilang,
na
nakita ni Moises – nagdiringas
na natanaw;
nag-aapoy,
ngunit hindi nasusunog ang halaman,
ganyan
po Ang Birheng Reyna, ... sa sala ay nakaigpaw;
kahit
Siya’y tao lamang, pinaglihi’t isinilang,
sa
sunog ng salang mana ay naligtas, ... di nadamay;
iisa
lang siyang Reyna sa buong sangkatauhan,
iisa
lang siyang taong “walang dungis-kasalanan”
Yaong
Ina ng ANAK na tutubos sa mga sala,
nararapat
maging banal at malinis na talaga;
kung
si Adan at si Eba, ... nang likhaing una-una,
sakdal-linis,
lubhang banal, ... wala kahit munting mantsa;
bakit
naman itong Birheng nahirang na maging INA
ng
Diyos Anak na sisilang, ... hahayaang merong sala?
di
ba pangit
S’ya’y isilang ng may-dungis Niyang Ina?
O,
kay Pangit! Pagka’t Siya’y sasakop sa mga sala!
Hinding-hindi
nararapat na ang Ina’y madungisan
ng
pangit na kasalanang namana kay
Eba’t Adan;
si
Jesus ay mabubuo sa dugo at kanyang laman,
na
di dapat merong mantsa na sasangkap sa katawan;
Esposa
ng Diwang Banal ay
di dapat na magtaglay
nang
tanda ng kaalip’nan ng pangit na kasalanan;
kaya
nga ba ang ginawa’y itong Mariang Inang Mahal,
sapul
nuong ipaglihi’y walang dungis na kinapal.
Dinurog
ng kanyang paa yaong ulo ni Satanas,
pagkat
Siya’y di
nalason ng kamandag niyang ingat;
pinagyaman
ng biyaya, binuntunan ng pahiyas,
itinampok
na sa grasya’y punong-puno’t kumikislap;
papaano’y
Reyna Siyang sa grasya ay walang kupas,
wala
siyang pangalawa sa banal na naging palad;
ang
lahat ng kayamanang sa Langit ay nakatambak,
ibinuntong
palamuti sa INA po ng Mesiyas.
Si
Maria ay “First
Lady”
ng buong sangkalangitan,
na
higit sa dilang hari at reyna ng sinukuban ;
sinaplutan
Siyang Reyna nang saplot
ng kabanalan,
binalot
ng madlang ginto ng yaman
ng kaligtasan;
Ave
Maria, gratia plena, - O Reyna ng kalinisan,
hulugan
ng Iyong awa ang maruming daigdigan;
limusan
ng iyong grasya’t busilak na karangalan,
itong
mundong tila dagat ng maruming mga asal.
Sa
Ngalang Maria magbigay-pitagan,
nang
merong sandata sa pakikilaban;
hanggang
sa sandali na huli ng buhay,
sasambit-sambitin
ang banal na ngalan;
si
Maria’y Pinto sa Langit at Hagdan,
pintuhuin
sana sa lahat ng araw;
siya
ang gabay mo, Siya’y Taga-akay,
kaya
tawagan Mo ang Kanyang Pangalan.
Tota Pulchra
Malinis
...
walang
bahid-dungis,
sapul
ipaglihi’y banal, Birhen Siyang makalangit,
walang
kasing ganda, Tota
Pulchara,
walang kasing-rikit;
bukod-tanging
paraluman, puso’y tigib ng pag-ibig
at
lalo pang mahiwaga’y ... walang sala kahit bahid.
Tinakda
...
ng
Poong Bathala,
sa
tungkuling pagka-ina’y maging Inang mahiwaga,
na
sa Kanyang buong buhay ... walang
sala na ginawa;
walang
salang orihinal,
kahit benyal
... o dakila,
kay
Maria ay wala ring naging pintas na masama.
Si
Maria ...
sa
gawa’t isip Niya
at
sa Kanyang mga wika’y wala namang naging mantsa,
walang
hilig sa masama,
malinis ang bawat pita;
Siya
nga ay impecable,
di-uubrang magkasala,
sumusunod
ang katawan sa katwiran at konsyensya.
Ang
Diyos
ay
tarok na lubos,
kaya
Kanyang iniibig nang pag-irog na mataos
at
di Niya maatim na di sundin yaong utos;
sa
kinang ng madlang grasyang sa Birhen ay ibinuhos,
wala
Siyang iwing lakas na sa Poo’y tumalikod.
Sa
lusak
ng
maruming burak,
ang
Birhen kong Inang mutya’y buong buhay na lumakad,
ngunit
hindi man nahawa sa “putik na lumilipad;”
ginto
Siyang ubod linis, gintong puro, gintong payak
na
gaya ng Herusalem na Langit ng mapapalad.
Ika-25 ng Disyembre
Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Ating Panginoon
Mabuting Balita: Lk. 2: 1 - 4
Imahen ng Mahal na Ina: Birheng Naglihi kay Jesu-Kristo
Et Habitavit in Nobis
Sa
lansangang bako-bako na mabato’t ubod hirap,
dal’wang
tao ang naroong matiyagang naglalakad;
ang
lalake’y may balutang pasan-pasan sa balikat,
ang
babae ay kagampan, nanunungkod na maingat;
sila
pala si San Jose at ang Birheng sakdal dilag,
sa
utos ng emperador
ay nais na makatupad;
patatala
sila doon sa BELEN na bayang liyag,
kaya
doon ay nagsadyang sa Nasaret pa nagbuhat.
Nuo’y
abot na ang dilim, ... nais nila’y mamahinga
at
kahit sa isang dampa’y tumutuloy sana sila;
bawat
bahay na tawaga’y tumatanggi sa kanila,
kahit
sulok ay di nais na ibigay sa dalawa;
kaya
sila ay lumabas sa libis
ng bayang aba
at,
kay palad ! natagpua’y silungan ng isang kweba;
loob
yata ng Maykapal, ... “na
palasyong matalaga
ang
yungib ng dukhang-dukhang tirahan ng mga tupa.”
Nilinis
ng magsing-irog ang kuwebang tinuluyan,
inayos
ang gamit nilang dinala sa paglalakbay;
sumapit
ang hating-gabi, ... si Maria ay nagluwal,
si
JESUS ay mal’walhating sa liwanag isinilang;
walang
hirap na nanganak itong BIRHENG paraluman,
walang
dusa’t walang sakit, walang pait na nagdamdam;
Birhen
siyang nanatili na ang iwing kalinisan,
di-nagahak,
di-napilas, di-nasira kailanman.
Binalot
sa Kanyang lampin ang mabunyi Niyang ANAK,
sa
napulot na sabsaba’y inihigang buong ingat;
sa
pisngi ng Kanyang BUNSO ang halik ay inilagak,
saka
sila ay lumuhod at sumambang buong wagas;
sa
dalitang naroroon sa paligid ng Mesiyas,
puso
nila’y nababagbag
sa hiwagang namamalas;
sa
nahimlay Niyang Sanggol na Maykapal nating lahat,
sumasamba
ang magkasing pag-ibig ay nag-aalab.
Maaaring
ipanganak ang Mesiyas sa palasyo
at
mahiga sa himlayang de
kutson at gintong puro;
pobreng
kweba at sabsaban
ang pinili at ginusto,
upang
tayo ay turuang “talikdan
ang yama’t luho;”
lubos
Siyang makumbabang nanaog sa ating mundo,
nang
ang yabang ay gamutin sa palalong mga tao;
nagtiis
nang karukhaan ang Mag-Inang maginoo,
upang
tayo ay magbata’t sa mabuti’y mapanuto.
Sa
loob ng kwebang yaon ang naroo’y REYNANG BIRHEN
na
lingid sa mga mata nitong mundong kabilanin;
naroon
ang POONG JESUS sa timyas ng Kanyang piling
na
layuni’y makibaya’t maki-anyo sa alipin;
sa
sumambang mga pastol, sa awit ng mga anghel,
ang
Birhen ay nagninilay sa damdaming mataimtim;
tuwing
tayo’y mag-komunyon, Inang Birhen ay gayahin,
sa
kay JESUS NA TINANGGAP ay sumambang walang maliw.
Ika-30 ng Disyembre
Mabuting Balita: Lk. 2: 36 - 40
Imahen ng Mahal na Ina: Maria, Esposa ni Jose at Ina ni Jesu-Kristo
Banal na Mag-anak
Ang
pamilya ay batayan at sandigan ng lipunan
at
haliging
sa gusali nitong mundo’y pampatibay;
pag
marupok ang mag-anak ay mahina din ang bayan,
may
anay at gipo-gipo ang lakas ng daigdigan;
turingan
mo kung nasaan ang pamilyang matitibay
at
ako ang magsasabing malakas ang sambayanan;
kaya
nga ba’t masdan ninyo ang Mag-anak na uliran,
si
Jesus at Maria’t Jose, ang pamilyang sakdal-banal.
Yao’y
angkang maralita, walang yaman, dukhang-dukha,
maliban
sa kayamang makalangit, - mabathala;
si
San Jose’y aluwageng uliran ng manggagawa,
sa
sipag ay walang sawa, walang angil sa paggawa;
ang
Araw ng Katarungang si Jesus na Poong mutya,
nagtago
sa karukhaan, ... pag-tanglaw sa mga bansa;
ang
Babaeng Ina ng Diyos at Dilag na masanghaya
ay
salamin ng babae’t mga Inang na sa lupa.
Mahinhin
ang Inang Birhen, masipag at matiisin,
nagpupunas,
naglalaba, nananahi, nagsasaing ;
masuyo
sa Kanyang Anak, lubhang maalalahanin,
uliran
sa kabaitan, mapagnilay, madasalin;
ang
anak ay laging tapat, - sa magulang masunurin,
sa
bait at kabanala’y sumusulong nang taimtim;
ang
lalake’y ubos-kayang sa trabaho’y walang tigil,
upang
ipag-agdong buhay ang mag-inang kanyang aliw.
Ang
patibay ng tahana’y dapat munang bigyang-tibay
sa
bisa ng matrimonyong sakramento ng simbahan;
ang
tapat na pagsasama’y sa pag-ibig
sa Maykapal,
nararapat
na itirik,
nang tumatag at tumibay ;
at
kung sila’y magkabunga, ang bunso ay pabinyagan,
sa
palihan
ng relihiyon pandayin ang diwa’t asal;
gisingin
sa kabanalan ng mabait na magulang
at
hubuging walang sawa sa banal na mga aral.
Ang
babae’y manganino sa Birhen ng madlang-awa:
“katapatang
walang dungis, - kabaitang pambihira,
sa
tungkulin
ay marubdob, sa gawa’y walang sawa,
hindi
hibang sa good-time,
sa mad-jong
at mga handa;
una
muna ang magsimba at maglingkod kay Bathala,
ang
asawa’t mga anak ay tapunan ng aruga;
gawing
isang paraiso ang tahanan kahit dampa,
na
aliw ng kanyang bunso at kabiyak niyang mutya.
Ang
lalake’y kay San Jose tumitig at magsitulad,
maging
tapat na asawa na ligaya ng kabiyak;
huwag
yaong may number two na magulo’t talipandas,
kahit
ka na mayaman pa’t may salaping limpak-limpak;
sa
negosyo’y walang daya, malinis ang mga lakad,
at
tunay na katoliko sa lihim man at sa hayag;
lalake
ka na haligi ng bayan mo at mag-anak,
na
dangal ng iyong lipi at bansa mong Pilipinas.
Page 3 of 4
Please press Older Posts for Page 4 and Vol. 1, Issue 3, September 2012.
No comments:
Post a Comment