Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
A Quarterly Electronic Magazine on Hagonoeño Catholic Heritage and the Vicariate of St. Annne, Hagonoy
An online apostolate of the Catholic faithful of the
VICARIATE OF ST. ANNE, HAGONOY
(National Shrine of St. Anne [Sto. Niño, Hagonoy], Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario [Sto. Rosario, Hagonoy], Parish of St. Helena the Empress [Sta. Elena, Hagonoy], Parish of St. John the Baptist [San Juan, Hagonoy], Parish of St. Anthony of Padua [Iba, Hagonoy], Parish of Ina ng Laging Saklolo [San Pedro, Hagonoy], Parish of St. Joseph the Worker
[San Jose, Calumpit], Parish of St. James the Apostle [Poblacion, Paombong] and the Mission
Parish of Sta. Cruz [Sta. Cruz, Paombong].
in association with the
MSGR. JOSE B. AGUINALDO FOUNDATION, INC.
Unit 915, Union Square 1 Condominium
145 15th Ave., Cubao 1109 Quezon City
PUBLISHER
Vicariate of St. Anne, Hagonoy
Roman Catholic Diocese of Malolos
MODERATOR
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
EDITOR-IN-CHIEF
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
ASSOCIATE EDITORS
Sem. Justine Cedric C. Espinosa
El Gideon G. Raymundo
SECTION EDITORS
KULTURA
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Sem. Samuel A. Estrope, II.
TRIBUTES AND FEATURE:
Basilio R. Martin
OPINION
Marlon B. Santos
PHOTOGRAPHY
Rolando P. Bartolome
Arvin Kim M. Lopez
Ronnel B. Perez
Elena V. Macapagal
Editha C. Reyes
Elena V. Macapagal
Editha C. Reyes
El Gideon G. Raymundo
Gabriel S. Sebastian
LITERARY
Consolacion T. Faundo
CONTRIBUTORS
Ma. Theresa
G. Perona, Ronald
Aron O. Perez, El Gideon G. Raymundo,
Sherwin M. Antaran, Jun R. Acuña, Dolores Mangahas-Cruz,
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr.,
Sem. Samuel A. Estrope, II, Jose Luis V. Carpio, Joanna Marie S. Buensuceso,
Sem. Jeremy M. Granados, Editha C. Reyes, Consolacion T. Faundo
Sherwin M. Antaran, Jun R. Acuña, Dolores Mangahas-Cruz,
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban, Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr.,
Sem. Samuel A. Estrope, II, Jose Luis V. Carpio, Joanna Marie S. Buensuceso,
Sem. Jeremy M. Granados, Editha C. Reyes, Consolacion T. Faundo
COVER DESIGN AND LAYOUT
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
PRODUCTION CONSULTANTS
Rev. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P.
Rev. Msgr. Luciano C. Balagtas, P.C.
Rev. Fr. Reynaldo V. Rivera
ALL RIGHTS RESERVED 2012
Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines
An Online Publication produced by the Catholic Hagonoeño Social Communications Group
www.catholichagonoeno.blogspot.com
Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines is a quarterly electronic magazine which aims at providing quality information, trivia, facts and discussion on the different traditions, practices and teachings of the Catholic faithful of the town and vicariate of Hagonoy, Bulacan to know of the significance of these to their living and faith. This organ serves as an independent organization from the parishes yet works for the preservation of the Catholic cultural heritage of the town and vicariate contained within the parochial communities.
About the Cover Page - The image of Nuestra Señora del Santissimo Rosario is one of the famous Marian titles seen in the town of Hagonoy. Because of the Marian devotion brought down by the evangelization of the faithful from Hagonoy the town has long loved the Blessed Mother. Together with this are two logos that symbolize two celebrations under this quarter: the 60th anniversary of the Parish of Nuestra Señora del Santissimo Rosario as a parish (right) and the vicariate's participation in the celebration of the Year of Faith promulgated by His Holiness, Pope Benedict XVI last October 2012 (left).
MESSAGES:
Message from the Editor-in-Chief
EDITORIAL:
Pueblo Amante de Maria: Isang Bayang Nagmamahal kay Maria
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
KULTURA:
Animnapung Guning Taon: Tapat na Debosyon, Dulot ay Kagalakan
Ronald Aron O. Perez
Ala-ala ng Aninampung Guning Taon - Kasalan sa Parokya
Ma. Theresa G. Perona
Si Maria at ang mga Banal ng Santo Rosario:
Kasaysayan at Pag-alala sa Debosyon sa Santo Rosario sa Hagonoy
Kasaysayan at Pag-alala sa Debosyon sa Santo Rosario sa Hagonoy
El Gideon G. Raymundo
IBA PANG ARTIKULO
IBA PANG ARTIKULO
Dolores Mangahas-Cruz | Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
FEATURE ARTICLE:
Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., H.P., S.Th.D.
TRIBUTE:
Rdo. Msgr. Ranilo Santos Trillana, P.C.
Bikaryo Episkopal, Katimugang Distrito ng Malolos
Kura Paroko, Parokya ng Sto. Cristo
Kura Paroko, Parokya ng Sto. Cristo
Marulas, Valenzuela City
Rdo. P. Ronald Cruz Ortega
Kura Paroko, Parokya nina San Isidro at San Roque
Malhacan, Meycauayan City
Rdo. P. Virgilio Mangahas Cruz
Kura Paroko, Parokya ni Sta. Monica
Poblacion, Angat, Bulakan
Rdo. P. Vicente Burayag Lina, Jr.
Pangulo, Kapatiran ng Kapariang Taga-Hagonoy, Inc.
Kura Paroko at Rektor, Parokya at Pandiyosesis na Dambana ng Sagrado Corazon de Hesus
Cruz na Daan, San Rafael, Bulakan
Pambansang Dambana at Parokya ni Sta. Ana
GNG. TERESITA RAYMUNDO-CRUZ,
La Croce Pro Ecclessia e Pontifice Awardee:
Isang Pagkilala
Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario
Jose Luis V. Carpio
GNG. TERESITA RAYMUNDO-CRUZ,
La Croce Pro Ecclessia e Pontifice Awardee:
Isang Pagkilala
Parokya ng N.S. del Santissimo Rosario
Ma. Theresa G. Perona
OPINION:
OPINION:
Joanna Marie S. Buensuceso
Sem. Jeremy Manalaysay Granados
Sem. Samuel Aldaba Estrope, II
PORTFOLIO:
Editha C. Reyes
Kadiwa sa Pagkapari Foundation, Inc.
LITERARY:
ISANG TAON NG TULA KAY MARIA
Mabangong Kamanyang: Isang Katipunan ng mga Tula para kay Mariang Ina ng Diyos
Mabangong Kamanyang: Isang Katipunan ng mga Tula para kay Mariang Ina ng Diyos
Consolacion T. Faundo
Pueblo Amante de Maria: Ang Bayang Nagmamahal kay Maria
Pueblo Amante de Maria – Ang Bayang Nagmamahal kay Maria – isang katagang mula sa isang lumang hymno na nagpapakita ng isang katotohanan: ang diwa ng pagtalima sa biyayan tinanggap mula sa kanyang pamamatnubay. Tunay ngang sa mga nagdaang panahon, ang bansang Pilipinas ay maituturing na lupaing nagmamahal sa Madre Santissima. Mula sa Piat ng Cagayan hanggang sa Buen Viaje ng Antipolo, mula sa La Naval ng Sto. Domingo hanggang sa Peñafrancia ng Bicol, mula sa de Candelaria ng Iloilo hanggang sa del Pilar ng Zamboanga, natatangi ang ating pagmamahal sa Ina ng Diyos. Kahit dito sa ating diyosesis – ang del Carmen sa Barasoain, ang La Purissima ng Sta. Maria, ang Fatima sa Valenzuela, ang La Correa ng Paombong at siyempre ang Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos – mga tanging tanda ng isang bayang pinaparangalan si Maria.
At di natin matatawaran na sa lahat ng ating mga bayan, ang bayang ng Hagonoy ay sadyang puno rin ng pagmamahal kay Maria. Dito natin makikita kung paano naging mahalaga sina Apo Ana at Apo Joaquin sa buhay nating mga Hagonoeño: sila ang mga magulang ng babaeng ito na siyang “pinagpala sa babaeng lahat.” (Lk. 1:42) At naaayon nga sa katesismo ukol kay Maria dito sa Simbahan sa Pilipinas na pinaparangalan natin si Maria na mayroong pagpapatuloy (continuity), pag-ayon sa sangkinapal (universality) at kalaliman ng loob (depth). (Marian Handbook, 1985, No. 168.) At ito ang ibinibigay natin sa pagtingin natin kay Maria sapagkat lubos ang ating pasasalamat sa kanyang sa kanyang naging pag-aalay. Gayon na lamang ang naging gampanin ng Mahal na Ina, isang inang masintahin at handang sumaklolo sa lahat ng pagkakataon ng pangangailangan. Siya ang ating sandigan sa mga oras ng pagkabigo, ang ating tanggulan sa mga oras ng sakuna at ang ating kagalakan sa panahon ng kasaganahan. Ito na lamang ang naging pagpapakita natin ng pagmamahal sa Ina ng ating Panginoon sapagkat inako niya tayo bilang kanyang mga anak. Tulad nga ng sinabi ni Kristo noong ipinaubaya niya tayo sa katauhan ni San Juan bilang Simbahan sa paanan ng krus: “Babae, ito ang iyong anak... Ito ang iyong Ina.” (Jn.19: 26-27) At tinanggap niya ang pagiging ina ng lahat ng mga mananampalatayang Katoliko at pinanindigan niya ito sa lahat ng nagdaang panahon.
Sa diwa ng pagpaparangal na ito ipinakikilala ko ang ika-apat na isyu ng Catholic Hagonoeño: Looking into the Catholic Heritage of Hagonoy, Bulacan, Philippines, ang online publication ng Catholic Hagonoeño Vicarial Media Group. Laman ng ating nasabing isyu ngayong huling bahagi ng taong 2012 ang debosyon ng mga taga-Hagonoy sa ating Mahal na Ina. Makikita sa bagong labas na lathalain ngayong Fourth Quarter ang iba't ibang mga naging uri ng pagpaparangal ukol sa Birheng Maria. Sa unang bahagi na inuukol natin para sa mga kapistahan, ipapakita dito ang mga pagdiriwang sa karangalan ng iba't ibang mga santo para sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre. Ilalahad din dito sa ating bagong isyu ang tampok na artikulo – ang pahayag ng aming minamahal na tagapayong si Rdo. Msgr. Sabino A. Vengco, Jr., isang sikat na marilogo sa pamagat na Si Maria at ang Mananampalatayang Hagonoeño. Kasama pa rin dito ang mga panayam mula sa mga paring anak-Hagonoy na nagpahayag ng kanilang mga kuwento ukol sa kanilang mga bokasyon sa pagpapari. At isa muling itatampok dito sa ating bagong isyu ang isang muling nahanap na aklat ng namayapang Rdo. Msgr. Jose B. Aguinaldo na may pamagat na Mabangong Kamanyang: Katipunan ng mga Tula sa Karangalan ng Mahal na Birheng Ina ng Diyos (1965). Aming itong iaayon sa mga pagdiriwang para sa Mahal na Birhen sa loob ng isang taon na pinamagatang Isang Taon ng Tula kay Maria na siya namang sasamahan ng mga litrato ng mga sinauna at natatanging mga imahen ni Maria o heritage saints sa bayan ng Hagonoy at sa iba pang sakop ng Bikarya ni Sta. Ana.
Sa aming pag-aalay na ito ng isang bagong pagtatangkilik sa pamanang kalinangan ng Simbahang Katoliko dito sa Bikarya ni Sta. Ana at sa bayan ng Hagonoy, tayo'y manambitan sa Inang mapagmahal gaya ng mga sinabi ni Mons. Peping:
O INA NG DIYOS,... kabanal-banalan
hayaang maglambing kami sa kandungan;
ibulong kay Jesus ang aming hinakdal
at pilit na ito ay malulunasan;
kami'y anak Mo rin na nananambitan
matimyas sa Iyong nakiki-ulayaw;
sa Anak na mutya ay ipamagitan
at Iyong lawitan ang tanging patnubay.
(Msgr. Jose B. Aguinaldo, Mabangong Kamanyang, 39.)
Viva la Virgen!
Sem. Kendrick Ivan B. Panganiban
Administrator and Editor-in-Chief
No comments:
Post a Comment